LOOK: Official DepEd academic school calendar ngayong S.Y 2020-2021

Naglabas na ang Department of Education ng academic school calendar ngayong school year 2020-2021. Alamin ang buong detalye rito. | Lead Image from Markus Spiske on Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naglabas na ang Department of Education (DepEd) ng academic school calendar ngayong school year 2020-2021. Matatandaan na sa unang pahayag noong May 5, binanggit na ang muling pagbubukas ng klase ay ngayong August 24, 2020.

Official DepEd academic school calendar ngayong 2020-2021

Ayon sa Department of Education, maaari nang magbukas ang mga private school sa June. Ngunit paglilinaw nila, bawal muna ang physical learning o yung tinatawang nilang face to face.

Bawal muna ang face-to-face learning para sa kapakanan ng mga studyante. Dagdag pa ni Secretary Briones, saka papayagan ang face-to-face kapag naayos o hindi na malala ang sitwasyon. “shall only be allowed when the local risk severity grading permits, and subject to compliance with minimum health standards.”

Official DepEd academic school calendar ngayong S.Y 2020-2021 | Image from Dreamstime

Narito ang official DepEd academic school calendar para ngayong school year 2020-2021:

2020

  • June 1 – Start for teachers to render service
  • 1 to 30 of June  – Enrollment, Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela
  • June 12 – Independence Day
  • July 1 to 31 – Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela
  • August 3-15 – Orientation, Opening Assignments
  • 17-22 of August  – Mental Health and Psychosocial Support Activities
  • August 24 – Pagbubukas ng klase
  • October 5 – World Teacher’s Day
  • October 15 to 16 – 1st Quarter Assessment
  • November 27 – Araw Ng Pagbasa
  • November 30 – Bonifacio Day
  • December 10 to 11 – 2nd Quarter Assessment
  • 14 to 18 of December  – Midyear INSET
  • December 19 – Umpisa ng Christmas break

2021

  • January 1 – New Year’s Day
  • 4th of January  – Balik klase
  • January 9 – Parent-Teacher Conference
  • 3rd Week of January  – NCAE (if allowed)
  • 4th Week of January  – NAT sa Grade 12 (if allowed)
  • January 30 – Umpisa ng early registration
  • February 1st Week – PEPT (if allowed)
  • February 1st Week to 2nd Week – SPG/SSG Election
  • 12th of February – Chinese New Year
  • February 24 to 26 – 3rd Quarter Examination
  • February 25 – EDSA People Power Revolution anniversary
  • March 13 – Parent-Teacher Conference
  • April 1 – Maundy Thursday
  • 2 of April  – Good Friday
  • April 9 – Araw Ng Kagitingan
  • April 15 to 16 – 4th Quarter Examinations for Grades 6, 10, and 12
  • 22 to 23 of April  – 4th Quarter Examinations for Grades 1 to 5 and 7 to 11
  • 26 to 30 April  – End-Of-School Year Rites
  • April 30 – Last Day ng School Year
  • May 3 – Start ng Summer Classes
  • June 11 – End ng Summer classes

Tignan ang buong calendar dito:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Philippine Star

Image from Philippine Star

Balik klase ngayong August 24

Para sa darating na pasukan ngayong August 24, ang mga school ay sasailalim sa Blended learning.

Ang sistema na ito ay ginagamitan ng internet, TV o radio para kahit nasa bahay pa rin ang mga bata, sila ay natututo pa rin.

Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ni Secretary Briones, ang main priority nila ay pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga studyante.

“Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and safety and well-being of learners. ‘Yun ang pinakaunang priority natin,”

Kanselado na rin ang mga national at school related activities katulad ng Palarong Pambansa, Brigada Eskwela, science fairs, festival of talents at iba pang aktibidad sa school na dinadaluhan ng maraming tao maliban kung gaganapin ito online. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing na mahigpit na inuutos.

Sa kabila ng desisyon ng DepEd sa Blended learning, tutol pa rin si President Duterte dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa kanya,  “Walang vaccine, walang eskwela.” ito ang mga binitawang niyang salita.

Samantala, panatilihin pa rin ang proper health quarantine guidelines. Iwasan muna ang paglabas ng bahay at makihalo sa madaming tao. Ugaliin ang social distancing kung hindi maiiwasang lumabas para mamili ng grocery. I-disinfect muna ang mga pinamili at maghugas ng kamay kapag galing sa labas.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ikaw mommy, ieenroll mo na ba ang iyong anak ngayong taon?

Source:
BASAHIN:

Sinulat ni

Mach Marciano