Nakakamangha ang mga nagagawa ng iyong 5 taon 5 buwang gulang, di ba? Ang kanyang paglaki at development sa nakaraang mga taon ay nakakabilib!
Ngayon, ito ang tiyak na mga milestones na maaabot niya sa puntong ito. Kung mapansin na siya ay medyo nahuhuli, huwag masyadong mag-alala dahil bawat bata ay nagde-develop sa sarili nilang bilis.
Development ng 5 Taon 5 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Pisikal na development
Sa 5 taon 5 buwang gulang, ang kanyang fine at gross motor skills ay nahasa na kumpara ilang buwang nakalipas. Ang kanyang hand-eye coordination at pagbalanse ay malaki ang pinagbago.
Ano ang iba pang senyales ng pisikal development na makikita?
- Madali nang nakakagamit ng kobyertos
- Nakakahawak na ng lapis nang tama
- Kayang sumalo ng bola
- Masmaganda ang coordination ng mga braso at hita
- Kayang lumukso nang hindi natutumba.
Mga tip:
- Hikayatin siyang magsulat, magkulay at gumuhit para lalong mahasa ang fine motor skills.
- Dagdagan ang pisikal na aktibidad at bawasan ang screentime, ipaglaro siya sa labas.
- Kung nagpapakita ng interes sa isang sport, i-enroll siya dito at tulungan ang paglaki at development lalo.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor
- Kung napapatid parin sa pagtakbo
- Hindi maka-balanse sa isang paa
- Hindi makahawak nang tama ng kobyertos at lapis
- Tila hindi nakaka-rinig o kita nang maayos
- Hindi na nagagawa ang kayang gawin dati
Kognitibong development
Siya ay malamang nasa pre-school na at gumagamit ng kognitibong skills para sa pag-aaral.
Ang kognitibong development ng iyong 5 taon 5 buwang gulang ang magpapakita ng abilidad niyang mag-rason at mag-isip. Sa puntong ito, siya ay magiging mausisa at maghahanap ng sagot mag-isa. Maraming tanong ang makukuha mo na may mga sagot na magreresulta sa mas maraming tanong!
Asahan ang mga sumusunod na kognitibong developments sa iyong anak:
- Gumagamit ng rason at maaaring makipag-argumento
- Sumusunod sa simpleng utos
- Naiintindihan na ang tama at mali
- Nakakabilang hanggang 20
- Alam ang alpabeto
- Kayang baybayin ang panggalan
- Nagagawang makakilala ng mga kulay at hugis
- Nakaka-alala ng mga pangyayari
Mga Tips:
- Kapag siya ay nakikipag-argumento, ayain siya na ipaliwanag ang kanyang iniisip.
- Bilhan ng mga STEAM (Science, Tech, Engineering, Arts, Maths) na laruan tulad ng mga bloke at palaisipan nang lalong mahasa ang kognitibong skills.
- Dalhin siya sa museyo, zoo, at ibang kakaibang lugar upang mahikayat matuto sa labas ng classroom.
- Maglaro kayo ng I Spy. Nakakahikayat ito ng pag-iisip at nakakataguyod ng pagsasalita at pagbabasa.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Walang interes sa kapaligiran
- Hindi makabilang hanggang 20 o hindi alam ang alpabeto
Social at emosyonal na development
Ang iyong 5 taon 5 buwang gulang ang buhay ng party! Madaldal at palakaibigan, gusto niyang mapasaya ang lahat, lalo na ikaw.
Asahan ang mga developments na ito:
- Nagpapakita siya ng empatiya sa iba. Alam niya kung nakasakit siya ng pakiramdam at kung kailan makikipagbati.
- Kahit mas-independent na, kailangan parin ng pagmamahal at pag-aalaga mo at madalas na tatakbo sayo para dito.
- Maaaring maging bossy sa mga kaibigan habang naglalaro.
- Maaaring gustuhing makipaglaro sa kapareho ng kasarian na mga bata.
- Gustong kasama ang mga kaibigan, ngunit minsan ay gusto rin mapag-isa.
- Pala-kaibigan, kahit sa mga hindi kilala.
- Maaaring mag-sinungaling o mag-kwento ng mga istorya.
- Mayroong sense of humor.
Mga tip:
- Kung mahuling nagsisinungaling, huwag ipahiya. Ito ay senyales ng kognitibong development. Kausapin siya tungkol sa kung bakit hindi dapat magsinungaling.
- Turuan siya tungkol sa panganib ng pakikipag-usap sa hindi kilala.
- Bigyan ng maraming pagmamahal at paglalambing.
