DepEd TV Channel nagsimula na ang test broadcast. Ito ay bahagi ng paghahanda ng ahensya para sa pagbubukas ng pasukan ngayong Agosto 24.
Test broadcast ng DepEd TV Channel
Hindi na nga mapipigilan ang pagbubukas ng klase sa mga susunod na linggo. Katunayan nito ay ang pagsisimula ng test broadcast ng DepEd TV Channel na isa sa mga inihaing alternative learning option ng ahensya para sa mga estudyanteng Pilipino.
Ang nasabing test broadcast ay nagsimula kahapon Agosto 11 at magtatapos hanggang Agosto 21. Ito ay mapapanood sa IBC 13 sa free TV at sa Solar Learning Channel.
Mapapanood naman ang mga DepEd TV programs araw-araw sa mga nasabing petsa at channel maliban sa araw ng Sabado at Linggo. At ito ay nagsisimula tuwing 8:00 ng umaga hanggang 6:30 ng hapon.
Mapapakikinggan rin sa radyo ang mga episodes na tampok sa DepEd TV Channel. Ito ay sa pamamagitan ng mga radio channels na partner ng ahensya. Ganoon rin sa mga partnered local cable TV providers nila sa buong bansa.
Ayon sa DepEd ang test broadcast na ito ay hindi lamang basta dry-run sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto 24. Ito rin ay paraan upang mabigyan ng better understanding ang publiko sa kung paano ang magiging takbo ng klase ngayong school year 2020-2021 sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa DepEd TV Channel ay mapapanood umano ang mga sample episodes at online lessons na ibibigay sa kada grade ng mag-aaral. Magsisilbi namang tila commercials sa pagitan ng mga episodes at lessons ang mga information materials na magbibigay dagdag kaalaman rin sa mga estudyante.
Sa ngayon base sa inilabas na DepEd TV program schedule, ang mga episodes na available sa DepEd TV channel ay para sa mga Grade 3, 6, 8 at 10 students. Maidagdag naman daw ang iba pang video lessons para sa ibang grade level sa mga susunod na araw.
Narito ang kopya ng DepEd TV program schedule na inilabas ng ahensya.
DepEd TV program schedule
DepEd TV Channel morning schedule
8:00 – 8:01 A.M Pambansang Awit
8:02 – 8:07 A.M Panalangin
8:08 – 8:09 A.M Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas
8:10 – 8:15 A.M Dakila ka, Bayani ka
8:16 – 8:34 A.M Grade 3 Science
8:35 – 8:39 A.M Kahandaan sa Edukasyon sa Gitna ng Pandemya
8:40 – 8:56 A.M Grade 6 Araling Panlipunan
8:56 – 8:58 A.M DepEd Commons Episode 1
8:59 – 9:04 A.M Basic Education Learning Continuity Plan
9:05 – 9:10 A.M Handang Isip, Handa Bukas AVP
9:11 – 9:23 A.M Grade 8 English
9:24 – 9:34 A.M DepEd Last Mile Schools Program
9:35 – 9:53 A.M Grade 10 Filipino World Literature
9:54 – 9:58 A.M National DRRM Jingle – Laging Handa Music Video
9:59 – 10:02 A.M DepEd Commons Episode 2 – Eroplano
10:03 – 10:15 A.M Grade 10 English
10:16 – 10:19 A.M Gabaldon West Central Elementary School – Dagupan City
10:20 – 10:24 A.M Bayanihan, Saludo Sa’yo
10:25 – 10:43 A.M SHS Oral Communications
10:44 – 10:56 A.M OK sa Dep Ed (Oplan Kalusugan)
10:57 – 11:17 A.M Lecture: DepEd Commons
11:18 – 11:29 A.M DepEd School Building Program
11:30 – 11:55 A.M Lecture: DepEd Learning Management System (DLMS) Part 1
11:56 – 11:58 A.M DepEd Learning Management System – Balabal
11:59 – 12:05 A.M Gabaldon Philippines School for the Deaf
12:06 – 12:31 A.M Lecture: DepEd Learning Management System (DLMS) Part 2
12:32 – 12:43 P.M DepEd Digital Rise Program
12:44 – 1:09 P.M Lecture: DepEd Learning Management System (DLMS) Part 3
DepEd TV Channel afternoon schedule
1:10 – 1:12 P.M Gabaldon Balanga Elementary School
1:13 – 1:15 P.M Gabaldon Negros Occidental High School
1:16 – 1:34 P.M Grade 3 Science
1:35 – 1:40 P.M Kahandaan sa Edukasyon sa Gitna ng Pandemya
1:41 – 1:57 P.M Grade 6 Araling Panlipunan
1:58 – 2:00 P.M DepEd Commons Episode 1
2:01 – 2:06 P.M Basic Education Learning Continuity Plan
2:07 – 2:13 P.M Handang Isip, Handa Bukas
2:14 – 2:36 P.M Grade 8 English
2:37 – 2:47 P.M DepEd LastMile Schools Program
2:48 – 3:06 P.M Grade 10 Filipino World Literature
3:07 – 3:11 P.M National DRRM Jingle – Laging Handa Music Video
3:12 – 3:15 P.M DepEd Commons Episode 2 – Eroplano
3:16 – 3:38 P.M Grade 10 English
3:38 – 3:41 P.M Gabaldon West Central Elementary School – Dagupan City
3:42 – 3:44 P.M Bayanihan, Saludo Sa’yo
3:45 – 4:03 P.M SHS Oral Communications
4:04 – 4:15 P.M OK sa DepEd (Oplan Kalusugan)
4:15 – 4:35 P.M Lecture: DepEd Commons
4:36 – 4:47 P.M DepEd School Building Program
4:48 – 5:13 P.M Lecture: DepEd Learning Management System (DLMS) Part 1
5:14 – 5:16 P.M DepEd Learning Management System – Balabal
5:17 – 5:23 P.M Gabaldon Philippines School for the Deaf
5:24 – 5:49 P.M Lecture: DepEd Learning Management System (DLMS) Part 2
5:50 – 6:01 P.M DepEd Digital Rise Program
6:02 – 6:27 P.M Lecture: DepEd Learning Management System (DLMS) Part 3
6:28 – 6:34 P.M Dakila ka, Bayani ka
6:35 – 6:36 P.M Pilipinas Kong Mahal
6:37 – 6:38 P.M Flag Retreat/Pambansang Awit
DepEd School Year 2020-2021
Maliban sa mga video lessons at lectures, mapapanood rin sa DepEd TV channel ang localized implementation ng Basic Education-Learning Continuity Plan o BE-LCP sa ilang eskwelahan. Ito ay may theme na “Handang Isip, Handa Bukas” na naglalayong magbigay ng edukasyon habang sinisiguro ang maayos na kalusugan at kapakanan ng mga estudyante at guro sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ang DepEd TV Channel ay isa lamang sa mga alternative learning option na maaring pagpilian ng mga estudyante ngayong pasukan. Maari rin silang mag-aral ng kanilang leksyon sa pamamagitan ng online learning website ng DepEd na DepEd Commons. At sa pamamagitan ng mga printed modules na makukuha sa paaralang pinag-enrollan ng iyong anak.
Source:
DepEd PH, Government PH
BASAHIN:
Bagong online learning tool na LMS, inilunsad ng DepEd
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!