Dimples Romana hindi makapaniwala sa surprise baby shower na hinanda ng malalapit niyang kaibigan na sina Angel Locsin at Bea Alonzo para kay Baby Elio.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Surprise baby shower ni Angel Locsin at Bea Alonzo para kay Dimples Romana
- Reaksyon ni Dimples Romana sa surprise baby shower na inihanda para sa kay Baby Elio
Dimples Romana surprise baby shower
Nalalapit na ang panganganak ng aktres na si Dimples Romana sa kaniyang 3rd baby na si Baby Elio. Bilang pagdiriwang sa nalalapit na pagdating nito ay may surprise baby shower na inihanda ang malalapit niyang kaibigan na sina Bea Alonzo at Angel Locsin para sa kaniya.
Kahapon ay nag-share ng mga larawan si Dimples pati na sina Angel at Bea sa naganap na baby shower.
Ayon kay Dimples, dream come true ang surprise baby shower na ito para sa kaniya. Partikular na ang pa-story book feels na setup sa naturang baby shower na nagustuhan ng aktres na umaming isang book worm. Napuno rin ng rabbit at carrots ang venue ng baby shower na ‘Peter Rabbit’ ang theme.
“A SURPRISE Magical Baby Shower straight off of a storybook. This book worm momma’s BABY SHOWER dreams came to life, thanks to these amazing event experts and artisans , lovingly chosen by my sisters from another mother @therealangellocsin and @beaalonzo to honor our dearest Baby Elio. You have my heart.”
Ito ang caption ng post ni Dimples tungkol sa kaniyang surprise baby shower.
Si Angel at Bea ay nag-share rin ng ilang tagpo sa ginanap na baby shower. Masaya rin sila at naging successful ang sorpresa nilang ito para kay Dimples.
“A celebration that is definitely one for the books! Yesterday, we had a baby shower to honor baby Elio! And we had so much fun! Buti na lang, successful and surprise kay @dimplesromana !”
Ito ang post ni Bea Alonzo tungkol sa naturang selebrasyon.
Si Angel Locsin naman sinabing kinailangan nilang ‘i-ghost’ si Dimples para hindi mabuking ang kanilang plano. Nagpasalamat rin siya sa iba pang tumulong para maging posible ang surprise baby shower nila ni Bea para kay Dimples. Kasama nga sa kinuntsaba nila ay ang mister ni Dimples na si Boyet Ahmee.
“I hope napasaya namin siya at nakabawi for ghosting her para hindi lang kami mabuking.”
“Thank you to everyone who came! Mounting a baby shower takes a village.” so I would like to thank @beaalonzo for co-organizing this event with me. Along with @papaboyetonline @wengcorpus and of course to our team who made this celebration extra special! Everything’s so beautiful and well thought!”
Ito ang sabi pa ni Angel.
BASAHIN:
Viy Cortez nagdesisyon na sumalang sa Caesarean section delivery: “Natatakot ako na mag-normal.”
Reaksyon ni Dimples Romana sa surprise baby shower na inihanda para sa kay Baby Elio
Si Dimples ay may mahabang thank you post naman para sa mga nag-organize ng surprise baby shower na ito para sa kaniya. Nagbigay rin siya ng detalye kung paano siya nasorpresa ng mga kaibigan at kaniyang pamilya.
“When I came in the room, I couldn’t make up exactly what I was seeing, (Wala din ako suot na contact lens kaya nearly blind ako). What I thought was a brand shoot turned out to be one of the most beautiful surprises ever to happen in my life.”
Sabi pa ni Dimples, sobra-sobra ang ginawang surprise baby shower ng mga kaibigan para sa kaniya. Kaya naman umaapaw ang pasasalamat niya sa mga ito na talaga namang ipinaparamdam sa kaniya ang pagmamahal nila para sa kaniya at sa paparating niyang baby na si Elio.
“Apart from the usual thank yous that I know would never suffice to express just how grateful I feel. A great family isn’t made up of perfect wives, husbands, not of perfect parents, what makes a GREAT FAMILY is having people like our friends and families who LOVE us beyond our imperfections, celebrate us and our many quirks.”
Paglalarawan niya pa nga sa mga kaibigan niyang sina Angel at Bea, na hindi lang daw ‘stars’ dahil sa sikat silang artista. Para sa kaniya, ang mga ito ay stars na nagbibigay rin ng liwanag sa buhay niya pati na sa kaniyang pamilya.
“My friends truly are the biggest stars in the universe. Not just because they are famous and respected in what they do, but ultimately because they know how to share their light to people like me who need a little bit more push in finding my own brightness each and every time.”
Ito ang pagpapasalamat ni Dimples Romana sa baby shower na inihanda ni Angel Locsin at Bea Alonzo para sa kaniya.