LOOK: Desiree del Valle gives birth to baby boy

Boom may sweet na mensahe sa kaniyang misis na si Desiree.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Desiree del Valle baby #1 isinilang na ng aktres.

Mababasa sa artikulong ito:

  • The birth of Boom Labrusca and Desiree Del Valle baby.
  • Mensahe ni Boom sa misis na si Desiree sa lahat ng sakrispisyo nito sa pagdadalang-tao at panganganak.

Desiree del Valle baby #1 isinilang na ng aktres

Masayang ibinahagi ng aktres na si Desiree del Valle na isinilang niya na sa wakas ang panganay nila ng mister at aktor na si Boom Labrusca. Ito ay ibinahagi ni Desiree sa kaniyang Instagram account kalakip ang isang maikling video at mga larawan ng kaniyang panganganak.

“Hi everybody, it’s October 4, 2021 and I am happy to announce that I will be giving birth anytime soon. It’s already 12 in the afternoon.

Anytime now they are gonna bring me to the OR. My Papi is gonna be with me to witness this very beautiful blessing that we received from the Lord. Thank you, everybody for your prayers.”

Ito ang nasabi ni Desiree sa maikling video na inupload niya tungkol sa kaniyang panganganak.

Sa caption ng Instagram post ni Desiree ay ibinahagi niyang noong October 4 siya nanganak ng bandang alas-2 ng hapon. Ang kaniyang baby ay isang boy na pinangalanan nila ng mister na si Boom na Alexander Sebastian Dunham Labrusca.

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi rin ni Boom ang matagumpay na panganganak ng misis sa panganay nila. Sabi pa ni Boom ang paghihintay sa paglabas ng kaniyang Baby Alexander ang isa sa pinaka-mahabang isang oras ng kaniyang buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe ni Boom kay Desiree

Image from Desiree del Valle’s Instagram account

Nagbigay pugay rin siya sa misis na si Desiree sa mga sakripisyo nito at pagiging strong sa pagbubuntis ng kanilang anak. Ganoon rin sa pagiging mabuting asawa sa kaniya.

“To my wife , for carrying our baby , for being strong and for being an amazing wife ..
Good job mommy.”

Ito ang mensahe ni Boom kay Desiree.

Mayroon din siyang maikling pasaring sa mga amang tulad niya. Sabi ni Boom hindi kailanman malalaman ng isang lalaki ang hirap ng babae sa pagdadalang-tao. Pero sa isang relasyon ay nagiging madali ang lahat kung ang mag-asawa ay nagtutulungan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Maaring anduon tyo sa Kanilang tabi ngunit kailanman ay di naten malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao ❤🙏 Team work makes the dream work.”

Ito ang sabi pa ni Boom.

Nag-komento naman ang ilang malalapit na kaibigan ni Boom sa pagsilang ng cute na baby boy nila ni Desiree.


rodjuncruz

Congratulations sa Inyo brother @boomeey 😍❤️🎉🙏🏻

gablagman

Congrats kuys!! The next Labrusca hooper🏀

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Aljur Abrenica, kumpirmadong nililigawan ang aktres na si AJ Raval

REAL STORIES: “My baby only lived for 14 hours”

#AskDok: Is it safe to take a bath immediately after giving birth?

Desiree del Valle pregnancy

Ilang taon rin ang hinintay ni Boom at Desiree bago sila mabiyayaan ng anak. Matapos ng halos na 11 years na magkarelasyon at 3 taon na married couple ay ipinagkaloob rin ng Diyos ang matagal na pinakahihintay nila. Ang magandang balita ay ibinahagi ng mag-asawa noong nag-celebrate ng 39th birthday niya si Desiree noong May 28.

Sa mensahe ni Desiree sa mister na si Boom nitong nagdaang Father’s Day ay sinabi niyang malamang ay magiging mini-me nito ang kanilang baby. At sigurado daw siyang magbibigay ito ng dagdag na saya sa buhay niya.

“Our baby can’t wait to see you….. Oh I can just imagine how he will be your li’l sidekick and probably be your mini-me! Both of you will bring so much more happiness and laughter into my life! I love you Daddy! Though, He would probably say “dada” ❤👨‍👦❤”

Ito ang sweet na mensahe ni Desiree sa mister.

Sa mga nagdaang Instagram post din ni Desiree ay makikitang seafood ang pinaglihian niya noong ipinagbubuntis pa ang kanilang Baby Alexander.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Boom Labrusca and Desiree del Valle relationship

Image from Boom Labrusca’s Instagram account

Si Boom at Desiree ay ikinasal noong January 14, 2018 sa isang private at intimate ceremony sa South Lake Tahoe, California, United States. Sa post ng aktor tungkol sa kanilang kasal ay tinawag niyang ito ang kanilang road to forever ni Desiree.

Unang nagkasama ang dalawa sa programang “Aryana” noong 2012. Nasundan ito ng programang Flordeliza noong 2015. Noong taon na iyon ay nag-propose na ng kasal si Boom kay Desiree.

Source:

Instagram 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement