Development ng 37-buwan na bata: Cognitive
Sa kabila nang hindi lubusang pag-unawa kung ano ang alin ang totoo at likha lamang ng kanyang pag-iisip, ang role-playing ng iyong anak ay nagiging mas makatotohanan sa puntong ito. Maaari niyang gayahin sa kanyang paglalaro ang isang doctor o kaya ay ikaw bilang isang nanay. Maari din siyang gumawa ng mga istorya at isali ang kanyang mga laruan sa paglalaro.
Bahagi din ng development ng 37-buwan na bata ang kakayahang intindihin ang mga simpleng utos. Alam na din niya kung ano ang concept ng “isa” at “dalawa” kaya maari mo na din siyang bigyan ng mga simpleng gawain.
Gayunpaman, may mga panahon pa din na nangangailangan ng mahabang pasensya lalo na kapag mas pinili niyang hindi sumunod sa iyo. Sa ngayon kasi, ang kanyang attention span ay nasa apat hanggang walong minuto lamang kaya iwasan na bigyan siya ng maraming gawain o utos. Ang anak mo ay maari pang mahirapan na gawin ang dalawa o maraming bagay nang sabay sabay. Habaan ang iyong pasensya at hindi din magtatagal ay magagawa na din niya ang mga bagay nang sabay sabay.
Tips:
- Maari mong utusan ang iyong anak na pagpare-parehasin ang mga malilinis na medyas mula sa iyong nilabhan. Isa din itong paraan upang matuto siyang magbilang.
- Magpakilala sa kanya ng mga bagong laro tungkol sa pagbibilang at mga opposites.
- Makakatulong din ang mga flashcards tungkol sa mga tunog ng hayop, hugis at mga kulay.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
- Dalhin ang iyong anak sa pediatrician kung hindi pa niya kaya bumuo ng tower gamit ang apat na blocks o kaya naman ay hindi nakikisali sa mga pretend play.
Development ng 37-buwan na bata: Social at emotional
Kasama sa development ng 37-buwan na bata ay ang pakikipaglaro ng maayos sa isang grupo ng mga bata. Alam na din niya ang concept ng taking turns, pagpapahiram ng kanyang laruan at pakikipagtulungan sa kanyang mga kalaro.
Isa sa mga bagong matututunan ng iyong anak sa puntong ito ay ang pagbati sa mga nakakatanda sa kanya. Ito din ang tamang panahon para turuan sya ng mga mabuting asal. Hindi magtatagal ay makikinig mo na siyang magsabi ng “please” at “thank you” na walang nagsasabi sa kanya na sabihin o gawin ang mga ito.
Makakaramdam na din ang iyong anak ng samu’t saring emosyon tulad ng selos, pananabik, takot, saya at galit. May mga pagkakataon din na kakikitaan mo ng frustration ang iyong anak.
Tips:
- Siguraduhin mayroong mga playdate ang iyong anak kasama ang kanyang mga kaibigan.
- Purihin ang anumang mabuting ginawa ng iyong anak tulad ng pagtulong sa mga gawain.
- Kung hirap pa din siyang intindihin ang concept ng take turns, maaring maglaro kayong dalawa ng simpleng card game tulad ng Old Maid. Sa larong ito, matututo din siyang sumunod sa mga panuto o utos.
- Mahalagang pagtuunan ng pansin ang iyong anak kapag siya ay nagsasalita o nakikipag-usap sa iyo. Sa pamamagitan nito, mararamdaman niya ang pagmamahal mo sa kanya at siya ay mahalaga.
- Ang pagbibigay ng simpleng gawaing bahay ay makakatulong upang maramdaman din niya na may mahalaga siyang parte sa inyong pamilya at tahanan.
- Turuan ang iyong anak ng tamang pagtugon sa frustration sa pamamagitan nang pagiging mabuting halimbawa.
- Kapag ang iyong anak ay nagwawala at nag-iiyak, mahalagang kausapin siya at alamin ang dahilan nito upang maramdaman ng iyong anak na mahalaga siya at kadamay ka niya sa mga ganitong pagkakataon.
- Basahin sa iyong anak ang mga librong Grumpy Bird and Glad Monster, Sad Monster at iba pang katulad ng mga ito upang maunawaan ng iyong anak ang kaniyang sariling emosyon maging ang pagdamay sa kanyang kapwa.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
- Kung ang iyong anak ay hindi nakikisalamuha sa ibang bata o hindi tumitingin sa mata ng kanyang kausap, mas mabuting dalhin ito sa doctor.
Development ng 37-buwan na bata: Speech at language
Ang pagiging masigla at matatas sa pananalita ay maituturing din na isa sa mga development ng 37-buwan na bata. Nakakainis man minsan ang maya’t mayang pagtatanong, ito ay normal lamang sa ganitong edad. Mahalagang maging maingat sa pagkilos at pananalita sapagkat maaaring gayahin ng iyong anak ang anumang makita nila o madinig.
Ang iyong 37-buwang gulang na anak ay tiyak na mawiwili sa pagbabasa ng mga libro, pagkanta ng mga nursery rhymes at pagsasalita ng mga bagay na minsan ay wala namang ibig sabihin. Upang mas mapalawak pa ang kanyang kakayahan sa pananalita, mas makakabuti ang malimit na pakikipag usap at pagbabasa ng mga libro sa kanya.
Sa puntong ito, 900 na salita na dapat ang kaya niyang bitiwan sa loob ng isang araw na may limang salita sa bawat pangungusap. Bukod sa pagiging mas pamilyar sa mga letra at iba’t ibang salita, matututunan na din niya ang paggamit ng panghalip at pang-ukol tulad ng: iyon, sa ibabaw, sa itaas at sa loob.
Tips:
- Ugaliin ang pagbabasa ng mga paborito niyang libro bago matulog.
- Ang flashcards at paulit-ulit na pagbigkas ng salita ay makakatulong upang matandaan ng iyong anak ang iba’t ibang salita at pangungusap.
- Subukang maglaro ng “I Spy” gamit ang iba’t ibang letra.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
- Kapag ang iyong anak ay madalas maglaway o hindi pa maunawaan ang kanyang pananalita, mabuting dalhin siya sa kanyang pediatrician.
Development ng 37-buwan na bata: Health at nutrition
Mahalagang turuan ang iyong anak ng tamang asal sa harap ng hapag kainan hanggang sa kanila itong makasanayan.
Normal lang sa mga bata sa ganitong edad na maging mapili sa pagkain kaya mahalaga na hikayatin ang iyong anak na subukan ang bagong pagkain na masustansya. Hayaan siyang kumuha ayon sa kanyang kayang kainin at ubusin.
Karamihan sa mga 37-buwan na bata ay may taas na 85.0-107.2cm at timbang na 10.0-20.7 kg. Sila ay nangangailangan ng 1,000-1,400 calories araw-araw depende sa kanilang laki at mga gawain.
Ang daily nutritional need ng iyong anak ay nasa 4-5 ounces kung saan ang kalahati nito ay galing sa mga whole-grain, 1½ tasang gulay, 1-1½ tasang prutas, 2 tasang gatas at 3-4 ounces ng karne or beans.
Para sa grains, ang 1 ounce ay katumbas ng: 1 hiwa ng tinapay, 1 tasa ng ready-to-eat cereal, o ½ tasa ng kanin, pasta o cooked cereal.
Para sa karne, ang 1 ounce ay katumbas ng: karne ng baka o baboy, manok o isda na kasing laki ng kahon ng posporo, ½ tasa ng dry beans, o 1 itlog.
Hindi kailangang bongga ang paghahanda ng pagkain ng iyong anak. Kung minsan, mas gusto pa nila na simple lang ang kanilang pagkain.
Ang pagbibigay ng wastong nutrition sa iyong anak ay mahalaga. Ngunit dapat tandaan na ang kanyang immune system ay hindi pa ganap na buo kaya mahalagang obserbahan ang iyong anak kung siya ay may lagnat, nagsusuka o nagtatae. Kung ang iyong anak ay nakakaranas ng pamumula o pangangati ng balat, mabuting dalhin siya sa doctor. Tiyakin din na mayroon din silang bakuna para sa bulutong, tigdas at beke.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
- Kung sa tingin mo ay hindi nadadagdagan ang timbang ng iyong anak.
- Kapag ilang araw nang may ubo, lagnat, nagtatae, atbp. ang iyong anak.
- Kapag may pamumula sa balat na hindi pangkaraniwan ang iyong anak. Ang pamumula ng balat ay maaring sintomas ng isang malubha at nakakahawang sakit kaya mahalagang sumangguni agad sa doctor para magbigyan nang agarang lunas.