DepEd age requirement for kindergarten Grade 1 2020, striktong susundin ayon kay Sec. Leonor Briones.
DepEd age requirement for kindergarten Grade 1 2020
Ngayong darating na January 25 ay magsisimula na ang early registration ng mga batang mag-aaral sa kinder, grade 1, 7 at 11. At ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones ay mahigpit na susundin ang age requirement sa enrollment ngayong school year.
Sa ngayon ang mga batang makakapasok sa kindergarten ay dapat na sa 5 taong gulang na sa kasalukuyan o bago mag-Agosto 31, 2020.
Habang ang grade 1 enrollee naman ay dapat na-kumpleto ang kinder. O kung hindi ay dapat nasa 6 na taong gulang sa kasalukuyan o bago mag-August 31 at nakumpleto ang KCEP o Kindergarten Catch-Up Education Program (KCEP).
Dapat din ay nakapasa siya sa PEPT o Philippine Educational Placement Test at mapatunayang siya ay grade 1 ready na.
Ang mga grade 7 enrollee naman ay dapat grade 6 completer. At nakapasa sa PEPT o ALS A&E Elementary passer (Alternative Learning System Accreditation and Equivalency).
Para sa grade 11 enrollee naman ay dapat isang grade 10 completer. At nakapasa sa PEPT o ALS A&E Secondary passer.
Requirements sa early registration
Upang makapag-enroll ay kailangang magfill-up ang estudyante o magulang ng magpapa-enroll ng Basic Education Enrollment Form at School Improvement Plan (SIP) Child Mapping Tool. Ang mga form na ito ay mula sa DepEd na ibibigay sa registration area o eskwelahan na pag-ienrollan ng iyong anak.
Para sa kinder at grade 1 ay dapat ding ihanda ang birth certificate ng bata na dapat mula sa PSA o Local Civil Registrar ng iyong lugar. Sa oras na wala ito ay maaring gamitin ang baptismal certificate ng bata o kaya cerification mula sa inyong barangay.
Maliban sa pagkukumpleto ng nasabing mga dokumento, ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, mahigpit na ipapatupad ngayong taon ang age requirement sa pag-eenroll. Dahil kahit na daw giften o smart ang isang bata kahit ito ay bata ay maaring hindi pa ito emotional at psychological ready. Isa daw ito sa important factor upang maayos na makapag-aral ang isang bata.
“We will be strict on age requirement. School readiness is another matter and mainly depends on emotional and psychological readiness of the child to be in a class or deal with teachers and fellow classmates.”
“Although children may show signs of brilliance or being gifted, child may not necessarily be ready emotionally or psychologically.”
Ito ang pahayag ni DepEd Secretary Briones sa isang panayam.
DepEd early registration 2020
Ang DepEd early registration ngayong school year 2020-2021 ay magsisimula sa January 25-February 28, 2020.
Sa bawat eskwelahan ay mayroong itatalagang desk upang tumanggap at magsagawa ng early registration.
Layunin ng early registration na ito na mapaghandaan at mai-address ng maaga ang mga problema at concerns sa gaganaping enrollment proper.
Inaasahan din na sa ganitong paraan ay matutukoy ang mga batang hindi nakakapasok sa eskwelahan. O hindi nakakapag-aaral dahil sa iba’t-ibang dahilan. Tulad ng naninirahan sa malalayong lugar at may kapansanan. Nakakaranas ng problema sa lugar sa tinitirhan o kaya naman ay sa loob ng kanilang pamilya. Ang mga kabataang ito ay hihikayatin at muling ibabalik sa formal system ng pag-aaral.
Paalala naman ng DepEd sa mga magpupunta sa early registration, dalhin ang mga requirements na hinihingi para sa mabilis at productive na proseso.
School year 2020-2021 in Philippines
Sa public briefing na ginanap nitong Tuesday ng umaga sa Laging Handa, opisyal na inanunsyo ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang pagbubukas ng school year 2020-2021 sa Philippines ngayong August 24.
“Naireport ko na sa IATF last week at nasabi ko na ang naipili naming date. Dahil sa pagconsultation namin, ang preference nila ay August… Ang napili nating school opening date ay August 24,”
Ngunit dahil sa banta pa rin ng COVID-19 sa bansa, hindi magiging normal o dating kinagawian ang pagsisimula ng bagong school year ng mga studyante. Ayon kay Secretary Briones, maaaring pumunta mismo sa school ang studyante o kaya naman via online ang pag-aaral. Ang pagpasok ng studyante ay nakabase sa magiging desisyon ng government task force bawat lugar. Ito ay dahil rin sa bagong protocol na itinaas na nagsimula noong May 1. Ang pagkakaroon ng General Community Quarantine.
Samantalang, maaaring online teaching muna ang mangyayari sa mga lugar na nakataas pa rin ang Enhanced Community Quarantine.
Dagdag pa ni Secretary Briones, ang main priority nila ay pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga studyante.
“Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and safety and well-being of learners. ‘Yun ang pinakaunang priority natin,”
Ang klase ay magsisimula sa August 24 at magtatapos sa April 30, 2021.
Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.
Dagdag ng DepEd secretary na nagsagawa sila ng survey para rito. Pwedeng gamitin ang field ng online, TV, cellphone at radio sa pagtuturo.
Kailangang ring mag report ng school sa kanila sa June 1 kung ano ang plano sa darating na pasukan. Kung ito ba ay gagawing physically o virtually.
“May mga schools na handa na daw sila na magbukas ng online, public o private, ng kanilang school lessons. Marami ring through the cellphone. Nag-survey kami, puwede ding sa telebisyon at saka sa radyo,”
Kanselado na rin ang mga national at school related activities katulad ng Palarong Pambansa, Brigada Eskwela at iba pang aktibidad sa school na dinadaluhan ng maraming tao. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing na mahigpit na inuutos. Bawal pa rin ang mga mass gathering para na rin maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Source: Manila Bulletin, Tempo
Basahin: 7 na skills na kailangan matutunan ng bata bago siya magsimula ng schooling