- Mag-organisa ng mga playdates para sa kanya at mga kaibigan niya.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Lumalayo, mahiyain o walang interes makihalubilo sa iba
- Hindi nagpapakita o nakaka-intindi ng iba’t ibang emosyon
- Nag-uugali nang hindi tama o nagpapakita ng marahas na pag-uugali
Pagsasalita at wika na development
Ang iyong 5 taon 5 buwang gulang ay nakakapagsalita na ng simple at malinaw na mga pangungusap. Ito ang mga karaniwang milestones na maaasahan:
- Siya ay kaya nang maintindihan pati ng hindi kilala.
- Nakakaintindi siya ng tagubilin at nakakapagbigay din nito sa iba, tulad ng mga kaibigan at nakakabatang kapatid.
- Bukas sa pagtuto ng ibang lengwahe.
- Nakakilala ng mga salita sa paboritong libro.
- Kumakanta ng mga kanta at maaari pang tumula.
Mga tip:
- Iwasan ang paggamit ng “baby talk” at kausapin siya nang malinaw at simple.
- Ipakwento sakanya ang nangyari sa araw niya bago siya matulog.
- Magbigay ng mga tanong upang lalong mahikayat ang development sa pagsasalita.
- Bigyan siya ng mga angkop sa edad na libro. Hindi importante na hindi pa siya makabasa nang tama. Hinihikayat nito ang pagmamahal sa pagbabasa habang bata.
- Turuan siya ng mga bagong kanta o masasayang tula.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Madalas na na-uutal
- Hindi nagsasalita ng pangungusap
- Hindi makapagsalita nang malinaw
- Ayaw talagang magsalita
- Nalilimutan ang mga kaya nang gawin dati
Kalusugan at nutrisyon
Ang iyong anak ay kailangan ng masustanyang well-balanced diet. Ang paminsan na matamis ay okay lang basta malalaki ang mga agwat ng sunod na pagkain nito.
Sa edad na ito, kailangan niya ng 1,200 calories araw-araw. Siguraduhin na nakaka-inom siya ng maraming tubig. Ang kanyang diet ay dapat binubuo ng proteins, carbohydrates, at masustansyang fats at oils. Grains, dairy, prutas at gulay dapat ang malaking bahagi ng diet niya.
Ito ang isang gabay sa kailangan niyang sustansya araw-araw:
|
Nutrient/Mineral |
Inirekumendang laki ng bahagi |
Ano ang ipapakain (nutrient/mineral value) |
Calcium |
1,000mg |
2 tasa ng gatas (150mg) O 2 tasa ng yogurt (207mg) O 2 hiwa ng keso (112mg) |
Iron |
10mg |
maliit na mangkok ng cereal (12mg) O 1 hiwa ng wholemeal bread (0.9mg) O maliit na dakot ng pasas (0.7mg) |
Essential Fatty Acids (EFA) |
10g ng Omega-6, 0.9g ng Omega-3 |
kasing laki ng palad ng bata na salmon (0.425g) O 1 pinakuluang itlog (0.1g) O isang dakot ng walnuts (2.3g) |
Magnesium |
130mg |
maliit na mangkok ng all bran cereal (93mg) O 1 kutsara ng peanut butter (25mg) O kalahating saging (16mg) |
Vitamin A |
0.4mg |
3-5 tipak ng kamote (3.8mg) O sangkapat na bell pepper |
Vitamin C |
25mg |
2 tasa ng fresh orange juice (50mg) O 6 na florets ng broccoli (30mg) O 1 kamatis (5mg) |
Vitamin E |
7mg |
28g mani (2mg) O 40g hilaw na mangga (0.9mg) |
Potassium |
3,800mg |
Kalahating baked potato (463mg) O 5 tipak ng cantaloupe (208mg) O dakot ng spinach (210mg) |
Zinc |
5mg |
kasing laki ng palad ng bata na lutong beef (3mg) O kasing laki ng palad ng bata na piraso ng manok (0.6mg) O 2 hiwa ng cheddar cheese (0.4mg) |
Mga tip:
- Tanggalin ang mga mabubulang inumin at junk food sa kanyang diet.
- Turuan siyang kumain kasabay ng buong pamilya.
- Turuan siya ng tamang asal sa hapag-kainan.
Mga bakuna at karaniwang sakit
Pagdating ng 5 taon 5 buwang gulang, karamihan sa bakuna ng iyong anak ay nabigay na. May mga iba na karaniwang ibinibigay kada taon, tulad ng flu shot. Makipag-usap sa iyong duktor para sa mas-maraming impormasyon.
Siya ay minsang din magkaka sipon at trangkaso. Nangyayari ito kapag sila ay nahahawa. Huwag mag-alala, ang pagkakasakit nilang ito ay magpapatibay sa kanilang immune system.
Sources: WebMD
HealthyChildren.Org
Previous month: 5 years 4 months
Next month: 5 years 6 months