Development at milestones ng isang bata: 6 taon at 8 buwang gulang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang iyong little one ay isang ganap na 6 taon 8 buwang gulang na. Sa stage na ito, mapapansin mo na ang kanyang development sa pagsusulat. Nagagawa na niyang isulat ang kanyang buong pangalan. Lumalabas na rin ang kanyang pagiging masigla at sangkatutak na energy!

Interesting stage ito para sa iyong anak dahil nagagawa na niyang sumubok ng mga bagong gawin kahit na delikado. Ngunit hindi pa rin mawawala ang iyong gabay na magsisimula sa inyong bahay.

Habang patuloy na nadadagdagan ang kaalaman ng anak mo at naiintindihan na niya ang konsepto ng realidad at imahinasyon, patuloy pa rin siyang nag eenjoy sa journey na ito.

Ngayon, tara na’t alamin natin ang mga milestones at development ng 6 taon 8 buwang gulang mong anak.

Milestones at development ng 6 taon 8 buwang gulang

 

Image from Mi Pham on Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Physical Development

Pagdating ng 6 taon at 8 buwang gulang ng anak mo, malawak na ang kaalaman nya sa pisikal na gawain. Mula sa Tae Kwon Do at soccer, hanggang sa pagbato at pag salo ng bola, ito ay alam na alama na nya. Ito ay dahil siya ay physically active na bata.

Ang gross motor skills at fine motor skills ng iyong anak ay well develop na sa ganitong stage. Kaya na niyang bumato at sumalo ng bola o kaya naman ay maglakad.

Sa ganitong stage, ang average height at weight ng anak mo ay dapat:

  • Boys
    – Height: 119.9 cm (47.2 inches)
    – Weight: 22.4 kg (49.3 lb)
  • Girls
    – Height: 119.6 cm (47.1 inches)
    – Weight: 22.0 kg (48.5 lb)

Mapapansin mo rin na gumagamit na ng skipping rope ang anak mo. Habang nasasanay ang anak mo sa ganitong gawan, mas nadedevelop naman niya ang kanyang complex motor coordination skills. Kaya kapag nakita mong nahihirapan siya at sinasabing susuko na, bigyan siya ng lakas at i-encourage itong ipagpatuloy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong stage ng bata, dapat marunong na siyang:

  • Nakakagawa ng hagdan gamit ang building blocks
  • Nakakaguhit ng diamonds at iba pang irregular shapes
  • Nasusulat ang kanyang buong pangalan
  • Nasasabayan ang ritmo ng isang music o beat
  • Nasusunod ang mga instructions sa outdoor activities
  • Nabibihisan ang sarili at nasisintas ang sapatos
  • Tinitignan ang magkabilang way ng kalsada
  • Natatandaan na dalhin ang mga bahgay ka kailangan kapag aalis

Tips

  • Siguraduhin na may physical activity ang iyong anak araw-araw kahit na isang oras
  • Gawing exercise ang family activity.
  • Hikayatin ang iyong anak na magsulat ng madalas.
  • Laging basahan ng libro ang anak o kaya naman siya ang nagbabasa sa’yo. Natutulungan siya nito na madevelop ang kanyang vocabulary, hand-eye coordination at motor skills.
  • Pwede ka ring magsagawa ng mini spelling bees pagkatapos ng reading session.
  • ‘Wag kakalimutan na protektahan ang iyong anak sa mga aksidente. Ilayo siya sa mga delikadong equipment sa inyong bahay.
  • Ang iyong anak sa ganitong stage ay kasalukuyan pa ring nagtututo ang sound, distance at speed. Kaya ‘wag siyang papuntahin s mga kalsada. Hindi nila alam kung gaano ka-delikado ang mga sasakyan.
  • Sa oras na ito, bigyang pansin ang kanyang development sa confidence. Maaari niya itong madevelop sa kanyang mga kaibigan, paaralan at sports. Purihin siya sa lahat ng achievements na kanyang matatanggap.
  • Dumalo sa mga school at sports events ng iyong anak.

When To Talk To Your Doctor

Kung napapansin mong may kakaiba sa iyong anak, mabuting magpakonsulta na sa doctor kapag:

  • Umiihi pa rin sa kama sa gabi o araw
  • Pagkawala ng kanyang skills na meron siya dati
  • Hindi interesado sa pagsusulat ng kanyang pangalan

Cognitive Development

Hindi na biro ang attention span ng iyong anak s ganitong edad. Mas lalo na itong lumalawak at tumatagal. Napapractice na rin nila ang kanilang critical thinking. Kaya naman humanda kana sa sandamakmak na tanong na magmumula sa iyong anak!

Natututo na siyang i-express ang kanyang mga saloobin gamit ang mga salita. Naiintindihan niya ang point of view ng iba at nakakatulong ito sa kanya upang makahanap ng iba pang mga kaibigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Jerry Wang on Unsplash

Kung sakali namang sabihin ng iyong anak na ‘alam ko na ‘to lahat’, matinding gabay pa rin ang kailangan nila. Hayaan sila sa kanilang gagawin ngunit bantayan ito at suportahan. Dahil matatapos na nga ang kanyang primary school, dapat ang 6 taon 8 buwang gulang mong anak ay marunong ng:

  • Naiintindihan ang cause-and-effect relationships
  • Nakakapag drawing ng 12-14 na tao
  • Nakakagawa at nakakapagsulat ng maikling kwento
  • Naiintindihan ang concept ng mga numero hanggang 20
  • Nadedevelop ang reasoning skills
  • Natututo dahil sa observation at experience
  • Gusto nya lahat at nahihirapan makapag desisyon
  • Nakakabasa ng 200 words

Tips

  • Hikayatin ang iyong anak na i-express ang kanyang thoughts and feelings. Pwede mo rin siyang tanungin katulad ng “Kamusta ka ngayon?” o “Ano ang iniisip mo?”
  • Turuan ang iyong anak na respetuhin ang feelings ng iba
  • Ang anak mo ay dapat maintindihan na hindi lahat ng gsuto niya ay makukuha niya at makukuha lang niya ito kung matututo siya.
  • Ang 6 taon 8 buwang gulang mong anak ay marami na ang mga katanungan. Dito na masusubok ang iyong pasensya. Sa ganitong pagkakataon, kailangan lang na maging pasensyoso ka at gabayan ang iyong anak sa kanyang mga gagawin.

When To Talk To Your Doctor

  • Isang senyales ng disability ay kapag nahihirapan sa  pagbabasa ang isang bata
  • Nagpapakita ng aggressiveness katulad ng paghampas, pagsipa ng tao
  • May mental issue
  • My separation anxiety
  • Mas nag eenjoy na mag-isang naglalaro
  • Hindi nakikihalubilo sa mga social activities

Social And Emotional Development

Play, play play! Kadalasang nakikita natin ang ating mga anak na nakikipaglaro sa madaming bata. Sa ganitong paraan, dito nabubuo ang pagkakaibigan ng mga bata.

Nabubuo ang kanyang self confidence habang nabubuo rin ang kanilang samahan. Mararanasan mo rin na matutuwa ang iyong anak sa kanyang accomplishment pagkatapos manalo sa board games kasama ang mga kaibigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Jerry Wang on Unsplash

Ang iyong 6 taon 8 buwang gulang na anak ay:

  • Nag eenjoy sa school dahil sa kanyang mga kaibigan
  • Nagiging independent
  • Naghahanap ng affection mula sa mga magulang at guro
  • Pinapakita ang unkind side sa mga kaibigan ngunit babaguhin rin kalaunan
  • Nasasaktan sa mga pangaral, paninisi o punishment
  • Naiintindihan na iba ang feelings ng iba

Tips

  • Sanayin ang iyong anak s board games. Sa ganitong edad, kadalasan nilang nagugugstuhan ang Snakes and Ladders at iba pang board games
  • Kilalanin ang magulang ngmga kaibigan ng anak mo. Maaari kayong magplano ng sleepovers para sa mga bata.  Sa ganitong pagkakataon, magiging malalim ang kanilang pagkakaibigan.
  • Hikayatin ang iyong anak na magdesisyon na para sa kanyang sarili
  • Basahan mo ng libro ang anak mo, ganun na rin siya
  • Mag install ng parental controls sa computer at TV
  • ‘Wag kang matakot na ikwento saanak mo ang mahihirap na usapin katulad ng peer pressure, violence, drug abuse at sexuality. Maghanap ng way upang maintindihan nila ang mga ganitong sitwasyon. Para na rin maiwasan ang kanilang pagkalito.
  • Ienroll ang iyong anak sa mga swimming lesson at fire safety training
  • Ipaintindi sa iyong anak ang point of view ng ibang tao. Katulad na lang ng “Sa tingin mo anong mararamdaman ni John kapag ginawa mo ‘yan?”
  • ‘Wag kalimutang purihin ang iyong anak sa kanyang mga accomplishments
  • Tulungan na mapatibay ang self esteem ng iyong anak.

When to Talk to Your Doctor

  • Nahihirapan sumunod sa mga instructions
  • Nahihirapan makahanap ng kaibigan
  • Agressive sa ibang bata

Speech And Language Development

Malaki na ang development ng 6 taon 8 buwang gulang mong anak pagdating sa pagsasalita. Siya ay nagiging madaldal at matanong na. Mapapansin mong marunong na siyang sumunod sa mga 3 step directions. Nahahandle na rin niya conversation ng bawat isa, minsan siya na ang nagsasalita.

Sa ganitong edad, magaling na ang anak mo sa eye contact. Nagagamit rin niya ang kanyang pagsasalita para sa mga bagay na gusto nya. Katulad na lamang ng makadagdag ng information, para sa entertainment o para hikayatin ang iba. Marunong na rin siya sa iba’t-ibang tenses (past, present, future)

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

may ibang pagkakataon na mapapansin mo ang iyong anak na nagkukwento at kaya niyang dugtungan pa ito kung anong mangyayari. Natututunan niyang i-describe ang mga characters at cause and effect ng mga pangyayari.

Dagdag pa dito, marunong na rin mag spelling ng madami ang iyong anak! Ang spelling na ito ay maaring nakabase sa tunog na kanilang ginagawa. Katulad ng ‘tre’ sa ‘tree’

Kaya na nitong ulitin ng 8-10 word sentences! Hindi na nabubulol sa ‘r’ at ‘l’. To make you even prouder, kabisado na rin niya ang mga araw ng week!

Tips

  • Basahan lang ng libro ang anak. Sa ganitong pagkakataon, naiimprove nito ang vocabulary niya.
  • Minsan, hikayatin na basahan ka rin ng libro ng iyong anak.
  • maglaro ng ‘Spot the difference ‘ a at hayaang sabihin ng iyong anak ang mga napapansin nito.
  • Sabihin ang tamang pronunciation ng isang salita bago ito ipabasa sa anak.
  • Suportahan ang creativity at writing development ng 6 taon 8 buwang gulang mong anak.

When to Talk to Your Doctor

  • Nahihirapan sumunod sa direction katulad ng “Alisin mo ang bag mo at ibigay mo sa akin ang unifom mo.”
  • Walang interes sa pagsusulat ng kanyang pangalan
  • Ayaw magbasa
  • Pabago bago ang behavior
  • Hindi ma-spell ang mga simpleng salita

Health And Nutrition

Ang iyong anak ay kailangan na ng regular meal at snacks para sa kanyang energy. Ang pagkain kasama ang pamilya ay nakakatulong para ma-enjoy niya ang iba’t-ibang uri ng pagkain.

Kailangan ng 1800 calories araw-araw ng iyong anak. Ang pagkain ng mga snackss imbes na meals ay makakapagresulta ng unbalanced diet. Paara mahikayat mo ang iyong anak na kumain ng healthy foods, kumain sabay sabay ng pamilya imbes na kumain kaharap ang TV.

‘Wag kakalimutang mag exercise. Ang iyong anak ay kailangan ng 60 minutes exercise araw-araw. Subukan itong idagdag sa living activities katulad ng paglalakad papuntang school.

Ang calorie na kailangang nasa isang tao ay:

  • Boys: 1,812 Kcal/day
  • Girls: 1,700 Kcal/day

Ang kanilang nutrisyon ay dapat kasama ang:

  • Dairy group

Hikayating kumain ng fat-free o low-fat dairy products ang iyong anak. Katulad ng gatas, yogurt, cheese at fortified soy beverages.

Ang lahat ng ito ay mayroong calcium na importante sa diet ng iyong anak. Makakatulong rin ito sa bone at teeth development niya.

  • Protein group

Ang protein foods ay importante sa paglaki at muscles ng anak mo. Katulad ng seafood, lean meat, eggs, beans, peas, soy products, and unsalted nuts at seeds.

Kailangan ng 36 grams na protina ng anak mo dito. Kaya naman ugaliing idagdag ito sa kanyang diet.

  • Fruit and vegetable group

Ugaliing pakainin ng fresh, frozen o dried fruits imbes na fruit juice. Kung iinom ang iyong anak g juice, siguraduhing wala itong halong sugar. Kailangan ng isang bata ang 3 cups ng prutas at 2 cups ng gulay araw-araw.

  • Grains 

Sa ganitong edad, ang anak mo ay kailangan ng 4 ounces ng grains sa isang araw. Ang isang ounce ng grain ay katumbas ng cereal o isang slice ng tinapay at 1/2 cup ng pasta.

Maari kang mamili kung ano ang nais mong ibigay sa kanya. Whole grains, oatmeal, quinoa, wheat brea, popcorn o brown rice. Ngunit ‘wag lang sosobrahan ang mga ito lalo na sa white bread, pasta at kanin.

Ito ang kailangang kainin ng iyong anak araw-araw:

  • Fruits: three cup for boys; three cups for girls
  • Vegetables: two cups for boys; two cups for girls
  • Grains: four ounces for boys; four ounces for girls
  • Proteins: 32.4g for boys; 32.4g for girls
  • Milk: 17-20 ounces for boys; 17-20 ounces for girls
  • Water: 1500 ml for boys; 1500 ml for girls (around six cups)

Tips

  • Hugasan ng mabuti ang prutas o gulay bago kainin
  • Kung manghihingi ng snacks ang iyong anak, mabuting prutas o gulat na lamang nag ibigay dito.
  • Mag-serve palagi ng salad
  • Magluto ng mga gulay kesa sa mga karte o pasta

When to Talk to Your Doctor

  • Underweight o overweight
  • May mga hindi pangkaraniwang rashes, sugat at bukol
  • Mataas ang lanat na umaabot ng 39 degree C
  • Pagsusuka

Vaccinations and Common Illnesses

Kung ang anak mo ay nasa anim na taong gulang na, marapat lang na bigyan na ito ng proper vaccination. Mabuting bumisita sa doctor ng iyong anak upang mabigyan siya ng ipa nag vaccine katulad ng flu shot.

Dahil ang anak mo ay madalas na nasa labas katulad ng school, mataas ang tyansa na magkaroon ito ng lagnat.

Bigyang pansin din ang mga rashes na tutubo sa katawan ng iyong anak. Sabihin din sa iyong anak na kung mayroon siyang nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan, sabihin agad ito sa’yo.

Treating Common Illnesses

Laging tandaan na kahit may proper vaccine ang isang bata, maaari pa rin itong kapitan ng colds, flu at Hand Foot and Mouth disease. Kung anak anak mo ay may sintomas ng pagsusuka, diarrhea at mataas na lagnat (over 38°C/100.4°F), mabuting magpakonsulta na saiyong doctor.

1. Fever

Kung ang temperatura ng iyong anak ay mababa sa 38.5°C, bigyan ito ng madaming tubig at pagpahingahin. Gamit ang lukewarm compresses, dampian ang bahagi ng kanyang noo, kili-kili at groin area. Makakatulong ito sa kanyang kalagayan. Ngunit kung ito ay tumaas sa 38°C (100.4°F) dalhin agad ito sa ospital.

2. Cough

Ang pag-ubo ay normal ngunit ito ay pwedeng magdulot ng sipon sa isang tao. Para mapigilan ito na lumala, subukan ang mga home remedies katulad ng honey at luya na ihahalo sa maligamgam na tubig.

3. Cold

Ang colds ay dahil sa virus at maaaring hindi rin makatulong ang mga antibiotics na binibigay mo sa iyong anak. Kung ang cold na ito ay may kasamang sakit ng katawan at sobrang taas na lagnat, maaari itong influenza. Sa ganitong kondisyon, mabuting magpatingin na sa doctor.

Mahalagang sanayin ang anak mo sa proper hygiene upang makaiwas sa sakit.

When to talk to your doctor:

  • Ang height ng isang bata ay hindi normal para sa kanyang edad
  • Unusual na rashes, bukol at sugat
  • Underweight at overweight
  • Pagkakaroon ng diarrhea, vomiting at mataas na lagnat (over 39 degrees Celsius) sa mahabang panahon.

 

If you want to read the english article of this, click here.

 

BASAHIN: Paw patrol at mga kids show na nakakatulong sa development ng bata

Sinulat ni

Mach Marciano