Dianne Medina preggy sa 2nd baby nila ni Rodjun Cruz: “Celebrating this gift of new life inside me”

Masayang ibinahagi nina Rodjun Cruz at Dianne Medina sa publiko nitong Easter Sunday na buntis na sila sa ikalawa nilang baby!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masayang inanunsyo ni Dianne Medina noong Easter Sunday na buntis siya sa kanilang second baby ni Rodjun Cruz.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Dianne Medina, Rodjun Cruz preggy sa kanilang 2nd baby
  • Announcement ng 1st at 2nd pregnancy parehong sa Easter Sunday

Dianne Medina buntis sa second baby nila ni Rodjun Cruz

Hindi lang muling pagkabuhay ng Panginoon ang pinagdiriwang nina Rodjun Cruz at Dianne Medina nitong nagdaang Easter Sunday. Ibinalita rin nila sa publiko sa pamamagitan ng isang Instagram post na buntis si Dianne Medina sa ikalawa nilang anak.

Larawan mula sa Instagram ni Rodjun Cruz.

“Easter is all about celebration of New Life. Today, as we celebrate the Resurrection of our Lord Jesus Christ, we are also celebrating this gift of NEW LIFE inside me! We are immensely happy to announce that I’m 6 Months pregnant!” caption ng aktres sa kaniyang Instagram post.

Dagdag pa nito, labis ang kanilang pasasalamat sa panginoon sa biyaya na ito sa kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Rodjun Cruz.

“We couldn’t be more thankful to our God for blessing us this baby on the way, and we thought it’s just fitting to share this with you all on Easter day. Please pray for us on this journey. Happy Easter! Thank you LORD! So happy!” saad ni Dianne.

1st at 2nd pregnancy announcement parehong sa Easter Sunday

Hindi naman pahuhuli si Rodjun Cruz sa pagbabahagi ng magandang balita sa publiko. Sa kaniyang Instagram post, makikita ang magkatabing larawan nila ni Dianne Medina noong buntis ito sa 1st baby nila at ngayon sa kanilang 2nd baby. Nakalagay sa magkatabing picture ang caption na “Easter 2020” at “Easter 2024.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Rodjun Cruz.

Sa kahiwalay pa na Instagram post ni Rodjun Cruz, labis-labis din ang saya at pasasalamat ng aktor. Makikita sa Instagram reel na pasan niya ang kaniyang panganay habang hinahaplos ang tiyan ng kaniyang misis.

“Baby number 2 wohoooo!😍🎉 Super excited na kami. Thank you Lord. ☝🏻🙏🏻 The best ka po talaga! Happy Easter!️” saad sa caption ng IG post ni Rodjun.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan