Maaaring hindi pa tayo handa sa blended learning na inanunsyo ng Department of Education o DepEd. Ito ang pahayag ni President Duterte mula sa kanyang press conference nitong nakaraang araw.
Blended learning ng Department of Education (DepEd)
Naniniwala pa rin si President Duterte na hindi pa maaaring pumasok ang mga studyante ngayong darating na school year 2020-2021. Para sa kanya, mahalaga pa rin ang vaccine bago magpasyang bumalik sa paaaralan ang mga bata. “Walang vaccine, walang eskwela.” ito ang mga binitawang niyang salita.
Ano ang ibig sabihin ng blended learning ng DepEd? | Image from Freepik
Ayon sa kanya, hindi pa tayo handa sa pagbabalik eskwela kahit na may blended learning o ibang combined methods para magpatuloy at makabalik sa pag-aaral ang mga studyante ngayong krisis ng COVID-19 sa buong bansa.
Matatandaan na nagsimula na ang online enrollment nito lamang June 1, 2020 hanggang sa katapusan ng buwan kasalukuyan. Samantalang muling magbubukas ang klase para sa school year 2020-2021 sa darating na August 24, 2020 at magtatapos sa April 30, 2021, sa susunod na taon.
Pero ayon kay President Duterte, hindi pa ito magiging sapat at maaaring hindi pa tayo handa kahit na may naisip na magandang plano upang ipagpatuloy ang klase.
“We have to wait for the vaccine. Walang vaccine, walang eskwela. Si Secretary Briones, she has this alternative learning, a very good program, like teleconferencing. But I don’t know if we are ready for that,”
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang magiging pamamalakad ng klase ngayong school year 2020-2021 ay maaaring online schooling o kaya gumamit ng TV, internet at radio.
Meron rin npagbibigay ng mga module ng paaaralan sa mga studyante. Ito ay dahil hindi pa rin pinapayagan ang face-to-face classes ang lahat ng paaralan hanggat wala pang vaccine na nabibigay laban sa COVID-19.
Ano ang ibig sabihin ng blended learning ng DepEd? | Image from Freepik
Matatandaan na tutol pa rin rin si President Duterte sa pagbabalik eskwela ng mga studyante habang wala pang nabibigay na vaccine laban sa COVID-19.
Ano ang Blended learning?
Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng internet, TV o radio para kahit nasa bahay pa rin ang mga bata, sila ay natututo pa rin.
Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.
Dagdag pa ni Secretary Briones, ang main priority nila ay pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga studyante.
“Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and safety and well-being of learners. ‘Yun ang pinakaunang priority natin,”
Bawal muna ang face-to-face learning para sa kapakanan ng mga studyante. Dagdag pa ni Secretary Briones, saka papayagan ang face-to-face kapag naayos o hindi na malala ang sitwasyon. “shall only be allowed when the local risk severity grading permits, and subject to compliance with minimum health standards.”
Ano ang ibig sabihin ng blended learning ng DepEd? | Image from Freepik
Kanselado na rin ang mga national at school related activities katulad ng Palarong Pambansa, Brigada Eskwela, science fairs, festival of talents at iba pang aktibidad sa school na dinadaluhan ng maraming tao maliban kung gaganapin ito online. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing na mahigpit na inuutos.
Samantala, panatilihin pa rin ang proper health quarantine guidelines. Iwasan muna ang paglabas ng bahay at makihalo sa madaming tao. Ugaliin ang social distancing kung hindi maiiwasang lumabas para mamili ng grocery. I-disinfect muna ang mga pinamili at maghugas ng kamay kapag galing sa labas.
Ikaw mommy, ieenroll mo na ba ang iyong anak ngayong taon?
Source:
ABS-CBN
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!