TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Dimples Romana is having a baby boy!

5 min read
LOOK: Dimples Romana is having a baby boy!

Panganay na anak ni Dimples, papaalis na papuntang Australia para doon mag-aral. Dimples may emotional post tungkol sa pag-alis at paglayo ng anak.

Dimples Romana baby boy ang ipinagbubuntis! Aktres nalaman ang magandang balita isang araw bago tuluyang magpunta ng Australia ang panganay na anak para doon mag-aral.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Dimples Romana baby gender reveal.
  • Mensahe ni Dimples para sa kaniyang panganay na anak na nakatakdang lumisan pa-Australia para doon mag-aral.

Dimples Romana baby gender reveal: It’s a boy!

dimples romana baby

Image from Dimples Romana’s Instagram account

It’s a boy! Ito ang gender ng ipinagbubuntis at pangatlong anak ng aktres na si Dimples Romana. Ang magandang balita nalaman ng aktres at kaniyang pamilya sa pamamagitan ng isang baby gender reveal party na dinaluhan ng malalapit na kaibigan nila at miyembro ng pamilya.

Base sa Instagram post ni Dimples, isa si Angel Locsin sa naging paraan para maging possible ang ginanap nilang baby gender reveal party.

Ito rin ang isa sa mga naunang mag-post ng gender ng 3rd baby ni Dimples. Ang tinatawag na Baby E ni Dimples ay dagdag sa team boy nila ng mister na si Boyet Ahmee.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Matatandaang nitong nakaraang linggo inanunsyo ni Dimples na siya ay happy mom of 3 na. Ito ay ginawa niya sa Instagram na sinamahan ng kaniyang black and white themed maternity photoshoot.

Masaya pang sabi ng aktres handa na siya sa panibagong pagsubok ng pagiging ina sa isang maliit na sanggol habang inaalagaan ang dalawa niya pang anak na si Callie, 18-anyos at Alonzo 7-anyos.

“And then there were 5! 

Just when we thought life couldn’t get any sweeter , here comes our newest BLESSING baby E.

My heart has never been this FULL

I am now officially a MOM of 3 unique children born from 3 different decades

God truly knows how to answer even the most silent prayers of our hearts.

How amazing is it to experience motherhood, raising a DAUGHTER in college, a son, 7 year old kid and in a few months a NEW BORN 

I’m excited to take on the CHALLENGE.”

Ito ang sabi ni Dimples ng inanunsyo niya ang kaniyang pagbubuntis. Si Dimples ngayon ay anim na buwan ng buntis at nakatakdang manganak ngayong darating na Hulyo.

BASAHIN:

LOOK! Dimples Romana pregnant sa kaniyang 3rd baby  

Dimples Romana: “Okay lang ‘yon na magsabi ka na nahihirapan kay ngayon, na magsabi ka na kailangan mo ng tulong.”

LOOK: Dimples Romana binigyan ang anak na si Callie ng bahay para masubukang nitong mamuhay mag-isa

Dimples masaya at malungkot sa pag-alis ng anak na si Callie pa-Australia para mag-aral ng kolehiyo

dimples romana family

Image from Dimples Romana’s Instagram account

Samantala, maliban sa masayang balita tungkol sa gender ng ipinagbubuntis ni Dimples, kahapon ay may isa pang emotional post si Dimples sa Instagram.

Ito ay tungkol sa nakatakdang pag-alis ng panganay niyang anak na si Callie pa-Australia upang doon mag-aral ng kolehiyo. Ang aktres nagbahagi ng nararamdaman niya sa pag-alis ng anak.

Kalakip nito ang mga larawan ni Callie mula noong ito ay baby pa hanggang sa ito ay lumalaki at maging isang independent woman na.

Base sa post ni Dimples, ngayong araw nakatakdang umalis pa-Australia ang anak niyang si Callie. Sa pag-alis ng kaniyang anak ay mas naintindihan niya raw ang mas malalim na kahulugan ng pagmamahal at pagiging isang magulang.

Ito ay ang pag-aalaga sa kanila habang sila ay maliit at bata pa. At ang pagbibigay sa kanila ng kalayaan at pagkakataon na maging independent sa oras na kaya na nila. Isang learning na ayon kay Dimples ay bittersweet para sa mga magulang.

“Last day before my little one @callieahmee leaves for college. ”

“Today I gain a deeper understanding of LOVE and PARENTING. ”

“We give birth to our children, raise them to know love and feel it. We make sure their roots to home are deep and steady. And when the TIME IS RIGHT, and for us that’s NOW, we give them wings to fly.”

“A bittersweet kind of learning for me as a mom.”

Ito ang sabi ni Dimples Romana.

Mensahe ni Dimples sa panganay na anak na si Callie

dimples romana family

Image from Dimples Romana’s Instagram account

Si Dimples minention rin ang panganay niyang si Callie sa kaniyang IG post. Sa anak ay sinabi niya kung gaano siya kasaya sa bagong landas na tatahakin nito at umaasang pagbalik nito siya ay isa ng kapitan at mahusay na piloto.

“Today ate @callieahmee we celebrate the wings you have just put on. We sing, we love, we cry, we conquer ♥️

Love you Christiana Amanda Lauren Romana Ahmee! ‘Pag balik mo may Kapitan na sa unahan ng pangalan na yan.”

Ang post na ito ni Dimples umantig sa puso ng ilang mommy netizens kabilang na ang aktres na si Andi Eigenmann.

andieigengirl

Kakaiyakkk!! Congrats to you (and kuya boyet) for raising this special one!

Ang panganay ni Dimples na si Callie ay magpupunta sa Australia upang ito ay mag-aral doon ng kursong Aviation Management sa Southern Cross University.

 

Instagram 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • LOOK: Dimples Romana is having a baby boy!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko