X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Dennis Trillo hands-on daddy sa baby nila ni Jennylyn Mercado: “Feeling ko lalo akong nakumpleto.”

5 min read
Dennis Trillo hands-on daddy sa baby nila ni Jennylyn Mercado: “Feeling ko lalo akong nakumpleto.”

Pagbibida ni Dennis, marunong na siyang magpalit ng diapers ng baby!

Aktor na si Dennis Trillo may mga natutunan daw sa pagiging ama sa baby nila ni Jennylyn Mercado. Dennis gumagawa ng paraang maalagaan ang anak nila ni Jennylyn sa kabila ng pagiging busy niya sa trabaho.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Dennis Trillo sa pagiging ama sa baby nila ni Jennylyn Mercado.
  • Mga natutunan ni Dennis ng maging mister ni Jennylyn at ama ng anak nila.

Dennis Trillo sa pagiging ama sa baby nila ni Jennylyn Mercado

jennylyn mercado and dennis trillo baby

Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

“Masaya, sobrang saya. Feeling ko lalo akong nakumpleto.”

Ganito kung isalarawan ng aktor na si Dennis Trillo ang buhay niya ngayon matapos maipanganak ang baby nila ni Jennylyn Mercado. Si Dennis proud na ibinahaging siya ay very hands-on sa pag-aalaga sa anak nila ni Jennylyn.

Sa kabila nga daw ng busy niyang schedule bilang artista ay hindi siya pumapayag na mawalan ng oras para maalagaan ang anak nila. Sa katunayan ay may mga bagong skills daw siyang natutunan ng dumating sa buhay nila ni Jennylyn si Baby Dylan.

“Umuuwi ako ng madaling-araw, diretso ako noon mag-alaga. Kahit tulog na sila, itse-check ko kung kailangan na ba palitan ng diaper. Actually ngayon lang ako natuto (magpalit ng diaper) dahil dati naman hindi ko ‘yan na-experience.”

Ito ang pagkukuwento ni Dennis sa isang panayam sa kaniya sa programang ’24 Oras’.

Pag-amin ng aktor, mahirap man balansehin ang oras niya bilang ama at isang artista, ginagawa niya ang lahat para ito ay maging posible. Ito ay sa pamamagitan ng time management na nahahasa na daw ngayon ng aktor ng maging daddy ulit sa anak nila ni Jennylyn.

“Medyo mahirap pero kailangan lang masanay. Kailangang magaling ’yong time management mo bilang artista at tatay sa bahay. Once na makuha mo na ’yong time management mo nang maayos, madali ka nang makakapag-adjust.”

Ito ang sabi pa ni Dennis.

jennylyn mercado and dennis trillo baby

Larawan mula sa YouTube vlog ni Jennylyn Mercado

Sa isa pang hiwalay na panayam, pagbabahagi pa ng aktor na dream come true ang pagdating ni Baby Dylan sa buhay nila. Mas naging mas masaya pa daw ang katuparan ng pangarap na ito dahil mini me talaga ni Jennylyn ang anak nila.

“I can’t get enough of my wife. So I am excited that I now have a mini version of her. This will be a totally different experience for us, but we asked for this, and we’ve been waiting and dreaming of a baby girl—and now we have her. We’re just so happy and complete.”

Mga natutunan ni Dennis ng maging mister ni Jennylyn at ama ng anak nila

jennylyn mercado and dennis trillo baby

Larawan mula sa YouTube vlog ni Jennylyn Mercado

Sabi pa nga ni Dennis, sa ngayon ay talagang plinano niyang maging hands-on hindi lang sa pagiging ama kung hindi rin sa pagiging isang asawa. At maliban sa happiness at fulfillment na naibibigay nito, thankful din siya sa mga bagong experience na nararanasan niya.

“Ngayon, na-experience ko ’yung mga hindi ko na-experience dati. Nakapag-hands on ako talaga na mag-alaga ng pamilya, ng anak. Siguro isa ito sa pinakamasasayang stages ng buhay ko.”

Ito ang sabi pa ng aktor.

