X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Ellen Adarna at Derek Ramsay, ikinasal na!

5 min read
LOOK: Ellen Adarna at Derek Ramsay, ikinasal na!

Tignan ang mga litrato sa kasal nina Ellen at Derek Ramsay!

Derek Ramsay at Ellen Adarna wedding, naganap na nitong November 11, 2021 sa Bagac, Bataan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Derek Ramsay at Ellen Adarna wedding.
  • Love story nina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Derek Ramsay and Ellen Adarna wedding

Kasal na ang celebrities at real-life couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Ito ay ginanap ngayong araw November 11, 2021 sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort. Isang garden wedding ang kasal nina Ellen at Derek, dinaluhan ito ng kanilang pamilya.

Makikita ang napakagandang bride na si Ellen sa kaniyang gown na gawa ng designer na si Marc Rancy. Samantala ang suit naman ni Derek Ramsay ay gawa ni Bianca Cordero.

ellen adarna at derek ramsey wedding

Larawan mula kay Nelwin Uy

Naroroon din ang mga malalapit na kaibigan nila. Present din sa kanilang kasal ang anak na ni Ellen na si Elias pati na ang anak ni Derek na si Austin. Ang anak naman ni Beauty Gonzalez na si Olivia ang tumayong flower girl sa intimate wedding na ito.

Advertisement

Emosyunal parehas ang dalawa sa kanilang kasal.


 

Hindi napigilan ni Ellen na maluha habang naglalakad sa aisle kasama ang kaniyang kapatid at ina. Matatandaan na pumanaw ang ama nito na si Alan Modesto Adarna noong 2018. 

Naluha rin si Derek nang makita si Ellen.

ellen adarna at derek ramsey wedding

Larawan mula kay Nelwin Uy

Ilan sa mga kinuha nina Derek at Ellen na wedding suppliers ay sina Pat Dy at Nelwin Uy (photographers), Bob Nicolas (videographer), La Belle Fette (event planner), Randy Lazaro (ceremony stylist), Gary Dacanay (reception stylist), at Bizu Catering.

LOOK: Ellen Adarna at Derek Ramsay, ikinasal na!

Larawan mula sa Galibers Travel

Kinuha naman ni Ellen si Mickey See para sa kaniyang makeup at Raymond Santiago para sa kaniyang hair.

 

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Pat Dy (@patdy11)

 

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Nelwin Uy Photography (@nelwinuyphoto)

 

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Nelwin Uy Photography (@nelwinuyphoto)

 

Ellen Adarna at Derek Ramsay love story

Derek Ramsay at Ellen Adarna wedding and love story

Image from Derek Ramsay’s Instagram account

Pebrero ngayong taon ng kumpirmahin nila Derek at Ellen na sila ay may relasyon. Ito ay matapos kumalat ang mga pictures at videos nila na magkasama sa isang dinner party na kung saan sweet na sweet sila noong Enero. Ito ay nasundan pa ng mas maraming sweet moments nila sa kani-kanilang social media account. Sa isang panayam sa PEP o Philippine Entertainment Portal bago matapos ang buwan ng Pebrero ay inamin ng dalawa na sila ay may relasyon.

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

“May relasyon kami, oo. We just clicked. Parang ang tagal na naming magkakilala. Ganung levels.”

Ito ang nasabi noon ni Derek, kahit na bago palang silang nagkakasama ni Ellen ng sila ay magkaroon ng relasyon.

Kasunod ng kanilang rebelasyon ay naging mas madalas ang pagbabahagi ng moments ng dalawa na magkasama sa social media. Hanggang sa nitong March 30, kasabay ng surprise birthday celebration ni Derek kay Ellen ay nag-propose siya ng kasal sa aktres.

BASAHIN:

LOOK: Derek Ramsay nag-post ng cute video nila ng anak ni Ellen Adarna

Ellen Adarna to basher: “Dalaga or not, people need a break.”

Ellen Adarna: “Deserve” mo kapag paulit-ulit kang niloloko

Derek Ramsay’s wedding proposal to Ellen

Sa kaniyang Instagram ay ipinost ni Ellen ang engagement ring na ibinigay ni Derek sa kaniya habang nakatakip ang kamay nito sa mukha ng aktor. Ang caption ng kaniyang post ay “Game Over @ramsayderek07” na may kasamang laughing emoji. Marami ang nagulat pero natuwa sa mabilis na pag-level up ng relasyon ng dalawa.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)

Setyembre ng ibinahagi ni Derek sa kaniyang Instagram na namanhikan na siya sa pamilya ni Ellen. Ang pormal niyang paghingi ng kamay ni Ellen sa ina nito ay ginawa ni Derek via Zoom. Ito ay dahil sa COVID-19 restrictions at dumadaming kaso ng sakit noon sa Cebu. Nasundan ito ng getaway vacation ng pamilya ni Derek at Ellen sa Siargao na kung saan makikitang masayang nagkasama ng pamilya ng aktor at aktres.

LOOK: Ellen Adarna at Derek Ramsay, ikinasal na!

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Sa parehong buwan ay nagsimulang mamigay ng wedding invitations sila Ellen at Derek. Ito ay ibinahagi ni Ellen sa kaniyang Instagram story bagamat hindi niya sinabi kung kailan ang eksaktong petsa ng kanilang kasal. Isa nga sa mga ninong at ninang na kinuha nila sa kasal ay ang celebrity doctor na si Vicki Belo na pinasalamatan sila sa naturang imbistasyon na may kalakip pang bouquet ng bulaklak.

Naging usap-usapan rin ang sexy prenup photoshoot ng dalawa ngayong Oktubre. Ayon rin sa kanila hindi matatapos ang taon at ikakasal na sila.

Derek Ramsay at Ellen Adarna wedding prenup

Image from Ellen Adarna’s Instagram account

At ngayon ngang araw ay naganap ang pinakaabangang pag-iisang dibdib ng dalawa. Congratulations Derek Ramsay at sa ngayong si Ellen Adarna-Ramsay na!

 

Source:

PEP

Lead photo source: Pat Dy Photography and Angelo Galileo Gonzaga’s Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Ellen Adarna at Derek Ramsay, ikinasal na!
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko