Diego Loyzaga nag-post ng picture kasama ang isang baby: “The best birthday gift ever.”

Ang tanong ng mga netizens, sino ang ina ng sanggol na dala ni Diego?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Diego Loyzaga nag-post ng picture kasama ang isang baby. Narito ang ilan sa reaksyon ng malalapit niyang kaibigan at kapamilya sa post na ito ng aktor.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Diego Loyzaga may baby na?
  • Reaksyon ng mga kaibigan at kapamilya ni Diego.

Diego Loyzaga may baby na?

Larawan mula sa Facebook account ni Diego Loyzaga

Marami ang nagulat ng mag-post ang aktor na si Diego Loyzaga ng larawan kasama ang isang baby sa kaniyang Instagram at Facebook account. Sa larawan ay makikitang karga ni Diego ang sanggol. Ito ang caption ng nasabing larawan.

“The best birthday gift ever ❤.”

Nitong Mayo ay nagdiwang si Diego ng kaniyang 28th na kaarawan.

Reaksyon ng mga kaibigan at kapamilya ni Diego

Sa post na ito ng aktor ay sumunod ang mga mensahe ng mga taong malalapit sa kaniya. Pati na ang tanong ng mga netizens kung anak niya ba ang kasama niya sa larawan at isa na siyang ama. Narito ang ilan sa mensahe ng mga taong malalapit kay Diego.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero ang nagkumpirma na isa na ngang ganap na ama ang aktor ay ang ina niyang si Teresa Loyzaga. Ayon sa aktres, ginawa siyang “Glam-Ma” na ni Diego at tinawag na little Pochola ang karga nitong sanggol. Nagbigay din siya ng kahilingan para kay Diego sa baby nito at sa babaeng ina ng nasabing sanggol na hindi pinangalanan ng aktres.

“You made me a Mother. Now u made me a Glam-Ma! I couldn’t be more proud! I love you anak! Diego Loyzaga and I love my little “Pochola”! I wish your new chapter all the happiness and blessings! Mwah!! Cheers to the three of you!! Yay!!!”

Ito ang komento ni Teresa sa post ng anak niyang si Diego.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Diego Loyzaga

Ang mga netizens hindi naman napigilang maging curios at magtanong kung sino ang ina ng sanggol na dala ni Diego.

Matatandaang ang aktres na si Barbie Imperial ang isa sa naging matunog na ka-relasyon ng aktor na si Diego Loyzaga. Pero sila ay nag-break noong nakaraang taon na nasundan ng pakikipagdate ni Diego sa aktres na si Franki Russel.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagamat nilinaw ng dalawa na sila ay nagdesisyon maging magkaibigan nalang. Ang sumunod na nalink kay Diego ay ang sexy star na si Debbie Garcia.

Hanggang ngayon ay wala pang pahayag si Diego sa kung siya ba ay isa na ngang ama at kung sino ang ina ng sanggol na dala niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement