Mababasa sa artikulong ito:
- Digital eye strain sa mga bata at iba pang epekto ng pagbabad sa gadget ng iyong anak.
- Paano maiiwasan ang mga ito.
Digital eye strain sa mga bata at iba pang epekto ng pagbabad sa gadget ng iyong anak
Bagama’t online class ang primary mode of learning sa ngayon ay mainam na bantayan parin ang paggamit ng gadget ng iyong anak. Lalo na kung maliban sa kaniyang mga klase ay nagbababad pa siya sa paggamit ng mga ito.
Sapagkat ayon sa mga eksperto, may masamang epekto sa mata ng iyong anak ang addiction niyang ito. Ang mga masamang epekto na ito ay ang sumusunod.
1. Digital eye strain
Ang una nga sa masamang epekto na maaring maranasan ng pagbabad sa gadget ng iyong anak ay ang digital eye strain o mas kilala sa tawag na computer vision syndrome.
Ang kondisyon na ito ayon sa optometrist na si Dr. Alexandra Williamson ay tumutukoy sa dry eyes, vision problems at discomfort na mararanasan ng mga bata sa tuwing gumagamit ng mga digital devices sa mahabang oras.
Ito ay dulot ng reduce blinking na hindi natin napapansin na ating ginagawa sa tuwing tayo ay nakakatutok sa ating cellphone, tablet, computer o laptop. Pagpapaliwanag niya,
“When we use digital devices, we blink less, and we don’t even notice. The reduction in blinking affects kids, too. They lose their tear film, which can cause dry eyes, vision problems and discomfort.”
Technology photo created by freepik – www.freepik.com
Ang ilan nga sa palatandaan na nakakaranas ng digital eye strain sa mga bata ang iyong anak ay ang sumusunod:
Signs ng digital eye strain sa mga bata
- Madalas na pagkuskos ng kaniyang mata.
- Pag-iwas sa mga online classes.
- Madalas na pagkurap ng mata.
- Pagkakaroon ng crust build-up sa kaniyang pilik-mata.
- Pagrereklamo tungkol sa blurry o double vision.
- Pananakit ng ulo.
2. Myopia o pagiging nearsighted
Ang isa pang kondisyon na maaring makuha sa sobrang screen time o paggamit ng gadgets ay ang myopia o pagiging nearsighted. Ayon sa isang pag-aaral, tumataas ang tiyansa na makaranas ng myopia ang mga batang gumagamit ng gadgets ng higit sa 3 oras sa isang araw.
Mas prone nga rito ang mga batang edad sa sampung taong gulang pababa. Sapagkat sa hindi pa ganoon ka well-develop ang kanilang mga mata. Kaya naman kung sila ay madalas na gumamit ng gadgets sa mura nilang edad ay mas makakasanayan nilang tumingin sa mga bagay na malapit sa kanila. Dahilan para sila ay magkaroon ng myopia o nearsightedness.
Pahayag ni Dr. Williamson,
“A child’s vision develops rapidly up through about age 10. And even after that, their visual system is still growing and changing. The age when the visual system is considered to be fully mature is different for every child.”
3. Convergence o accommodative insufficiency
Kids photo created by freepik – www.freepik.com
Ayon naman sa pediatric ophthalmologist mula sa Singapore na si Dr. Tay Su Ann, maliban sa myopia ay may isa pang eye condition na maaring maranasan ang mga batang babad sa paggamit ng gadget.
Ito ay ang tinatawag na convergence o accommodative insufficiency. Ito ang kondisyon na kung saan naapektuhan ang kakayahan ng mata ng mag-converge o mag-focus sa mga bagay na malalapit sa kaniya.
Hindi tulad ng myopia ay less common ito. Ilan sa mga ipinapakitang sintomas nito ay eye fatigue at double vision.
4. Amblyopia o lazy eye
Ang mga batang may myopia ay maaari ring makaranas ng kondisyon na kung tawagin ay amblyopia o lazy eye. Ayon kay Dr. Tay, ito ay ang kondisyon na kung saan nag-dedeteriorate ang eye vision ng isang bata kahit na walang problema sa kaniyang mga mata.
