Dati rati, ang diabetes ay sakit na nakukuha lang ng mga matatanda. Ngunit dahil sa iba’t-ibang mga lifestyle changes, kahit mga bata ay posible na ngayong magkaroon ng ganitong karamdaman. Madalas ay nagagawan naman ito ng paraan upang i-manage at hindi makasagabal sa pang araw-araw na buhay ng isang bata. Ngunit kamakailan lang, may isang diabetic na bata ang namatay matapos magkaroon ng diabetic coma.
Paano ito nangyayari, at naiwasan kaya ang malungkot na pangyayari?
Paano siya nagkaroon ng diabetic coma?
Source: Facebook
Si Sophia Daughterty ay isang 9 na taong gulang batang mayroong type 1 diabetes. Kahit kailan ay hindi ito naging sagabal sa pagkakaroon niya ng normal na buhay.
Siya ay isang cheerleader, full-time student, at marami rin siyang mga kaibigan sa kanilang paaralan.
Ngunit sa kasamaang palad, bumagsak ang kaniyang blood sugar habang siya ay nag sleepover sa bahay ng isa niyang kaibigan.
Dahil sa sobrang baba ng blood sugar sa kaniyang katawan, nagkaroon siya ng tinatawag na diabetic coma. Hindi na siya bumangon, at dali-daling dinala sa ospital.
Ngunit dahil sa epekto ng coma sa kaniyang utak, hindi na ito kinaya ng kaniyang katawan, at siya ay namatay matapos ang tatlong araw. Malungkot man ang pangyayari, umaasa ang mga magulang ni Sophia na makakatulong ang kaniyang mga orgas sa ibang mga bata, dahil si Sophia ay isang organ donor.
Naiwasan kaya ito?
Para sa mga taong may diabetes, mahalagang palaging i-monitor ang blood sugar ng kanilang katawan. Sa type 1 diabetes, nasa 4 hanggang 10 beses sa isang araw kailangan i-test ang dugo. Sa type 2 naman, depende na sa rekomendasyon ng doktor.
Ngunit kahit na madalas itong i-monitor, posible pa ring biglang bumagsak ang blood sugar levels ng isang tao.
Minsan epekto ito ng sobrang physical activity, o kaya ay nakalimutang kumain. Ang pinakanakakatakot ay madalas nangyayari ang diabetic coma habang natutulog, tulad ng nangyari kay Sophia.
Nakakatakot ito dahil minsan, akala lang ng may diabetes na inaantok siya. Yun pala, nawawalan na siya ng malay dahil sa pagbagsak ng blood sugar. Dahil dito, nagkakaroon ng diabetic coma ang isang tao. Kapag nagkaroon na ng coma ang taong may diabetes, nagsisumula nang maapektuhan ang utak dahil mahalaga ang sugar sa maayos na pagtakbo ng utak.
Matapos nito, posibleng mamatay ang taong nagkaroon ng diabetic coma dahil sa pinsala sa kaniyang utak.
Type 1 diabetes sa mga bata
Ang type 1 diabetes ay isang uri ng kondisyon kung saan hindi nakakagawa ng insulin ang katawan. Ang insulin ay ginagamit ng katawan upang makontrol ang lebel ng sugar sa katawan.
Sa mga may type 1 diabetes, posible ring magkaroon ng tinatawag na sugar crash, o biglaang pagbaba ng lebel ng blood sugar. Posible ito dahil sa paggamit ng artificial insulin, nasobrahan sa physical activity, nalipasan ng gutom etc.
Kapag hindi agad naagapan ang sugar crash, ay posible itong humantong sa diabetic coma.
Kaya mahalaga sa mga magulang ng mga batang may type 1 diabetes ang palaging i-monitor ang lebel ng blood sugar sa katawan ng kanilang mga anak.
Madalas tinuturuan din ng mga magulang ang kanilang mga anak kung paano kumuha ng dugo, at gamitin ang mga pang-test ng blood sugar levels. Makakatulong ito upang malaman ng bata kung mababa ba o masyadong mataas ang kaniyang blood sugar.
Kailangan din ng mga magulang ng mga batang may diabetes na ipaalam sa paaralan ang kondisyon ng kanilang anak. Makakatulong ito upang masiguradong ligtas ang iyong anak kahit siya ay nasa paaralan at malayo sa iyo.
Source: Daily Mail
Basahin: Toddler suddenly dies due to untreated Type 1 Diabetes
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!