Development at paglaki ng 3-taon at 3-buwan na bata

Narito ang isang gabay sa development ng 39-buwan na bata. Anu-ano nga ba ang dapat asahan sa paglaki ng isang 3-taon at 3-buwang gulang na bata?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang iyong anak ay tatlong taon at tatlong buwan na ngayon at maaring ikaw ay nag-iisip kung on track ba siya sa kaniyang development. Alamin mula sa article na ito kung ano ang mga milestones at development ng 39-buwan na bata.

Kumusta ang iyong anak?

Development ng 39-buwan na bata: Physical

Kay bilis nga naman ng panahon. Ang sanggol na karga-karga mo dati ay mini-me mo na ngayon o ng iyong asawa. Bahagi ng development ng 39-buwan na bata ay ang kakayahan na makakita tulad ng isang matanda (20/20 vision), maglakad, tumakbo, tumalon at magbalanse gamit ang isang paa.

Madali na din para sa iyong anak ang bumaba ng hagdan gamit ang magkabilang paa. Kaya na din niyang maligo at magbihis mag-isa. May mga pagkakataon nga lang na mangangailangan pa din siya ng iyong tulong sa pagbubutones at pagtatali ng sintas.

Marunong na din siyang gumuhit gamit ang lapis o crayon, pati na din magsulat ng ilang letra.

Tips:

  • Para mas mahasa ang hand-eye coordination ng iyong anak, turuan siyang bumato at sumalo ng bola.
  • Bilhan siya ng mga simpleng activity books na pwede niyang kulayan, itupi, gupitin o i-trace para mas mahasa ang kanyang fine motor skills.
  • Pwede din siyang gawan ng DIY busy board na maari niyang paglibangan habang nasa bahay.
  • Siguraduhin na childproof ang iyong bahay upang maiwasan ang anumang aksidente.

Kailan dapat pumunta sa Doctor?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung ang iyong anak ay:

  • Hindi pa kayang bumato ng bola, tumalon sa puwesto o sumakay ng tricycle
  • Hindi pa magawa ang tamang paghawak ng crayon o lapis
  • Hirap gumuhit kahit ang hugis bilog

Development ng 39-buwan na bata: Cognitive

Ito ang panahon ng sangkatutak na tanong. Maaaring nakakainis kung minsan, pero ito ay normal lamang at bahagi ng development ng 39-buwan na bata.

Sa panahong ito, may kakayahan na siyang banggitin ang mga numero sa telepono. Alam na din niyang iugnay ang kulay pula sa mansanas. Kaya na din niyang bumilang hanggang tatlo. May mga bata din na kaya nang bumilang hanggang sampu.

Natatandaan na din niya ang ilang bahagi ng kanyang paboritong libro at madalas ay ginagaya pa niya iyon. Kaya na din niyang sabihin kapag kailangan niya gumamit ng toilet.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips:

  • Bigyan ang iyong anak ng mga simpleng gawain sa bahay. Ituro sa kanya ang kahalagahan ng pagliligpit at kalinisan ng kanyang paligid.
  • Hikayatin siyang ipagpatuloy ang kanyang interes sa mga creative activities tulad ng pagkukulay at pagguhit. Maari mo din siyang bilhan ng play-dough.
  • Masusukat mo ang cognitive development ng iyong anak habang pinapanood mo siyang magbuo ng puzzle o blocks.
  • Huwag pagalitan ang iyong anak kung sakaling mapaihi pa din siya sa higaan sa panahong ito.

Kailan dapat pumunta sa Doctor?

Kung ang iyong anak ay:

  • Hirap pa din magbuo ng puzzle o kilalanin ang iba’t ibang kulay.
  • Hirap pa din sumunod sa mga simpleng utos

Development ng 39-buwan na bata: Social at emotional

Isa sa mga mapapansin mong development ng 39-buwan na bata ay ang mas maayos na pagsasalita niya at pakikisalamuha sa kanyang mga kalaro. Makakabuting ituloy ang mga playdate at hayaan silang maglaro ng sila lamang. Huwag din magulat kung may pagkakataon na ayaw niyang makipaglaro sa ibang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Magandang ituro sa panahong ito ang paggamit ng “please” at “thank you”.

Andyan pa din ang paminsan-minsang pagliligalig lalo na kung siya ay gutom, inaantok, takot o kaya ay nahihiya. Normal lamang ang mga emosyon at reaksyon na ito para sa kanyang edad.

Tips:

  • Maging mabuting halimbawa ng kagandahang asal sa iyong anak.
  • Purihin ang iyong anak dahil ito ay makakatulong upang mas pagbutihin pa niya ang anumang gawain.
  • Ibaling sa ibang bagay ang atensyon ng iyong anak kapag nagsimula na siyang magligalig.

Kailan dapat pumunta sa Doctor?

Kapag ang iyong anak ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hirap ikontrol ang kanyang sarili kapag galit o masama ang loob
  • Patuloy na nakakaranas ng extreme separation anxiety

Development ng 39-buwan na bata: Speech at language

Sa panahong ito, mas nauunawaan na ng iba ang gustong sabihin ng iyong anak. Kaya na niyang bumuo ng pangungusap na may lima hanggang anim na salita. Kaya na din niyang siyang sabihin ang kanyang pangalan, edad, kasarian pati na din ang pangalan ng kaniyang mga kaibigan. Maaring hindi pa perpekto ang paggamit niya ng ibang salita tulad ng gamit ng pandiwa pero ito ay patuloy na maayos sa mga susunod pang linggo.

Tips:

  • Magkaroon ng reading routine para sa iyong anak.
  • Patuloy siyang bilhan ng mga flashcards at word games dahil ito ay makakatulong upang mas mahasa ang kaniyang pagsasalita.
  • Maglaro ng “I Spy” gamit ang alpabeto

Kailan dapat pumunta sa Doctor?

Kapag ang iyong anak ay:

  • Hindi pa din nakakabuo ng pangungusap na may mahigit sa tatlong salita
  • Mali pa din ang paggamit ng “ako” at “ikaw”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Development ng 39-buwan na bata: Kalusugan

Para masiguro na kumpleto at masustansya ang pagkain ng iyong anak, siguraduhin na ito ay may carbohydrates, fats at proteins. Mas mabuti na magsimula ang kaniyang araw sa masustansyang agahan. Subukang gumamit ng food art para mas mahikayat pang kumain ang iyong anak. Hanggat maari, iwasan na pakainin siya ng mga junk food o kaya naman ay paminsan-minsan lang.

Ang mga 39-buwan na bata ay may tangkad na 86-108.8 cm at 10.2-21.3 kg na timbang. Maari silang mangailangan ng 1,000 hanggang 1,400 calories sa isang araw depende sa kanilang laki at mga gawain.
Ang iyong anak ay daily nutritional need na 4-5 ounces kung saan ang kalahati nito ay galing sa whole-grain, 1½ tasa ng gulay, 1-1½ tasa ng prutas, 2 tasa ng gatas at 3-4 ounces ng karne o beans.

Para sa grains, ang 1 ounce ay katumbas ng 1 hiwa ng tinapay, 1 tasa ng ready-to-eat cereal o ½ tasa ng kanin, pasta o cereal.

Para sa karne, ang 1 ounce ay katumbas ng karne, manok o isda na kasinglaki ng kahon ng posporo, ¼ tasa ng lutong dry beans o 1 itlog.

Kapag may lagnat ang iyong anak, dugo sa kaniyang dumi o kaya naman ay nagkaroon ng mga rashes, dalhin agad siya sa doctor.

Siguraduhin din na ang iyong anak ay may mga ganitong bakuna:

  • Hepatitis B
  • Diptheria, tetanus and acellular pertussis (DTaP)
  • Haemophilus influenzae type B, Pneumococcal diseases (conjugate vaccine)
  • Inactivated poliovirus
  • Annual influenza virus (if they haven't done so already)
  • Measles, Mumps and Rubella (MMR)
  • Hepatitis A
  • Meningococcal diseases

Kailan dapat pumunta sa Doctor?

  • Kung ang iyong anak ay may mababang timbang para sa kaniyang edad
  • Napapansin mo ang mga sintomas ng malalang sakit o kaya naman ay may mga rashes

*Tandaan na ang mga development ng 38-buwan na bata na nailahad dito ay patnubay lamang. Hindi pare-pareho ang lahat ng bata. Kung ikaw ay nag-aalala sa kalagayan ng iyong anak, huwag mag-atubiling dalhin ito sa kanyang pediatrician.

 

Source: WebMDKidsHealth, CDC

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo.

Sinulat ni

Rosanna Chio