Naghahanap ka pa ba ng iba pang pagkakaabalan ni baby bukod sa mga kwentong pambata, laruan o coloring book? Maaari mo naman sa kanyang iparanas ang manood ng telebisyon! Dahil sa pamamagitan nito, maaaring mahasa nito ang creativity ng isang bata. Base sa iba’t-ibang kulay at imahe na kanyang makikita sa telebisyon. Narito mga educational TV shows para sa mga toddlers!
Paw patrol at mga kids show na nakakatulong sa development ng bata
Educational TV shows for toddlers | Image from Unsplash
Educational TV shows for toddlers
1. Paw Patrol
Isa sa hit na pambatang palabas ngayon ay ang Paw Patrol. Ang kwento nito ay tungkol sa anim na matatapang na aso na pinamumunuan ng 10 year old na si Ryder. Sa palabas na ito, tinutulungan nila ang mamamayan ng Adventure Bay at nilulutas ang mga problemang kinakaharap nila.
2. Storybots Super Songs
Para naman sa mga magulang na nakikitaan nila ng potensyal sa larangan ng musika ang kanilang anak, bagay na ipanood sa kanila ang Storybots Super Songs. Umiikot ang kwento na ito sa mga bots na nagtuturo ng math, science, behavior at history. Ang mas nakakagiliw pa sa cartoon na ito ay pakanta nilang tinuturo ang bawat lessons! Kaya naman siguradong maho-hook si baby dito. Ito rin ay mapapanood sa Netflix.
3. Beat Bugs
Ang kwento ng Beat Bugs ay tungkol sa limang makukulit na batang bugs. Ito ay umiikot sa kwento ng pagkakaibigan at paglulutas ng problema. Ito ay hango sa mga kanta ng grupong Beatles.
4. Little Baby Bum
Kung nais mong matuto ang anak mo ng musika, ang Little Baby Bum ang tamang show para sa iyong panimula. Maaakit ang iyong anak sa makukulay na imahe samahan pa ng musikang magpapasayaw sa kanya! Tampok din rito ang mga sikat na nursery rhymes.
5. The Stinky & Dirty Show
Siguradong ma-eenjoy ng iyong anak ang cartoon na The Stinky & Dirty Show. Lalo na kung mahilig siya sa mga kotse! Ang kwento nito ay tungkol sa matalik na magkaibigan na garbage truck at backhoe loader. Dito nila nilulutas ang mga problemang kanilang kinakaharap.
6. Word Party
Tiyak na maaakit ang iyong anak sa Word Party. Mga cute na cute na baby animals ang bida sa palabas na ito. Dito nila matututunan ang kahulugan ng pagkakaibigan at pagiging maalaga sa kapwa.
7. Daniel Tiger’s Neighborhood
Isa rin sa sikat na educational tv shows for toddlers ang Daniel Tiger’s Neighborhood. Ang kwento ng palabas na ito ay makakatulong sa iyong anak upang unti-unti niyang maintindihan ang iba’t-ibang emosyon kahit sa mura pa niyang edad. Sa dulo ng palabas, lagi itong may kasamang mga catchy songs na talagang tatatak sa isip ng iyong anak dahil nandito rin ang aral ng naturang palabas.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!