Paliwanag niya, nangyayari ito sa early childhood na kung saan nagde-develop pa ang visual capacity ng isang bata. Kung sa mura niyang edad ay expose siya sa mga blurry images ay ito ang natutunan at nakakasanayang ma-detect lang ng kaniyang utak at mata.
Pagpapaliwanag niya,
“Amblyopia arises during early childhood when one or both eyes send blurry images to the brain. If the brain does not receive clear images during the period of visual development, it then learns to only see blurry.”
Dagdag pa niya, ang amblyopia ay maaring malunasan. Basta’t ito lang ay matutukoy agad o maaagapan. Dahil kung hindi, kahit ang paggamit ng salamin ay hindi na ito maitatama.
BASAHIN:
STUDY: Mga batang mahilig sa gadgets, maaaring magkaroon ng eating disorder
Paano maiiwasan ang mga ito?
People photo created by pch.vector – www.freepik.com
Para maiwasang maranasan ng iyong anak ang mga nabanggit, payo ni Dr. Williamson at Dr. Tay ay ito ang gawin mo.
1. Limitahan ang screen time ng iyong anak.
Ang ipinapayong screen time limit ng American Academy of Pediatrics ay isang oras lang sa isang araw na nakadepende pa sa edad ng isang bata.
Kung ang bata ay 18 buwan pababa, hindi pa dapat itong nai-expose sa screen media. Maliban na lamang sa video chatting sa kapamilya o kaibigan na nakakatulong sa development ng social at language skills niya.
Sa mga batang edad 2 taong gulang naman ay maari na silang magsimulang manood ng mga baby videos. Ngunit ito dapat ay may involvement ng kaniyang mga magulang.
Para sa mga batang 3-5 taong gulang ay makakatulong na rin sa kanilang development ang panonood ng mga educational TVs shows tulad ng Sesame Street. Subalit kinakailangan na may involvement ang magulang sa kanilang panonood.
2. Maging magandang halimbawa sa iyong anak.
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga batang nahihilig sa mas mahabang oras ng screen time ay lumaki sa mga magulang na nagbababad din sa panonood ng TV o paggamit ng gadgets.
Kaya naman para matuto ang iyong anak na magkaroon ng limitasyon sa kaniyang screentime use ay magpakita ng magandang halimbawa sa kaniya.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagbabawas ng paggamit ng cellphone o gadgets. Sa halip, mag-spend ng quality time sa iyong anak sa pamamagitan ng paggawa ng mga arts and crafts, o kaya naman pwede niyo ring bonding moment ang pagtuturo sa kaniya ng gawaing bahay.
3. Pagtatago sa mga gadget sa mga lugar na hindi makikita o maabot ng mga bata.
Para tuluyang mabawasan o maiwasan ang paggamit at epekto ng gadget sa mga bata ay mabuting itago o ilagay sa lugar na hindi makikita o maabot ng bata ang mga gadget sa inyong bahay.
Ito ay upang hindi siya maenganyo sa paggamit nito. Sa halip, mag-isip at gumawa ng mga activity bilang pampalipas oras na makakatulong din sa kaniyang development.
4. Gumamit ng 20-20 rule.
Para maiwasan ang eye strain sa iyong anak habang siya ay nag-o-online class ay gamitin ang 20-20 rule. Ito ay ang pagtuturo sa iyong anak na tumingin sa isang bagay na malayo sa kaniya kada 20 minuto sa tuwing gumagamit siya ng gadget.
Ito ay kailangan niyang gawin ng hindi bababa sa 20 segundo. Para makapagpahinga ang kaniyang mata at magkaroon siya ng break sa pagtingin sa mga bagay na malapit lang sa kaniya.
5. I-encourage ang iyong anak na gumawa ng mga outdoor activities.
Pero para mas maiwasan ang mga eye conditions na nabanggit mas mabuting i-encourage ang iyong anak na gumawa ng mga outdoor activities.
Hindi lang nito pinapababa ang tiyansa na makaranas ng myopia at iba pang eye problems ang iyong anak. Isang paraan rin ito ng pag-exercise na mas makakapagpalusog ng katawan niya.
Source:
Cleveland Health Clinic, Health Exchange, JAMA Pediatrics