Ang iyong anak ay tatlong taon at dalawang buwan na ngayon. Asahan na siya ay magiging mas matanong at mausisa. Mas nagugustuhan na din niyang makipaglaro o makihalubilo sa iba. Basahin at alamin ang mga karaniwang development ng 38-buwan na bata.
*Subalit laging tandaan na ito ay patnubay lamang dahil ang bawat bata ay magkakaiba.
Development ng 38-buwan na bata: Physical
Mas mahusay na ang balanse ng iyong anak ngayong siya ay 38-buwan na. Magaling na din siyang tumakbo at umakyat. Kaya na din niyang magbisikleta. Mas nag-eenjoy na din siya ngayong maglaro sa playground o park.
Mas nagiging independent na din siya. Kaya na niyang kumain mag-isa, magsuot ng sapatos na walang sintas, magbutones ng damit at iba pa.
Narito ang ilan sa mga bagay na kaya na niyang gawin ngayon:
- Umakyat at tumatakbo nang maayos
- Lumakad pataas at pababa sa hagdan gamit ang isang paa sa bawat hakbang
- Magbisikleta
- Tumalon at lumukso gamit ang isang paa
- Magdala ng mga inumin nang hindi natatapon
- Sumalo ng bola
- Magsuot at maghubad ng jacket na may kaunting tulong mula sa iba
- Kontrolin ang daliri sa paghawak ng maliliit na bagay (ngunit nangangailangan pa rin ng tulong sa mga butones, sintas o tali)
- Gayahin ang simpleng mga hugis gamit ang ballpen o crayon
Parenting Tips:
- Hayaang maglaro ng matagal ang iyong anak. Maglaan ng oras para sa pagpunta sa park o playground.
- Ang playground ay isang lugar kung saan maaring makihalubilo ang iyong anak sa ibang mga bata. Dito niya matutunan ang concept ng taking turns maging ang sharing.
- Sa edad ding ito, mahilig siyang maglaro ng buhangin, putik o play dough.
- Hikayatin siyang magbisikleta. Subalit, mahalagang siguraduhin na siya ay may helmet, elbow pads at knee pads.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
Ang iyong anak ay:
- Hindi tumitingin sa iyong mata habang kinakausap mo siya
- Nahihirapan makakita o makadinig
- Palagi nadadapa kapag naglalakad o tumatakbo
- Nahihirapan umakyat ng hagdan
- Nahihirapan hawakan ang mga maliliit na bagay tulad ng lapis o crayon
- Hindi kayang gumuhit kahit simpleng mga hugis.
Development ng 38-buwan na bata: Cognitive
Bahagi ng development ng 38-buwan na bata ang pagiging matanong pati na din ang mangatuwiran. Asahan ang napakadaming “sino”, “ano” at “bakit” na tanong mula sa iyong anak.
Mas mahusay na din siyang sumunod sa mga utos. Mahilig din siyang mag-pretend play.
Narito ang ilan sa mga mahalagang development ng 38-buwan na bata:
- Ang iyong anak ay sabik matuto, mausisa at may malikhaing pag-iisip.
- Ang attention span ay halos nasa apat hanggang walong minuto.
- Ang kanyang memorya ay mas nagiging matalas. Alam na niya ang iba’t ibang kulay. Kilala na din niya ang kaniyang mga kaibigan pati na din ang kanilang mga pangalan.
- Mahilig siyang mag-pretend play.
- Nauunawaan na niya ang dalawang magkaibang utos na ibinigay ng magkasunod.
- Kaya niyang buksan ang taklob ng garapon o kaya ay ang door knob.
- Kaya niyang magpatong-patong ng anim na blocks at bumuo ng puzzle na may apat na piraso.
- Kaya niyang gumuhit ng mga hugis.
Parenting Tips:
- Magbasa ng mga kwento sa iyong anak at tanungin siya pagkatapos.
- Ang iyong anak ay nakararanas ng mga bagong bagay araw-araw, ang ilan sa mga ito ay maaaring nakakanerbyos para sa kanya. Basahin ang mga libro tungkol sa pagpunta sa paaralan, sa dentista at iba pa upang gumaan ang kanyang pakiramdam at siya ay maging mas handa.
- Dahil mahilig siyang magpretend play, maari mo siyang bigyan ng mga laruan na kaldero, kawali, plato at iba para makapaglaro siya ng lutu-lutuan.
- Hikayatin siyang obserbahan ang kanyang paligid. Tanungin siya kung ano ang kanyang nakikita.
Kumanta kayo ng mga nursery rhymes.
- Gumawa ng bedtime routine at sundin ito.
- Bigyan siya ng mga drawing, colouring at craft activities.
- Maglaro kayo na may kahalong pagbibilang pati na din ang pagsasama-sama ng mga bagay nang naayon sa kulay, hugis at iba pa.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
- Kapag ang iyong anak ay umiiwas tumingin sa iyong mata kapag kausap ka
- Kung hindi pa niya maunawaan ang mga simpleng utos tulad ng “Ibigay mo sa akin ang bola.”
- Walang interes sa mga interactive games o pretend play.
Development ng 38-buwan na bata: Social at Emotional
Mapapansin mo na ang iyong anak ay mas enjoy nang makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan. Siyempre, may mga panahon pa din na makikita ang kanilang frustration o katigasan ng ulo pagdating sa mga laruan.
Mas independent na siya now, masigla at madaldal. Unti-unti na din niyang naiintindihan ang nararamdaman ng iba.
Eto ang ilan sa mga pagbabago na iyong mapapansin:
- Ginagaya niya ang ginagawa ng mga nakatatanda o kanyang mga kalaro.
- Mahilig siyang makihalubilo sa ibang bata, at hindi na gaanong clingy tulad ng dati.
- Nagpapakita na siya ng iba’t ibang emosyon tulad ng selos, takot, saya at galit. Nagsisimula na din siyang magpakita ng concern sa kanyang mga kaibigan.
- Naiintindihan na din niya ang concept ng take turns kapag naglalaro.
- Nagsisimula na din siyang ipakita ang kanyang pagmamahal sa pamilya at kaibigan.
- Naiintindihan na din nya ang ibig sabihin ng “akin” at “sa kanya.”
- May mga bata na potty trained na din sa panahong ito.
- Mahilig siyang tumulong sa mga gawain sa bahay.
- Nag-eenjoy din siya sa mga routines at naiinis kapag may mga nabago sa kinasanayan na niya.
Parenting Tips:
- Hayaang tumulong ang iyong anak sa mga gawain sa bahay tulad nang pagliligpit ng kaniyang laruan.
- Magyaya ng play date kasama ang ibang bata. Ang play date ay isang magandang pagkakataon para mahasa ang kabutihang asal.
- Maari mo din siyang ipasok sa mga group activity tulad ng sports, music o dance.
- Simulan ang potty training kung hindi niyo pa ito nagagawa.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
Kung ang iyong anak ay:
- Ayaw humiwalay sa kanyang tagapag-alaga o laging nakakaranas ng separation anxiety
- Hindi nagpapakita ng interes na makisalamuha sa ibang bata
- Ayaw magbihis, matulog o maligo
Development ng 38-buwan na bata: Speech at Language
Ang iyong anak sa ngayon ay may kahanga-hangang bokabularyo na ng 800 hanggang 900 na salita. Tandaan na ang communication skills ng mga bata ay hindi pare-pareho kaya huwag mag-alala kung ang iyong anak ay hindi pa masyadong nakakapagsalita tulad ng iba.
Ang pinakamahusay na paraan upang mahasa ang pananalita ng iyong anak ay ang patuloy na pagbabasa sa kanila.
Eto ang ilan sa mga development ng 38-buwan na bata:
- Magsalita nang malinaw at kayang maintindihan ng ibang tao.
- Gumamit ng mga pangungusap na may tatlo o apat na salita.
- Gumamit ng mga panghalip tulad ng “ako”, “ikaw” at tayo, pati na din ang mga pang-ukol tulad ng: sa ibabaw, sa itaas at sa loob.
- Sabihin ang kanyang pangalan, edad pati na din ang pangalan ng iba’t ibang mga bagay.
- May mga pagkakataon na sila ay nalilito sa “w” at “r” tulad ng wabbit sa halip na rabbit.
Parenting Tips:
- Ugaliing magbasa kasama ang iyong anak. Siguraduhin na abot-kamay ng iyong anak ang mga libro para madali niya itong makuha kung kailan niya gusto.
- Kausapin siya nang madalas at hikayating magsalita sa pamamagitan ng pagtatanong.
- Magyaya ng playdate dahil ito ay isa ding paraan para mahasa ang kanyang pananalita.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
Kung ang iyong anak ay:
- Hindi pa nakakabuo ng pangungusap na may tatlong salita.
- Mali ang paggamit ng “ikaw” at “ako”
- Hirap magsalita at palaging naglalaway
Development ng 38-buwan na bata: Health at Nutrition
Kailangan ng iyong anak ng masustansyang pagkain sa panahong ito. Ang isang 38-buwan na bata ay nangangailangan ng 1,000 to 1,400 calories sa isang araw, depende sa kaniyang laki pati na din mga gawain.
Ang mga babae sa edad na ito ay may taas na 89cm hanggang 102cm at 11.6kg hanggang 17.5kg na timbang. Ang mga lalake naman ay may taas na 90cm hanggang 103cm at 12.2kg hanggang 17.5kg na timbang.
Nararapat na daily food intake:
Carbohydrates and Fats. 4-5 ounces, kung saan ang kalahati nito ay galing sa whole-grain. Ang 1 ounce ay katumbas ng 1 hiwa ng tinapay, 1 tasa ng ready-to-eat cereal o ½ tasa ng kanin, pasta o cooked cereal.
Protein. Ang iyong anak ay nangangailangan ng 2 tasa ng gatas araw-araw para sa calcium. Maari mong palitan ang 1 tasa ng gatas ng 1 tasa ng yogurt, 1½ ounces ng natural cheese o 2 ounces ng processed cheese.
Ang karne at beans ay mainam din na source ng protein at sa edad na ito, kailangan nila ng 3-4 ounces araw-araw. Ang 1 ounce ay katumbas ng 1 ounce ng karne ng manok o isda, ¼ tasa ng cooked dry beans, o 1 itlog.
Vitamins and Minerals. Ang prutas at gulay ang isa sa pangunahing source ng vitamins at minerals. Sa edad na ito, kailangan niya ng 1-1½ tasa ng prutas at 1½ tasa ng gulay araw-araw.
Parenting Tips:
- Hikayatin ang iyong anak na kumain nang mag-isa. Iwasan na pilitin siyang kumain.
- Gawing masaya at madali ang pagkain sa pamamagitan nang finger foods.
- Kung maghahain ng gulay, siguraduhin na ito ay malambot, hiniwa ng maliliit at lutong-luto.
- Upang maiwasan ang iron deficiency, maghain ng mga pagkain na mayaman sa iron tulad ng karne, isda, beans, tofu at iba pa.
- Kung ang iyong anak ay pihikan sa pagkain, subukuang ihalo ang mga gulay at prutas sa kanyang paboritong pagkain nang hindi niya napapansin.
- Painumin ang iyong anak ng tamang dami ng tubig. Iwasan ang mga soft drinks at juices, flavoured milk, sports drinks at ibang inumin na madaming asukal.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
Kung ang iyong anak ay underweight o maliit para sa kanyang edad, mabuting dalhin siya sa pediatrician upang malaman kung ito ba ay normal lamang o may ibang kadahilanan.
*Tandaan na ang mga development ng 38-buwan na bata na nailahad dito ay patnubay lamang. Hindi pare-pareho ang lahat ng bata. Kung ikaw ay nag-aalala sa kalagayan ng iyong anak, huwag mag-atubiling dalhin ito sa kanyang pediatrician.
Sources: KidsHealth, WebMD, Mayoclinic
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Marasigan
Development ng 37-buwan na bata
Development ng 39-buwan na bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!