Enrolled na ba ang anak mo ngayong school year 2020-2021? Kung oo, narito ang dapat mong tandaan na laptop minimum specifications para sa kanilang online classes na hatid ng DepEd.
Ang tanong, ready na ba ang iyong chikiting sa kanyang online class?
DepEd laptop minimum specifications para sa online classes
Nagbigay ng minimum specifications ang Department of Education (DepEd) para sa mga nais mag donate ng laptop o iba pang gadgets sa mga public school para sa mga gagamitin ng bata sa kanilang online class ngayong school year 2020-2021.
Ayon kay Department of Education Undersecretary for Administration Alain Pascua, naglabas ng rekomendasyon ang Information and Communications Technology Service para sa minimum specs na idodonate ng iba sa mga paaralan. Kabilang dito ang mga ibibigay na tablet, cellphone, laptop at desktop. Kasama na ang internet para sa mga mag-aaral at teacher na magagamit nila sa online class ngayong school year.
Dagdag nito na makakatulong ang pagbibigay nila ng minimum specs sa mga idodonate na gadgets para sa ibibigay nilang software application na hatid ng DepEd.
“These minimum specifications will facilitate the conduct of distance education during the COVID-19 pandemic and such other emergencies in the future. And will be appropriate to the digital contents and software applications that will be installed by DepEd,”
Rekomendasyon ng DepEd na ang mga ibibigay na tablet ay kailangang Android 9.0, 1.3 GHz processor na may 2GB memory at 32 GB storage. Habang ang smartphone na ibibigay ay mayroong 2 GB memory at 32 GB storage. Kasama na rito ang Octa-core 2.2 GHz processor at Android 8.1 operating system. Ang tablet at smartphone ay kailangang may maayos na camera rin at mayroong wifi at bluetooth.
Bukod sa gadgets, kasama rin na ibibigay ang internet connection para sa mga guro at estudyante. Ayon sa DepEd, kailangan ay nasa 10 GB o 500 pesos kada buwan ang dapat mayroon ang isang guro. Habang nasa 6 GB o nagkakahalaga ng 300 pesos ang mga sa estudyante.
Gadget specification para sa mga guro:
Para maging effective ito, ang mga laptop na ibibigay sa mga teachers ay kailangang nasa 1.6Ghz speed at mayroong 8 GB RAM na memory. Dapat rin ito ay 12 inches ang size at 512 GB HDD SATA na mayroong built-in speaker at camera na mahalaga para sa kanila kapag may lecture online at kailangan ng video. Mayroon rin dapat itong bluetooth, keyboard, mouse at headseat.
Gadget specification para sa mga junior at senior high school students:
Para naman sa mga junior at senior high school students, kailangan ng 4 GB memory ang kanilang 2 in 1 tablet PC na may 1.1 GHz base clock speed din. Kasama na dito ang 10 inches screen at may internal storage na 32 GB. Katulad sa guro, mahalaga rin para sa mga estudyante ang magkaroon ng built in speaker at camera ang kanilang gagamiting gadget. Kasama na diyan ang bluetooth connectivity, keyboard, mouse at headseat.
Balik klase ngayong August 24, 2020
Para sa darating na pasukan ngayong August 24, ang mga school ay sasailalim sa Blended learning.
Ang sistema na ito ay ginagamitan ng internet, TV, radio o ibang worksheets na ibibigay ng paaralan. Ito ay para kahit nasa bahay pa rin ang mga bata, sila ay natututo pa rin.
Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.
Dagdag pa ni Department of Education Secretary Briones, ang main priority nila ay pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga studyante.
“Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and safety and well-being of learners. ‘Yun ang pinakaunang priority natin,”
Bawal muna ang face-to-face learning para sa kapakanan ng mga studyante. Dagdag pa ni Secretary Briones, saka papayagan ang face-to-face kapag naayos o hindi na malala ang sitwasyon. “shall only be allowed when the local risk severity grading permits, and subject to compliance with minimum health standards.”
Kanselado na rin ang mga national at school related activities katulad ng Palarong Pambansa, Brigada Eskwela at iba pang aktibidad sa school na dinadaluhan ng maraming tao. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing na mahigpit na inuutos. Bawal pa rin ang mga mass gathering para na rin maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa kabila ng desisyon ng DepEd sa Blended learning, tutol pa rin si President Duterte dito.
Ayon sa kanya, “Walang vaccine, walang eskwela.” ito ang mga binitawang niyang salita
Enrolled na ba ang iyong chikiting ngayong pasukan?
Source: