Dennis Trillo as a dad pinuri ni Jennylyn Mercado sa pagiging sobrang hands-on. Aktres thankful rin sa mister na si Dennis sa pag-aalaga nito sa kaniya at sa kanilang anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Dennis Trillo as a dad ayon kay Jennylyn Mercado.
- Aktor bilang ama at asawa.
Dennis Trillo as a dad ayon kay Jennylyn Mercado
Higit isang taon na ang anak nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si Dylan. Makikita nga sa mga larawan at videos na ibinabahagi ng aktres kung gaano ka-cute ang little girl nila ni Dennis.
Si Jennylyn saglit na tumigil sa pag-aartista para matutukan ang pag-aalaga sa anak. Pero sa isang panayam ibinahagi ni Jennylyn na pagdating sa pag-aalaga sa anak ay very hands on din ang mister na si Dennis Trillo. Hindi niya daw ini-expect na magkalevel sila ng asawa pagdating sa dedikasyon bilang isang magulang.
“Very hands on. Di ko rin iniexpect na parang ka-level ko yung pagkahands-on niya. Kahit pagkagaling ng taping, 1am umuwi ng bahay hindi na yun matutulog. Kasi siya yung night shift.”
Ito ang sabi pa ni Jennylyn sa kung gaano kahands-on na ama si Dennis Trillo.
Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado
Aktor bilang ama at asawa
Ang aktres sobrang thankful sa mister. Lalo pa’t mula ng maipanganak si Dylan ay ganito na daw ang ginagawa ni Dennis.
“Eversince ganoon kami, simula ng newborn si Dylan. Talagang hindi siya matutulog. Aantayin niya kong magising tapos ako naman.”
Ito ang pagkukuwento pa ni Jennylyn.
Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado
Masaya ding ibinahagi ni Jennylyn na pagdating naman sa two boys nila ni Dennis na si Calix at Jazz ay wala ring problema. Magkasundong-magkasundo daw ang mga ito. Sa katunayan ay kuya na kuya daw talaga si Calix para sa mga kapatid niyang sina Dylan at Jazz.
“Si Kuya Calix kung anong trip ni Jazz yung ang sasakniya niya. Saka inaalagaan niya si Jazz saka si Dylan.”
Ito ang sabi pa ni Jennylyn.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!