Samantala, sa video ng naging panganganak ni Jennylyn ay makikitang hindi siya iniwan ni Dennis. Sa katunayan, ito ang nagpapalakas ng loob ng aktres na umaming natatakot parin manganak noon kahit pangalawang beses niya na ito.

Si Dennis ay may special role sa naging panganganak ni Jennylyn. Maliban na siya ang in-charge sa documentation, si Dennis rin umano ang nagputol ng umbilical cord ng kanilang anak.

“Ako yung magpuputol ng umbilical cord. Ninenerbyos ako pero nagawa ko naman ng maayos. Agad ko binalita kay Jen kung gaano kaganda at kalusog yung anak namin.”

Ito ang sabi ni Dennis sa birth vlog ni Jennylyn. 

Mensahe ni Dennis at Jennylyn sa isa’t-isa

jennylyn mercado gender reveal party

Jennylyn Mercado Baby Gender reveal party. | Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

Minsan na ring sinabi ni Dennis kung gaano siya ka-swerte na maging mister at ama ng anak ni Jennylyn. Ibinahagi niya rin na si Jennylyn ang kamukha ng kanilang baby.

“Gusto ko lang sabihin na napaka swerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya. Deserving ka talaga na magkaroon ng isang pang napaka gandang anak na kamukha mo.”

Ito ang sabi ni Dennis sa kaniyang IG account.

Si Jennylyn may maikli ring mensahe at pagpapasalamat kay Dennis. Sa naging kaarawan ni Dennis, Mayo ngayong taon ay ito ang short but sweet birthday message ni Jennylyn.

“We feel so blessed to have found true love in your arms. Salamat sa iyong napakatamis na pagaalaga at hindi ka talaga nawala sa tabi namin from day 1. You make every waking hour a blessing! We love you!”

Ito ang mensahe ni Jennylyn kay Dennis.

Si Jennylyn at Dennis ay parehong may anak sa mga nauna nilang karelasyon. Si Dennis ay may 15-anyos na anak na si Calix sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar. Habang si Jennylyn naman ay 14-anyos na ang anak na si Alex Jazz. Si Jazz ay anak nila ng aktor na si Patrick Garcia.

Nitong 2021 ay inanunsyo ng dalawa na sila ay engaged na. Ibinahagi ng dalawa sa pamamagitan ng isang vlog ang naging proposal ni Dennis. Doon ay inanunsyo rin nila na sila ay magkakaanak na.

Sa sumunod na taon ay ikinasal sina Dennis at Jennylyn sa pamamagitan ng isang intimate civil wedding ceremony. Buwan ng Abril ngayong taon ipinanganak ni Jennylyn ang baby nila ni Dennis na pinangalanan nilang Dylan.

Partner Stories
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items

Bandera

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Dennis Trillo hands-on daddy sa baby nila ni Jennylyn Mercado: “Feeling ko lalo akong nakumpleto.”
Share:
  • Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

    Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

  • Sharon Cuneta sa anak na si KC Concepcion: “Whatever it is, I will always support my daughter. I will always love her.”

    Sharon Cuneta sa anak na si KC Concepcion: “Whatever it is, I will always support my daughter. I will always love her.”

  • Guro na nagtuturo sa loob ng 32 years na: “I love teaching mahirap man pero masaya akong nakakapagbigay ng knowledge at wisdom sa mga bata.”

    Guro na nagtuturo sa loob ng 32 years na: “I love teaching mahirap man pero masaya akong nakakapagbigay ng knowledge at wisdom sa mga bata.”

  • Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

    Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

  • Sharon Cuneta sa anak na si KC Concepcion: “Whatever it is, I will always support my daughter. I will always love her.”

    Sharon Cuneta sa anak na si KC Concepcion: “Whatever it is, I will always support my daughter. I will always love her.”

  • Guro na nagtuturo sa loob ng 32 years na: “I love teaching mahirap man pero masaya akong nakakapagbigay ng knowledge at wisdom sa mga bata.”

    Guro na nagtuturo sa loob ng 32 years na: “I love teaching mahirap man pero masaya akong nakakapagbigay ng knowledge at wisdom sa mga bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko