Dengue sa baby, anu-ano nga ba ang mga sintomas at warning signs na dapat bantayan ng mga magulang.
Kwento ng isang ina na nagka-dengue ang dalawang anak
Isang inang netizen ang nagbahagi ng kaniyang karanasan matapos mag-positibo ang dalawang niyang anak sa dengue.
Siya si Julie Ann Dagol, 31-anyos na mas kilala sa Facebook bilang si Mommy ni Don Papi.
Kwento ni Mommy Julie Ann, umaga ng October 8 ay masigla pa ang 14 months old niyang anak na si Baby Neal. Pero bigla itong nilagnat kina-tanghalian na hindi bumaba buong maghapon. Mas gusto din daw nito na lagi siyang karga habang dede lang ng dede.
Sa pagdaan ng oras ay mas lumala ang itsura ni Baby Neal. Hindi na nito maidilat ang mga mata niya at hirap naring huminga. Sinundan ito ng kombulsyon na naging dahilan para dalhin na siya sa ospital ng kaniyang mga magulang.
Sunod na araw ay nilagnat maghapon si Baby Neal na kung saan ang pinakamababang naitala ni Mommy Julie Ann ay 38.6 degrees. Lumabas sa resulta ng mga test na positibo si Baby Neal sa dengue. Kaya naman na-confine siya sa ospital para doon gamutin at magpagaling.
Dengue virus
Samantala, sa bahay nila Mommy Julie Ann ay naiwan ang panganay niyang anak na si Juliene na 7 taong gulang. Sa isang video call ay nakausap niya ang anak na napansin niyang namumungay na ang mga mata. Nilagnat ito kalaunan. Hindi na naghintay pa si Mommy Juliene at pina-tingnan na agad ang anak sa doktor. Ayon sa doktor na tumingin ay tonsillitis ang sakit ni Juliene. Ngunit humingi ng second opinion sina Mommy Julie Ann at nalaman nilang tulad ni Baby Neal ay positibo rin sa dengue si Juliene.
Kaya naman parehong na-confine ang dalawa niyang anak dahil sa dengue. Hinala ni Mommy Julie Ann maaring nagmula ang dengue virus sa kanilang kapitbahay na kung saan may isang 7-anyos na batang lalaki ang nasawi dahil sa sakit.
Kaya naman ibinabahagi ni Mommy Julie Anne ang karanasan upang mabigyan ng impormasyon ang ibang magulang tungkol sa early symptoms ng dengue sa baby at sa iba pang bata.
Sintomas ng dengue sa baby
Maliban sa lagnat at namumungay na mga mata, ang mga napansin na sintomas ng dengue sa baby ni Mommy Julie Ann ay ang sumusunod:
- Puffy eyes
- Watery poop
- Bahagyang pagsakit ng tiyan
- Bahagyang pagsakit ng ulo
- Namumulang pisngi
- Pananakit ng talukap ng mata
Lunas sa dengue
Para gumaling mula sa sakit ay lahat ng pwedeng gawin ay ginawa umano nina Mommy Julie Anne. Sinubukan nilang painumin ang mga anak ng nilagang tawa-tawa at katas ng dahon papaya. Pinakain rin nila ang mga ito ng itlog ng pugo na pinaniniwalaang nagpapataas umano ng platelet ng ating dugo. Higit sa lahat ay hindi niya hinayaang ma-dehydrate ang mga anak. Habang patuloy niyang pinasuso si Baby Neal para mas maging mabilis ang paggaling nito.
“It was the longest 7days of my life. Bilang nanay feeling ko every minute mawawala sila at hindi ko kakayanin kaya naman we tried all possible remedies na narinig namin.”
Ito ang pahayag ni Mommy Julie Anne sa ginawa naming panayam sa kaniya.
Ayon parin kay Mommy Julie Anne ay naka-recover na ang kaniyang mga anak. Kailangan lang nilang bumalik sa doktor para sa kanilang follow-up check-up para masigurong sila ay dengue free na.
Mensahe sa ibang mga magulang
Dahil sa kaniyang karanasan ay may paalala si Mommy Julie Anne sa mga kapwa niya mga magulang. Ito ay ang sumusunod:
- Trust your momma instinct – kapag may off sa anak mo or unusual patingin agad sa pedia.
- Huwag isa walang bahala ang low grade fever kahit masigla pa ang bata.
- Mag-tanong ng magtanong sa mga anak kung ano nararamdaman nila kahit hindi gaano masakit ipa check agad.
- Have a regular pedia kasi malaking tulong ito para makakuha ng room sa hospital dahil pwede ka nilang bigyan ng referral sa ospital. Sa dami ng dengue case ngayon puno ang halos lahat ng hospital.
- Get as much help as you can. Dahil sa mga pagsubok tulad ng pagkakasakit ng anak malaking tulong kung may mga taong gagabay at alalay sayo.
- Higit sa lahat, pray and ask forgiveness kay Lord. Pray na gumaling ang mga bata agad at magka-isa ang pamilya lalo na ang mag-asawa.
Basahin: Dengue: Mga kailangan mong malaman tungkol sa sakit na ito