TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ellen Adarna sa tanong kung may prenup agreement sila ni Derek, hindi sila lugi sa isa’t isa

4 min read
Ellen Adarna sa tanong kung may prenup agreement sila ni Derek, hindi sila lugi sa isa’t isa

Derek very peaceful at happy daw sa buhay nila ngayon ni Ellen bilang mag-asawa.

Derek Ramsay at Ellen Adarna may prenup agreement nga ba?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Derek Ramsay at Ellen Adarna prenup agreement.
  • Update sa relasyon ni Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Derek Ramsay at Ellen Adarna prenup agreement

derek ramsay ellen adarna prenup

Image from Instagram

Ang prenup agreement ang kasunduan na pumoprotekta sa ari-arian at finances ng dalawang tao bago sila magpakasal. Sa mga Filipino celebrities, isa si Heart Evangelista at mister na si Chiz Escudero sa umaming mayroon silang prenup agreement.

Ito ay dahil kilalang kapwa galing sa mayamang pamilya ang dalawa. Kaya naman hindi nakakapagtaka na pati ang mag-asawa na ngayong sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ay natanong din kung may prenup agreement sila.

Sa Q & A portion na ginawa ni Ellen sa kaniyang Instagram followers ay sinagot ng model at aktres ang matagal ng tanong na ito sa kanilang dalawa ni Derek.

“I know both you and your husband are both well off but did you guys ever consider prenup agreement?”

Ito ang tanong ng netizen.

Sinagot naman ito ni Ellen na sinabing very personal ang tanong na ito na paulit-ulit na nilang naririnig. Hindi man deretsahang sinagot ni Ellen ang tanong, sinabi niyang hindi naman sila lugi ni Derek sa isa’t isa.

“So many people ask me and Derek this and this is a very personal question. Let’s put it this way. Dili ko lugi ni Derek o si Derek di sa lugi nako. So, patas ang show!”

Ito ang sagot ni Ellen sa tanong kung may prenup agreement ba sila ni Derek Ramsay. Sa salitang Tagalog ang ibig sabihin nito ay “hindi siya lugi kay Derek at hindi rin lugi si Derek sa kaniya”.

Si Ellen ay mula sa mayamang pamilya sa Cebu na nagmamay-ari ng mga hotels at iba pang negosyo. Habang si Derek naman ay mula sa pamilyang nagmamay-ari ng napakaraming real estate properties. Idagdag pa ang kinita niya sa pagiging modelo at artista.

Ellen Adarna at Derek Ramsay’s love story

derek ramsay ellen adarna prenup

Image from Instagram

Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon ng maikasal si Derek at Ellen. Ito ay matapos nilang kumpirmahin na sila ay may relasyon noong buwan ng Pebrero.

Nagsimula ang usap-usapan na may relasyon ang dalawa matapos kumalat ang pictures at videos nila na magkasama sa isang dinner party na kung saan sweet na sweet sila noong Enero.

Ito ay nasundan pa ng mas maraming sweet moments nila sa kani-kanilang social media account. Bago nga matapos ang buwan ng Pebrero ay inamin ng dalawa na may relasyon sila.

Kasunod ng kanilang rebelasyon ay naging mas madalas ang pagbabahagi ng moments ng dalawa na magkasama sa social media. Hanggang sa noong March 30, kasabay ng surprise birthday celebration ni Derek kay Ellen ay nag-propose siya ng kasal sa aktres. Ang kanilang naging kasal ay very intimate at naging bukas lang para sa mga taong malalapit sa kanila.

Sa usaping prenup ay naging usap-usapan din ang sexy photoshoot na ginawa ng dalawa isang buwan bago maganap ang kanilang kasal.

BASAHIN:

LOOK: Derek Ramsay nag-post ng cute video nila ng anak ni Ellen Adarna

John Lloyd Cruz sa kasal ni Ellen at Derek: “Finally, she found the one”

Ellen Adarna: “Deserve” mo kapag paulit-ulit kang niloloko

 

Derek at Ellen very happy sa kanilang married life

Ellen Adarna sa tanong kung may prenup agreement sila ni Derek, hindi sila lugi sa isat isa

Image from Instagram

Ngayon sa kanilang mga social media post ay makikitang very happy ang dalawa sa buhay mag-asawa. Kitang-kita rin kung gaano kasaya ang anak ni Ellen na si Elias sa stepfather niyang si Derek.

Sa isa sa bagong panayam kay Direk ay sinabi nitong masaya at peaceful ang buhay niya sa ngayon kasama ang misis na si Ellen at anak nitong si Elias.

“Sobrang peaceful ng buhay ko, like ‘yong mga bagay na kinasi-stress-an ko dati, ngayon hindi ko na iniisip, hindi ko na hinahayaan na (maapektuhan) ako.

‘Pag bumangon ako, full of energy, looking forward to spending the day with Ellen and Elias. Parang gumaan, gumaan ‘yong mundo ko.”

Ito ang sabi ni Derek sa isang panayam.

Dagdag pa niya, maayos din ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz ang ama ng anak ni Ellen na si Elias.

“Wala namang problema sa relationship namin ni John Lloyd. Civil kami, we’re all working together for the best interest of Elias. Iyon naman ‘yong importante doon.”

Ito pa ang sabi ng aktor na si Derek.

Source:

Inquirer

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Ellen Adarna sa tanong kung may prenup agreement sila ni Derek, hindi sila lugi sa isa’t isa
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko