Ang mga dapat mong malaman at asahan sa development ng iyong anak

Nag-aalala sa development ng iyong anak? Narito ang mga dapat mong malaman at maintindihan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano-ano ang developmental milestones ng bata?
  • Ano ang mga dapat mong asahan sa development ng iyong anak?

Tayong mga magulang, mahilig i-kumpara ang development ng ating anak sa ibang mga bata. Ito minsan ang pinagsisimulan ng ating pag-aalala. Maitatanong nga natin kung minsan na, bakit ang anak ko ay hindi pa gumagapang? Bakit hindi pa siya nagsasalita tulad ng ibang batang ka-edaran niya? May mali kaya sa anak ko?

Nariyan pa nga, minsan na magtatanong ka sa kapwa mo magulang o kakilala. Ganoon din sa mga health professionals tulad ng mga doktor at childhood teachers na may iba’t ibang opinyon tungkol sa developmental milestones ng bata. Ang resulta mas naguguluhan ka at mas lalong nag-aalala.

Bagama’t normal na maramdaman mo ito bilang isang magulang. Kailangan mong isaisip na ang bawat bata ay iba-iba. Aang development o achievements nila ay hindi mo basta-basta madidikta.

Para maiwasan o mabawasan ang iyong pag-aalala, narito ang mga dapat mong asahan sa developmental milestones ng bata. Pati na kung ano ang mga dapat mong aksyonan para masiguradong nasa tama ang development niya.

Woman photo created by pch.vector – www.freepik.com 

Ano ang normal development ng isang bata?

Naiiba-iba kung kailan nagagawa ng bawat bata ang isang skill o karunungan. Bagama’t may mga skills na nagagawa ng maraming bata sa magkakaparehong edad, ang ideya ng normal development sa bata ay masyadong malawak. Hindi lang basta mababase sa pagiging “common” o madalas na makikita sa ibang mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halimbawa, madalas na makikita na ang mga batang 12 months old ay nakakalakad na. Pero normal pa rin naman na hindi pa makakalakad ang isang bata hanggang siya ay mag-16 months old na.

Sapagkat ang normal development ng bata ay nakadepende sa sumusunod na foundation of elements. Ito ay ang kaniyang brain, body, well-being at practice. Kung ang lahat ng elements na ito ay healthy, normal lang na mahuli siyang magawa ang isang milestone sa kaniyang development.

Pero kung isa sa mga nabanggit na elements ay may problema, ang kaniyang development ay maaari ring maging problematic. Ito ay kahit na nagagawa niya ang ilang milestones sa parehong edad tulad ng ibang bata.

Isa pang bagay na dapat na mong maintindinan. Maaaring may dalawang bata na parehong nahihirapang maglakad sa kanilang edad. Pero hindi ibig sabihin na sila ay may pareho ng pinagdadaanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sapagkat maaaring may magkaibang issues silang nararanasan na nangangailangan ng magkaiba ring interventions o aksyon na dapat gawin.

Pundasyon ng child development

Ang body, brain, well-being at practice ng isang bata ay isang paraan para maigrupo ang malawak na pananaliksik tungkol sa foundation ng child development.

Ang body foundation ng isang bata ay tumutukoy sa physical health ng isang bata. Kabilang dito ang kaniyang eyesight, hearing, nutrition, muscles at internal organs. Ganoon din ang kaniyang metabolic system, iron at thyroid hormone levels na mahalaga sa kaniyang development.

Tumutukoy naman sa neural pathways at rehiyon ng utak na responsable sa bawat skills na nagagawa ng bata ang brain foundation. Sapagkat may mga specific brain centers ang responsible sa kaniyang motor co-ordination, language at social reciprocity.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kabilang din dito ang mga genetic code anomalies na maaring pagsimulan ng problema sa development ng isang bata. Ito ay may kaugnayan sa kalusugan ng isang ina habang ipinagbubuntis ang kaniyang sanggol na mahalaga rin sa brain foundation ng isang bata.

Ang well-being naman ay tumutukoy sa social at emotional health ng isang bata na may kaugnayan sa kaniyang temperament at nurturing. Ito ay may kaugnayan sa kaniyang sense of self, resilience at determination.

Sa pundasyon na ito ay may mahalagang papel na ginagampanan ang mga taong nag-aalaga sa bata at ang komunidad na kaniyang kinabibilangan. Sapagkat ang magbibigay ng safety, security at reciprocal engagement sa kaniya.

Habang ang practice naman ay tumutukoy sa pagkakaroon ng access ng isang bata sa tamang environmental opportunities para mahasa pa ang kaniyang nagde-develop na skills. Sapagkat ang isang bata ay kailangan ma-expose sa mga karanasan at aktibidad para mag-develop ang kaniyang brain at utak ng tama.

