Hindi pa ganon katagal nung ang iyong anak ay isang maliit na sanggol, at ngayon isa na siyang 5 taon 6 buwang gulang. Sigurado kaming gusto mong malaman ang mga magagawa niya na gugulat sa iyo. Maaari mong malaman ang kanyang mga magiging developments at milestones sa article na ito.
Alalahanin na walang mga bata ang pareho. Dahil dito, ang iyong anak ay nade-develop sa sariling bilis, umaabot ng milestones nang mas-maaga o mas-late sa mga ka-edad.
Ngunit, kung nag-aalala na hindi niya naaabot ang kanyang milestones sa tamang oras, mangyaring magpakonsulta sa iyong pediatrician.
Development ng 5 Taon 6 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Pisikal na development
Hindi na malamyang toddler, kitang kita na ang pisikal na development ng iyong 5 taon 6 buwang gulang. Maliksi at mabilis, gustong gusto niyang tumakbo, tumalon at maglaro. Hikayatin siya maglaro sa labas dahil kailangan ito para sa maayos na pisikal na development.
Ito ang ilang pisikal na development milestones na naabot niya na dapat:
- Kayang mag-lambitin at umakyat
- Kayang sumakay ng tricycle
- Umaakyat ng hagdan nang walang problema
- Nakakagamit ng mga tinidor, kutsara at kutsilyo
- Potty-trained at nakakagamit ng kubeta mag-isa
- Nakaklukso at laktaw
- Kayang tumayo sa isang paa nang lagpas 10 segundo
Mga tip:
- Ang iyong 5 taon 6 buwang gulang ay lalaking may tiwala sa sarili kung hahayaan siyang gamitin ang kanyang pisikal na abilidad. Huwag siyang pigilan sa pagtakbo!
- Bigyan siya ng masmaraming aktibidad upang magamit ang mga bagong kakayahan. Dalhin siya sa palaruan, maglakad sa labas o i-enroll sa sports.
- Ngayon na kaya niya na gumamit ng kobyertos, hikayatin siyang kumain gamit ito. Nahahasa nito ang kanyang fine motor skills.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor
Kung mapansin na hindi ito nagagawa ng iyong anak, dalhin siya sa duktor upang masuri ang kanyang development. Bantayan ang mga senyales na ito:
- Hindi siya naglalaro ng mga pisikal na laro o hindi sumasali sa mga ma-pisikal na laro
- Natututo ng kakayahan ngunit madali itong nalilimutan
- Hindi interesado sa pisikal na aktibidad
Kognitibong development
Ang kognitibong development ay ang paglaki ng kaisipan. Sa edad na ito, siya ay may aktibong imahinasyon at ay talagang mausisa. Lahat ng ito ay senyales ng magandang kognitibong development.
Susubukan niyang magrason at makipagtalo sa iyo, lalo na kung may gusto siyang makuha. Habang tingin mo ay siya’t nagiging makulit, ito ay senyales ng na ang kanyang isip ay gumagamit ng critikal thinking at rational thought.
Asahan ang mga sumusunod na developments sa iyong anak:
- Kayang gumuhit ng tatsulok at iba pang hugis na nakikita niya sa mga libro
- Nagbibilang hanggang 10 at higit pa
- Nakakaguhit ng tao na may hanggang 7 bahagi ng katawan
- Alam paano ginagamit ang pera
- Nakaka-kopya ng ilang numero at letra
- Mayroong reasoning at problem-solving skills
- May ilang reading at math skills
Mga Tips:
- Maaari siyang magpakita ng mas-komplikadong pag-iisip sa puntong ito, ngunit kausapin parin siya gamit ang mga simpleng salita upang makasabay sa pag-uusap. Walang “baby talk!”
- Hikayatin siyang magulat at gumuhit, matutulungan nito ang kanyang literacy at kumpiyansa sa sarili.
- Tanungin siya tungkol sa araw niya araw-araw. Magandang paraan ito para ma-ensayo niya ang pagsasalita ng naiisip. Malalaman mo na hindi lamang niya nauulit ang mga pangyayari, makakapagbigay din siya ng saloobin sa mga nangyayari sa paligid niya.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Hindi makatuon sa isang bagay nang matagal at madaling nagagambala
- Hindi ma-ikwento ang mga pangyayari o ang mga ginawa sa araw
- Hindi sumasagot sa mga tao 0 sumasagot nang walang pagkasabik
- Nalilito sa past at present tense
- Hinsi naiintindihan ang plural at singular
- Hindi gumuguhit
Social at emosyonal na development
Ang imahinasyon ng iyong anak ay talagang malawak na sa puntong ito, kaya umasa sa nakakatawa at kakaibang mga tanong at pag-uusap. Sa edad na ito, mayroon na siyang kaalaman sa sarili. Ibig sabihin, naiintindihan niya na na ang mga tao sa paligid niya ay maaaring hindi sumang-ayon sa kanya. Ito ang ilan pang milestones na aasahan sa social at emosyonal na development.
- Kahit minsan parin siyang magwawala, siya ngayon ay masmaghahain na ng kanyang pinaglalaban sa isang pagtatalo at maniniguradong masabi ang kanyang punto.
- Sinusubukan niyang pasayahin ang mga kaibigan.
- Maaaring magbago-bago ang moods: minsan madaling sumang-ayon at minsan ayaw makisama.
- Nakaka-intindi at sumusunod sa mga alituntunin.
- Interesado sa pagkanta, pagsayaw at pagarte.
- Naiintindihan ang pagkakaiba ng mga kasarian.
- Sinusubukang kopyahin ang mga kaibigan.
Mga tip:
- Patibayin ang kanyang kakayahan sa pag-ayos ng di pagkakaunawaan sa pagturo sa kanyang humingi ng tawad kapag nagkakamali.
- Humingi rin ng tawad sa kanya kapag nagkakamali ka.
- Matututunan niyang sabihin ang hindi niya nagugustuhan kapag pinapakinggan mo siya. Kung masanay siya dito, mababawasan ang kanyang tantrums.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Nagpapakita ng sobrang pag-uugali tulad ng pagiging agresibo, pagka-mahiyain, takot at kalungkutan
- Hindi nagpapakita ng emosyon
- Tumatangging makipaglaro sa iba
Pagsasalita at wika na development
Ang iyong anak ay talagang madaldal! Ang kanyang bokabularyo at lumawak na sa puntong kaya niya nang makipag-usap sa matatanda. Kaya niya nang kumanta, mag-rhyme, at gumawa ng sariling mga salita.
Ang iba pang pagsasalita at wika na development milestones ay:
- Nakakabilang hanggang sampu
- Nakakakilala ng hanggang apat na kulay at hugis
- Alam ang ilang letra sa alpabeto
- Nakakapagsalita nang malinaw
- Naiintindihan ang oras sa pag-ugnay nito sa aktibidad, halimbawa, aral sa umaga at tulog sa gabi
- Alam ang tirahan
- Nakakabasa ng maiikling salita, kadalasan may 2 hanggang 4 na letra
- Ang iba ay nakakasulat ng panggalan nila
Mga tip:
- Makipag-usap gamit ang komplikadong mga pangungusap
- Sundan ang tanong ng isa pang tanong para lalo silang mag-salita
- Kung ayaw niya masyadong magsalita, huwag pilitin
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Umiiwas tumingin sa mata habang nakikipag-usap
- Nahihirapan umintindi ng paguusap na hindi nagsasalita
Kalusugan at nutrisyon
Ang karaniwang tangkad ng mga 5 taon 6 buwang gulang ay nasa 109 cm habang ang karaniwang bigat ay nasa 19.5 kg. Sa ngayon, siya ay kumakain ng pareho sa kinakain ng iba sa pamilya. Magsasabi na rin siya kung siya ay nagugutom at kayang gumamit ng kobyertos. Iwasan ang pagbibigay ng maalat at matamis na pagkain.
Ipagpatuloy ang pagbibigay ng mga pagkain na balanse ang nutrisyon upang lumaki nang tama ang kanyang isip at katawan. Ito ang halimbawa ng maaaring ipakain sakanya para makuha ang kailangang sustansya:
|
Daily Nutrient/ Ingredient |
Inirekumendang laki ng bahagi |
Ano ang ipapakain (nutrient/mineral value) |
Calories |
1,200-2,000, depende sa antas ng paglaki at aktibidad
|
Chicken and cheese sandwich, mangkok ng cereal na may gatas, sabaw ng manok at gulay
|
Proteins |
0.5 tasa |
Steamed fish, maliit na mangkok ng mung beans o 1 pinakuluang itlog
|
Prutas |
1-1.5 tasa |
Chopped mixed fruits na may cereal, o mixed fruits sa yoghurt |
Gulay |
1.5-2.5 tasa |
Magsama ng gulay na maraming fibre at iron tulad ng spinach, carrots, beetroots, atbp.
|
Grains |
3/4th tasa |
Kanin noodles/ pasta |
Dairy |
2.5 tasa |
1 baso ng gatas + keso/mantakilya/yogurt para sa araw
|
Mga bakuna at karaniwang sakit
Karamihan sa bakuna ng iyong anak ay nabigay na. May mga iba na karaniwang ibinibigay kada taon, tulad ng flu shot. Makipag-usap sa iyong duktor para sa mas-maraming impormasyon.
Ang mga karaniwang sakit na aasahan ay ang trangkaso, bulutong, tigdas, biki at posibleng food allergies. Isa pa, maging maingat sa Hand, Foot and Mouth disease. Halos sa lahat ng karaniwang sakit, ang pagpapanatili sa kalinisan sa sarili ang makakapagpa-iwas dito.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Tratuhin ang lahat ng lagnat bilang seryosong sakit
- May malaking pagbabago sa timbang
- May inirereklamong masakit ang bata
Resources: WebMD, CDC.gov, HealthyChildren .org