X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Dennis Trillo to Jennylyn Mercado: “Napakaswerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya.”

5 min read

Dennis Trillo sinabing napakaswerte ng anak nila na Jennylyn Mercado na ito ang kaniyang ina. Basahin dito ang mensahe ni Dennis kay Jen noong Mother’s Day.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Dennis Trillo may sweet na mensahe para kay Jennylyn Mercado
  • Anak nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

Dennis Trillo may sweet na mensahe para kay Jennylyn Mercado

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

Image screenshot from YouTube

Nitong April 25 ay nanganak na ang aktres na si Jennylyn Mercado sa baby girl nila ng aktor na si Dennis Trillo. Ito ay ibinahagi ng aktres sa pinaka-latest niyang vlog na inilabas nitong May 1.

Ang nasabing vlog sa umpisa ay nagpi-feature ng ginawang nursery room nila Jen at Dennis para sa kanilang baby. Pero sa dulo nito ay may pa-sorpresa ang dalawa. Ito ay ang biglaang panganganak ni Jen na hindi nila inaasahan.

“Check-up lang dapat kami ngayon eh, bigla na lang kaming, bigla na lang eto na. Hindi kami ready.”

Ito ang sabi ni Jennylyn Mercado habang nakaupo sa hospital bed at katabi si Dennis Trillo.

Higit sa isang linggo matapos makapanganak ay nag-share si Jennylyn ng litrato nila ni Dennis habang nasa nursery room ng kanilang bagong silang na anak. Doon ay sinabi niya na masaya siya sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Baby D.

“Hello Bessies! As you know, kakapanganak ko pa lang sa bagong miyembro ng family namin ni Dennis — our very first baby girl!”

“Iba yung saya na nararamdaman namin sa pagdating ni baby “D” pero nariyan din siyempre ang kaba at pag-aalala para sa kanya.”

Ito ang bungad ng post ni Jennylyn na sinundan niya ng opinyon niya tungkol sa estado ng pulitika dito sa ating bansa.

Samantala, sa kaniyang Instagram account ay nag-alay naman ng sweet na mensahe si Dennis para kay Jennylyn ngayong Mother’s day. Sa nasabing post ay makikita ang isang larawan ni Jen habang karga ang kaniyang baby girl at pinapaarawan ito.

 Jennylyn Mercado

Image from Dennis Trillo‘s Instagram account

Bungad ni Dennis ay napaka-swerte umano ng anak nila ni Jen na ang aktres ang naging nanay niya. Sinabi rin nito na kamukha ng kanilang baby si Jen.

“Araw mo ngayon mahal ko, gusto ko lang sabihin na napakaswerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya. Deserving ka talaga na magkaroon ng isang pang napakagandang anak na kamukha mo.”

Ito ang sabi ni Dennis na sinundan niya ng pagbati kay Jen nitong nagdaang Mother’s day.

“Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo, alam kong hindi naging madali. Saludo ako sayo at sa lahat ng mga nanay na kagaya mo.”

“Kaya nirerespeto, pinapahalagahan at mahal na mahal kita. Happy Mother’s Day! I love you.”

BASAHIN:

LOOK: Teenager na ang anak ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia

Jennylyn Mercado pinagtanggol ang mga single mom: “Having a kid early doesn’t make you less of a woman”

 

The unlikely friendship of Jennylyn Mercado and Nikka Garcia

Dennis at Jennylyn natupad na ang hiling na magkaroon ng baby girl

Dennis Trillo to Jennylyn Mercado: Napakaswerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya.

Image from Jennylyn Mercado’s Instagram account

Samantala, sa nauna na nilang panayam ay ibinahagi ni Dennis at Jen kung paano naging dream come true ang pagdating ng kanilang baby girl.

Ayon kay Dennis ay matagal na nilang gustong magkaroon ng anak na babae ni Jen. Kaya naman ng malaman nila ang gender ng kanilang baby ay walang mapaglagyan ang kaligayahan nila.

Si Jennylyn at Dennis ay may parehong anak sa naunan nilang nakarelasyon. Ito ay pareho ring lalaki kaya super happy sila sa pagdating kanilang baby D.

Matatandaang Oktubre nitong nakaraang taon ng i-anunsyo nina Dennis at Jennylyn na sila ay magkakaanak na. Kasabay nito ang pag-aanunsyo rin nila na si Dennis ay nag-propose ng kasal sa aktres. Ang ginawang proposal ng aktor ay isang sorpresa na labis na ikinagulat ni Jennylyn.

Si Jennylyn na noon ay walang kaalam-alam sa nangyayari ay pinagbihis ni Dennis para daw sa isang shoot. Naghinala lang si Jennylyn na may kakaibang nangyayari ng magsimula ng magsalita ng seryoso si Dennis.

Habang tinutugtog ang kantang ‘My Love’ ni Paul McCartney ay doon daw biglang naglabasan ang nagliliwanag na mga salitang “Marry Me” sa harap ni Jennylyn. Doon daw naiyak ang aktres na sinundan agad ng paglapit ni Dennis na agad na sinuot ang singsing sa daliri ni Jennylyn.

“Sinuot na niya ‘di pa ‘ko sumasagot. Confident siya. Sabi ko lang, ‘Di mo pa ‘ko tinatanong!’”

Ito ang natatawang pagbabahagi ni Jennylyn sa ginawang panayam sa kanila ni Dennis ng isang fashion magazine.

Ayon naman kay Dennis, bagamat hindi magarbo ang ginawa niyang proposal ay sigurado naman niyang mula sa puso ang lahat ng ginawa at sinabi niya dito.

“Siyempre gusto ko hindi masyado magarbo. Sa panahon ngayon, dapat maging practical. Ginawa kong simple pero heartfelt pa rin.”

Makalipas ang isang buwan matapos ma-engage at mag-anunsyo na sila ay magkakaroon na ng anak, binigla na naman nina Jennylyn at Dennis ang publiko ng sila ay magpakasal.

Ito ay ginawa nila sa pamamagitan ng isang intimate civil wedding ceremony. Ang kanilang kasal ibinahagi ng dalawa sa kanilang social media account.

Facebook

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Dennis Trillo to Jennylyn Mercado: “Napakaswerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya.”
Share:
  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.