BASAHIN:

3 A’s Every Parent Should Know to Raise Happy Children

7 paraan kung paano turuan maglakad ang baby

41 Fun sensory activities for your 1-year-old’s brain development

Ano ang mayroon sa developmental milestones ng bata?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo by Kha Ruxury from Pexels

Ang mga dapat mong malaman tungkol sa milestones ng iyong anak

Ang child development ay isang continuous na proseso ng pag-a-acquire ng isang bata ng skills o milestones na makikita sa mga nabanggit na foundation. I-grinupo ng mga health experts ang mga skills na ito. Ito ay tinatawag na motor, communication, cognition at social-emotional domains.

Motor

Ang gross motor skills ay tumutukoy sa pagkokontrol ng isang bata sa kaniyang katawan. Ito ay mas madalas na makikita habang lumalaki ang isang sanggol. Tulad ng pagkokontrol niya sa kaniyang ulo, pag-upo at paglalakad.

Ang fine motors skills naman ay tumutukoy sa paggamit ng isang bata sa kaniyang kamay at mga daliri. Tulad nalang sa paghawak o paggalaw niya sa mga bagay o pag-dradrawing na may kaayusan.

Ang kalidad ng motor skills ng isang bata ay nakadepende rin sa muscle tone at coordination niya na maaaring maging smooth, clumsy o imprecise.

Communication

Communication naman ang isa sa mga best recognized domain sa developmental milestones ng bata. Ito ay nahahati sa tatlong components.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang expressive language o ang pag-pronounce niya ng mga salita o sentences. Receptive language o ang pag-iintindi niya sa mga sentences o pangungusap atnon-verbal communication o kaniyang pre-linguistic skills.

Ang pre-linguistic skills ay mahalaga sa healthy language development ng isang bata. Ito ang paraan para makapag-communicate sila ng hindi gumagamit ng salita o ang pag-cocommunicate gamit ang eye contact, gestures at reciprocal responses.

Cognition o intelligence

Samantala, ang cognition o intelligence naman ay tumutukoy sa problem-solving skills, memory at pagkilala ng bata sa mga key concepts sa paligid niya.

Habang nagde-develop ito ay nagma-mature ang kaniyang cooperation skills. Natututo rin siyang gumawa ng bagong task at mas lumalawak ang play skills niya.

Marami sa ating mga magulang ang namamangha sa mga bagong bagay na nagagawa ng ating mga anak. Pero para masabing intelligent ang isang bata ay nangangailangan ng pormal na pagsusuri.

Social at emotional

Ang mga babies ay may likas na interest sa human voices at movement sa paligid nila. Aang ating utak naman ay sinasalamin o ginagaya ng hindi natin sinasadya ang mga movements na ating nakikita.

Ang mga toddlers o batang edad 1-3 taong gulang ay pinapanood ang mga kapwa nila bata at mas gustong mag-spend ng oras kasama sila kaysa sa mga laruan.

Ang mga bata ay naka-program para i-copy at paste ang nakikita nila sa iba. Sa una ay mag-o-observe lang sila, sunod ay gagayahin na ang kanilang nakikita. Saka maghahanap ng response sa paligid nila at irere-evaluate ang kanilang ginawa.

Ang mga batang may limited copy and paste ability o reduced interest sa ginagawa ng iba ay natututo sa kanilang agenda. Ito ay nauuwi sa mas mabagal na acquisition ng kanilang skills o kakayahan.

Habang ang emotional development naman ng isang bata ay nakikita sa kaniyang confidence, paghahanap ng reassurance at pagde-develop ng awareness sa sarili niya at sa mga tao sa paligid niya.

Ang instability sa early emotional development ng isang bata ay maaaring magresulta sa irregularity sa kaniyang emotions, unsettled behaviour, at kung minsan ay guarded social responses.

Paano makakatulong sa development ng iyong anak?

Photo by Alex Green from Pexels

Ang mga milestones ay magagamit na markers sa development ng isang bata. Pero hindi lang ito ang maaaring gamitin na tool para ma-diagnose ang development niya. Ang context, pattern at foundation ng development ay makakatulong para ma-interpret ang mga milestones na ipinapakita niya.

Isang praktikal na paraan para masama-sama at gawing everyday experience ang lahat ng aspeto na ito ng developmental milestones ng bata ay sa pamamagitan ng Love Talk Sing Read Play.

Isa itong online resource para sa mga magulang na nagtataglay ng mga helpful information sa kung anong dapat asahan sa iyong anak, paano sila matutulungan at kung kailan ka na dapat humingi ng payo mula sa isang professional.

Ang mga milestones ay measurable evidence ng development ng isang bata. Pero hindi ito ang natatanging paraan para maintindihan ang kailangan nila.

Kung ikaw ay nag-aalala sa milestones ng iyong anak ay mabuting makipag-usap na sa inyong doktor at i-discuss ang iyong concern. Sapagkat ang pagbibigay ng pangangailangan ng isang bata, ganoon rin ang pag-unawa sa developmental foundation niya ay higit na mas mahalaga kaysa sa kung kailan siya makakalakad o makakapagsalita.

 

Chris Elliot, Consultant Paediatrician and Conjoint Associate Lecturer, UNSW and Con Papadopoulos, Developmental and General Paediatrics, UNSW

Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa The Conversation at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.

Sinulat ni

The Conversation