Ang bilis ng panahon. Ang dating sanggol na karga mo ay tatlong taong gulang na ngayon. Nalampasan niyo na ang “terrible twos” at ngayon ay nasa “the magic years” na. Ano nga ba ang mga dapat asahan na development ng 36-buwan na bata?
Alamin mula sa article na ito ang development ng 36-buwan na bata. Subalit, laging tandaan na ang mga bata ay hindi pare-pareho kaya may mga pagkakataon na hindi makitaan ang iyong anak ng mga milestones na ito.
Kung kayo ay nag-aalala sa development ng iyong anak, mas mabuting kumonsulta sa pediatrician.
Kumusta ang iyong anak?
Development ng 36-buwan na bata: Physical
Sa ngayon, ang iyong anak ay magaling nang tumakbo, tumalon pati na din umakyat. Bukod diyan, ito pa ang ibang milestones ng 36-buwan na bata:
- Pagtakbo nang hindi kalayuan na hindi nadadapa
- Pag-akyat sa mababang furniture
- Pagsakay sa tricycle
- Pag-akyat at baba sa hagdan gamit ang magkabilang paa
- Pagsipa at pagtapon ng bola
- Paglakad sa tuwid na linya pati na din ang tip-toe
Isa pa sa mga development ng 36-buwan na bata ay ang kakayahang kumain nang mag-isa. Kahit pa ito ay medyo makalat, isa itong palatandaan na bumubuti ang kanilang fine motor skills.
Ang kagustuhan ng iyong anak na kumain mag-isa ay isa ding palatandaan ng independence. Sa ganitong pagkakataon, makakabuti na pigilan ang iyong sarili at hayaan ang iyong anak na kumain nang mag-isa.
May mga 36-buwan na bata na nagpapakita na din ng senyales ng “potty readiness.” Nagkukusa na ba siyang magsabi kapag gustong gumamit ng toilet o kaya ay malinis na underwear o diaper? Ilan ito sa mga senyales upang simulan ang kanyang toilet training.
Tips:
- Ang mga bata sa ganitong edad ay maaring sabihin nang iba na nasa edad ng kalikutan. Pero mas mabuting hayaan ang inyong anak dahil ito ay isa sa mga pagkakataon para masanay ang kanilang gross motor skills, isang bagay na mahalaga para magkaroon ng tamang balanse at self-confidence sa kaniyang kakayanan.
- Subukan niyo na sumakay sa tricycle o bisikleta (kung kaya na niya) dahil ito ay makakatulong upang masanay siya sa mga outdoor activities.
- Sanayin na umakyat at baba sa hagdan na iba-iba ang taas at luwang para mas lalong mapahusay ang kaniyang gross motor skills
- Hayaan ang iyong anak na kumain mag-isa. Maglagay ng plastic sa kanyang paligid para mapadali ang iyong paglilinis.
- May mga pagkakataon sa potty training na ang iyong anak ay mapapaihi sa kama o sahig o kaya naman ay gugustuhin ulit gumamit ng diaper. Kapag nangyari ito, maaring palampasin muna ang isa o dalawang linggo bago subukan ulit.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
Kapag napansin niyo ang mga signs na ito sa iyong anak, maari niyo siyang dalhin sa kaniyang pediatrician:
- Hirap sa pagbalanse at paglakad
- Hirap o hindi makaakyat sa hagdaan o mabababang furniture
Development ng 36-buwan na bata: Cognitive
Ito ay tumutukoy sa development ng utak ng iyong anak. Sa kanyang ika 36-buwan, nagsisimula na siya na maintindihan ang kanyang paligid at magtanong tungkol sa mga bagay-bagay.
Hayaan silang tumulong sa inyo sa mga gawaing bahay. Maari mong bigyan ang iyong anak ng mga gawain na nababagay sa kanilang edad tulad ng pagliligpit ng mga laruan o libro.
Nakakatulong ito sa pagpapalakas ng self-esteem ng iyong anak, pati na din ang pagsasanay sa kanila ng magagandang habit.
Bagamat mahirap sabihin ang mga saktong cognitive development ng 36-buwan na bata, ito ang ilan sa kanila:
- Pagbuo ng puzzle
- Pag-alala sa mga bagay na nangyari kahapon
- Magbilang hanggang lima
- Pagtutugma ng mga bagay
- Kaalaman sa mga hugis
- Pagsunod sa mga simpleng utos
- Pakikinig sa loob ng tatlo hanggang limang minuto
Tips:
- Gumamit ng simpleng mga salita kapag nagbibigay ng bilin at utos sa isang 36-buwan na bata.
- Bumili ng mga laruan na makakatulong sa cognitive development ng iyong anak tulad ng puzzle.
- Tanungin ang iyong anak kung ano ang kanyang ginawa kahapon at isulat ito sa isang journal. Makakatulong ito sa kanyang memory.
- Huwag mainis kung hindi magawa ng iyong anak ang mga bagay na iniuutos. Huwag kalimutan na siya ay bata pa din at may limitasyon ang kaniyang kakayanan.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
Kapag ang iyong anak ay hindi interesado sa mga bagay tulad ng puzzles o matching type, makakabuti na pumunta sa isang specialist.
Yes, there will still be meltdowns. Be gentle, be kind and most of all, be patient.
Development ng 36-buwan na bata: Social at emotional
Isa pang kapansin-pansin na development ng 36-buwan na bata ang mas maayos na pakikisama sa kaniyang mga kalaro. Marunong na siyang mag-share ng kanyang mga laruan.
Mas malikhain din ang pag-iisip ng iyong anak sa edad na ito. Mapapansin sa kaniyang paglalaro ang mga imaginary friends pati na din ang mga monsters.
Sa panahon ding ito nagsisimulang ipakita at maintindihan ng iyong anak ang iba’t ibang emosyon tulad ng galit, saya, takot at lungkot. Pero huwag kalimutan na nagsisimula pa lang din siya matutunan kontrolin ang kaniyang emosyon.
Tips:
- Huwag pilitin ang iyong anak na ipahiram ang kanyang laruan.
- Iwasan magalit kapag nag-tantrums ang iyong anak.
- Ipaliwanag sa iyong anak ang iba’t ibang emosyon at hayaan siyang maranasan ito.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
-
- Kung ang iyong anak ay nagpapakita ng matinding lungkot o galit
- Kung ang iyong anak ay ayaw makipaglaro sa iba o sobrang tahimik
Development ng 36-buwan na bata: Speech at language
Huwag masyadong mag-alala kung ang iyong anak ay hindi pa masyadong nakakapagsalita. Kabilang sa development ng 36-buwan na bata ay ang kakayahan na sabihin ang kanilang:
-
-
- Pangalan at edad
- Sagot sa mga simpleng tanong
- Kwento
- Simpleng tanong
Tips:
-
-
- Iwasan ang baby talk kapag kinakausap ang iyong anak.
- Hikayatin ang iyong anak na sumagot sa mga tanong.
- Huwag pilitin magsalita ang iyong anak kung hindi niya talaga gusto.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
Makakabuti na dalhin ang iyong anak sa pediatrician kung kinakitaan mo siya ng mga signs na ito:
-
-
- Kung hindi nya alam ang kahulugan ng mga non-verbal communication
- Kung ayaw niyang tumingin sa mata ng kausap
Development ng 36-buwan na bata: Kalusugan
Ang isang 36-buwan na bata ay may tangkad na 88.7-103.5cm at timbang na 11.3 to 18.3kg.
Mas kinakailangan na din niyang kumain ng mga solid food kasabay ang pag-inom ng gatas para sa karagdagang calcium. Para sa tamang nutrisyon, siguraduhin na bigyan ang iyong anak ng mga sumusunod:
|
Nutrient |
Katumbas Na Halaga Para Sa Isang Araw |
Ano Ang Pwedeng Ipakain? |
Calcium & Vitamin D |
700 milligrams of calcium and 600 IU (International Units) of vitamin D |
2 baso ng full fat milk |
Iron |
7 mg |
4 na maliit na beef meatballs at spaghetti o isang itlog o maliit na chicken sandwich at baked beans |
Vitamin C |
Hindi hihigit sa 400mg |
Spaghetti gamit ang 1 baso ng tomato puree bilang spaghetti sauce o isang orange o isang maliit na tasa ng strawberry |
Bakuna at mga karaniwang sakit
Siguraduhin na mayroon ng mga bakuna na ito ang iyong anak:
- Apat na dose ng diphtheria, tetanus, and pertussis (DTaP) vaccine
- Tatlong dose ng inactivated poliovirus vaccine (IPV)
- Tatlo o apat na dose ng Haemophilus influenzae type B (Hib) vaccine
- Isang dose ng measles, mumps, and rubella (MMR) vaccine
- Tatlong dose ng hepatitis B vaccine (HBV), one dose of chickenpox (varicella) vaccine
- Dalawa o tatlong dose ng rotavirus vaccine (RV)
- Apat na dose ng pneumococcal conjugate vaccines (PCV, PPSV)
- Isa o dalawang dose ng hepatitis A vaccine (HAV).
- Flu vaccine (taon-taon)
Iwasan ang pagpunta sa mga matatao na lugar lalo na kapag uso ang trangkaso, chicken pox, measles at mumps upang hindi mahawa ang iyong anak.
Kailan dapat pumunta sa Doctor?
- Kung napansin mo na biglang bumaba ang timbang ng iyong anak
- Huwag din ipagwalang bahala ang lagnat ng iyong anak o may kahit anong masakit na nararamdaman ang iyong anak. Dalhin agad siya sa doctor upang mabigyan ng kaukulang lunas.
References: WebMD
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Marasigan
Your child’s previous month: 35 months
Your child’s next month: 37 months
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!