X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Dimples Romana: “Okay lang 'yon na magsabi ka na nahihirapan kay ngayon, na magsabi ka na kailangan mo ng tulong.”

4 min read

May bagong proyekto ang aktres na si Dimples Romana sa YouTube. Ito ay pinamagatan niyang #MyDDiaries na tungkol sa kaniyang buhay at sa malalapit na tao sa puso niya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang bagong proyekto ni Dimples Romana sa YouTube na #MyDDiaries.
  • Pagbibigay pugay at pagsasalarawan ni Dimples sa yumao niyang ama.

#MyDDiaries, Ang bagong proyekto ni Dimples Romana sa YouTube

Kahapon, February 10 ay may espesyal na proyektong sinimulan ang aktres na si Dimples Romana sa kaniyang YouTube channel. Ito ay ang #MyDDiaries na tumatalakay sa kaniyang buhay at mga mahahalagang tao sa buhay niya.

Kuwento ni Dimples, inspirasyon niya sa pagsisimula ng bagong proyektong ito ang yumao niyang ama na si Jose Joel “Bong” Romana. Ito ay mahilig magpadala ng sulat dahil na rin sa trabaho nito dati bilang postmaster.

Bagama’t halos dalawang dekada na rin ng nasawi ito dahil sa aneurysm, paniniwala ni Dimples ay nagbibigay paalala ito sa kaniya ngayon. Ito ay matapos makita ng kaniyang tiyahin sa Canada ang mga sulat ng kaniyang ama noong ito ay nabubuhay pa.

Pagbibigay pugay ni Dimples Romana sa kaniyang ama

bong romana

Bong Romana, ama ni Dimples Romana/ Image from Dimples Romana’s Facebook account

Ayon pa kay Dimples, ang mga sulat na ito ng ama ay nagpapaalala kung anong klaseng haligi ng tahanan ito. Kung ano ang kaya nitong gawin para sa kaniyang anak at gaano siya ka-proud na ito ang naging tatay niya.

“I want to start the My D Diaries this way to honor not only my Papa’s memory but also to honor the kind of person that he was.

Somebody who took the time to say thank you. Somebody who took the time to write a letter to share his journey.

Hindi siya nahihiyang sabihin kung ano ‘yong pinagdadaanan namin kasi hindi siya nahihiyang humingi ng tulong.”

Ito ang sabi ni Dimples tungkol sa bago niyang proyekto at sa ama niya na siyang unang bida dito.

Sa vlog episode na ito ni Dimples ay binasa niya ang sulat ng ama na ginawa nito noong February 10, 1994. Ito ay naka-address sa tiyahin at tiyuhin niya sa Canada.

BASAHIN:

LOOK: Dimples Romana binigyan ang anak na si Callie ng bahay para masubukang nitong mamuhay mag-isa

TAP MAM: Dimples Romana and her inspiring story about hard work and patience

Dimples Romana, niregaluhan ng bagong bahay ang kasambahay niya for 17 years

Ang mga ito ang tumutulong sa pagpapagamot noon ng kapatid niyang nakikipaglaban sa sakit na leukemia. Sa naturang sulat ay nagpasalamat ang ama ni Dimples sa mga tulong na ibinigay ng tiyahin at tiyuhin niya sa pagpapagamot ng kaniyang kapatid.

Kalakip nito ang ilang larawan at medical certificates ng kapatid na patunay ng karamdaman na nararanasan nito noon.

“And we most certainly appreciate all the help and assistance you are extending to my family most especially to Pebbles.

We are truly grateful to you and your family. Whatever outcome the development would result to, I want you to know that I would never every forget all the things you have done for my daughter, Pebbles.”

“I fervently hope that God almighty will shower you with all the blessings and grace in life. Once again, thank you so much.”

Ito ang bahagi ng sulat ng ama ni Dimples. Ayon sa aktres ay may itinuro na aral sa kaniya ngayon. Sa pagbabasa nito ay may mga naging realizations umano siya.

dimples romana my d diaries project in youtube

Batang Dimples Romana kasama ang amang si Bong at mga kapatid na sina Bam at Peebles.

Realizations ni Dimples

“This letter taught me na okay lang ‘yon na magsabi ka na nahihirapan kayo ngayon. Okay lang ‘yon na magsabi ka na kailangan mo ng tulong kasi you will never know kung anong klase ng tulong ang mare-receive mo from angels here on earth at madami sila.”

Ito ang sabi pa ni Dimples na very applicable umano sa buhay natin ngayon sa gitna ng nararanasan nating pandemya.

Sa huli, bagama’t nasawi rin ang kapatid ni Dimples noon na si Peebles ay labis pa rin siyang nagpapasalamat sa maraming aral na itinuro nito sa kanilang pamilya.

Aral na binaon niya at ginawa niyang pundasyon sa pagbuo at pagpapatakbo ng sarili niyang pamilya ngayon. Mga aral na natutunan niya sa kaniyang ama at sa mga taong nagmamahal sa kaniya.

Pag-aanunsyo pa ni Dimples, sa susunod na episode ng kaniyang My D Diaries ay magiging tungkol naman sa kaniyang panganay na si Callie. Dahil sa ito ay nalalapit ng mawalay sa kanila para mag-aral sa Australia na ayon kay Dimples ay sumusubok sa kaniya bilang isang ina.

dimples romana family

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Dimples Romana kasama ang mister na si Boyet Ahmee at mga anak na sina Callie at Alonso. /Image from Dimples Romana’s Facebook account

 

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Dimples Romana: “Okay lang 'yon na magsabi ka na nahihirapan kay ngayon, na magsabi ka na kailangan mo ng tulong.”
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.