Para sa kapakanan ng iyong anak, narito kung kailan at paano ang tamang paggamit ng gadget sa mga bata ayon sa mga eksperto.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang tamang paggamit ng gadget sa mga bata?
- Magandang epekto ng paggamit ng tablets o gadgets sa mga maliliit na bata
- Masamang epekto ng labis na screentime sa isang bata
Ano ang tamang paggamit ng gadget sa mga bata?
Ayon sa isang report na nailathala sa website na Statista, may 14 million na bilang ng Apple ipads ang nabili sa buong mundo sa ikatlong quarter ng taong 2020. Dito sa Pilipinas naitala naman na may 70.7 milyon na katao ang nag-access ng internet gamit ang kanilang mobile phones noong 2019.
Tinatayang mas tataas pa ito sa 2025 na aabot sa 90 million. Isa ito sa patunay na parami ng parami pa ang gumagamit ng mga gadgets tulad ng smartphones at tablet hindi lang sa Pilipinas. Kung hindi pati na rin sa buong mundo.
Base naman sa isang pag-aaral na ginawa noong 2017, may 78% ng pamilya ang may anak na 0-8 years old ang gumagamit na ng smartphone at tablets. Sila ay madalas na nagtatagal sa paggamit nito ng mula 5 minuto hanggang sa 48 minuto o higit pa.
Kaya naman ang malaking tanong ng karamihan sa mga magulang ngayon; ano ba ang tamang paggamit ng gadget sa mga bata? Kailan o ano bang edad ang ipinapayo para masimulan ito? Lalo pa’t ang ipinatutupad na mode of education ay online na ginagawang posible sa tulong ng mga ito.
Pero maraming magulang pa rin ang may agam-agam o pag-aalinlangan sa pagpapagamit ng gadget sa kanilang mga anak. Isa na nga sa pangunahing dahilan ay sa maaaring masira ang mata ng kanilang anak sa matagal na pagkatutok o paggamit ng mga ito.
Bagama’t, may mga masamang epekto ang paggamit ng gadget, ayon sa ilang pag-aaral ay may mga positibong epekto rin naman ito sa development ng isang bata. Partikular na sa isang toddler o batang edad isa hanggang tatlo na unti-unti pa lang natututo sa kaniyang kapaligiran.
Photo by Kelly Sikkema on Unsplash
Magandang epekto ng paggamit ng tablets o gadgets sa mga maliliit na bata
Ilan nga sa mga mabubuting epekto ng paggamit ng gadgets sa mga bata ay ang sumusunod ayon sa mga pag-aaral.
- Ayon sa Scholastic, ang mga touchscreen gadgets ay nakakatulong na maging mas interactive ang learning para sa mga toddlers. Sapagkat ito sa animations at malinaw na audio na nakakatulong sa maliliit na bata na mas maintidihan at matutunan ang mga salita.
- Nahahasa rin ng mga touchscreen gadgets ang fine motor skills ng isang preschooler. Dahil ito sa maraming buttons na kailangan nilang pindutin. Pati na sa mga pictures na puwede nilang i-zoom in at out.
- Ayon sa isa namang 2017 study, ang mga touchscreen gadgets gaya ng iPad ay nakakatulong sa mga batang may disabilities na matututo ng iba’t ibang preschools skills. Tulad ng pagkakaiba o sorting ng mga color, shape at size ng mga bagay sa paligid niya.
- Magandang tool rin ang touchscreen gadgets para matutong makipag-socialize sa iba ang isang bata. Isang paraan din ito na kanilang ginagamit para makipaglaro sa kapwa nila bata online. Ito’y ayon naman sa artikulong nailathala sa The International Journal of Education in Mathematics, Science and Technology,
Pero ang mga nabanggit na advantages ay makakamit kung alam ng bawat magulang ang tamang paggamit ng gadget sa mga bata. Ito ay sa pamamagitan ng pagdidisiplina o pagbibigay limit sa oras ng paggamit nila ng mga ito. Pero ano nga ba ang ideal screen time para sa maliliit na bata? Narito ang sagot ng mga eksperto.
BASAHIN:
8 signs na addicted na ang anak mo sa gadgets
STUDY: Panonood madalas ng TV ng mga bata, stress ang dala sa mga nanay!
Bata nagkaka-seizure dahil sa sobrang paggamit ng gadgets
Baby photo created by standret – www.freepik.com
Kailan ba dapat simulang gumamit ng gadget ang mga bata?
Ayon sa American Academy of Pediatrics, kung maaari ay hindi na muna dapat pinapagamit ng gadgets ang mga batang edad 18-24 months old pa lamang. Maliban na lamang, kung ito naman ay sa pamamagitan ng video chatting na paraan para makausap sila ng ibang tao.
Kung gustong i-introduce ang digital media sa mga batang edad 18-24 months old ay dapat siguraduhin na high-quality ito. Hindi rin gumagamit ng anumang smart technology na maaaring magturo sa isang bata na maging tamad. Dapat din ay siguraduhin na limitado at disiplinado ang paggamit nila ng mga ito. Ito ay ayon parin sa American Academy of Pediatrics o AAP.
Para naman sa mga batang 2-5 limang taong gulang, ang inirerekumendang screen time ay dapat limitado lamang sa isang oras kada araw. Ang kanilang papanoorin nama’y dapat high-quality lamang na makakatulong sa kanilang cognitive development. Sapagkat kung hindi at lumampas sa recommended screen time ang iyong anak, ay narito ang maaaring mangyari sa kaniya.
Masamang epekto ng labis na screentime sa isang bata
- Ang mga batang may mahabang screen time ay naitalang may poorer behavioral, cognitive, at social development sa oras na sila’y mag-tatlong taong gulang na. Ito’y ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng psychologist na si Sheri Madigan mula sa University of Calgary.
Technology photo created by senivpetro – www.freepik.com
Kaya ito ang payo ng mga eksperto. Mabuti pa rin ang face-to-face interactions at pagkakaroon ng quality time sa inyong mga anak bilang effective teaching tools. Dapat din hangga’t maari ay gabayan ang iyong anak na mag-spend ng less time sa harap ng screens at gadgets.
Sa halip ay i-encourage siyang maglaro ng kaniyang mga laruan. Mabuti rin kung sasamahan mo siya sa paglalaro at maging parte ng pagpapalawak ng kaniyang imagination. Ang mga ito ay makakatulong sa development ng physical, psychological, at emotional skills ng iyong anak.
Orihinal na inilathala sa theAsianparet Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
Source:
AAP, Statista
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!