LOOK: Dimples Romana nagsagawa ng baby shower para kay Elio!

Hinahanda na ni Dimples Romana ang kaniyang anak na si Alonzo para maging kuya!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masayang ibinahagi ng aktres na si Dimples Romana ang kanyang baby shower para sa third baby boy nitong si Elio sa kanayang Instagram account.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Baby shower para kay Elio, hinanda ni Dimples Romana
  • Dimples prepares Alonzo to be a kuya!

Larawan mula sa Instagram account ng NicePrint Photo

Baby shower para kay Elio, hinanda ni Dimples Romana

Sinurpresa sa pamamagitan ng baby shower party ng Asia Lashes ang aktres na si Dimples Romana. Sa Instagram account ng aktres ay pinost nito ang kaganapan mula sa naganap na baby shower para sa magiging pangatlong anak niyang si Elio.

Makikita sa larawan na kasamang ipinagdiwang ni Dimples Romana ang pamilya at iba pang malalapit nitong kaibigan. Labis namang pinasalamatan ng aktres ang nag-organize at mga dumalo  sa event dahil sa damang-dama niya raw ang pagmamahal ng mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I feel so loved. Salamat”

Matatandaang noong Marso at Abril parehong in-upload ni Dimples Romana ang video at photos mula sa gender reveal party naman niya. Sa kaniyang video sa YouTube channel, ay ipinakita niya ang sa 3 minute clip na ito ang buong kaganapan sa naging gender reveal.

Dito ay pinasalamat niya ang aktres at bestfriend niyang si Angel Locsin at ang asawa nitong si Neil Arce. Ayon kay Dimples, malaki ang naging ambag ng mag-asawa para sa kaniyang event para kay Elio.

“Shout out to Angel Locsin and Neil Arce for helping me put this amazing event together! LOVE YOU mars and fave frenemy.”

Makikita rin sa inupload na mga larawan ni Dimples Romana sa kanyang Instagram account na dumalo ang ilang celebrities tulad nina Sylvia Sanches, Dominic Ochoa, Kim Molina, Janul del Prado at marami pang iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ng NicePrint Photo

Ayon pa sa beteranang aktres, sinagot ng Panginoon ang panalangin nilang ito na magkaroon muli ng anak..

“How amazing is it to experience motherhood, raising a DAUGHTER (Callie) in college, a son (Alonzo), 7 year old kid and in a few months a NEW BORN,”

Excited at handa na rin daw siya para sa bagong challenge na kahaharapin niya sa pagkakaroon ng pangatlong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

LOOK: Dimples Romana binigyan ang anak na si Callie ng bahay para masubukang nitong mamuhay mag-isa

Dimples Romana: “Okay lang ‘yon na magsabi ka na nahihirapan kay ngayon, na magsabi ka na kailangan mo ng tulong.”

TAP MAM: Dimples Romana and her inspiring story about hard work and patience

Dimples prepares Alonzo to be a kuya!

Screenshot mula sa YouTube channel ni Dimples Romana

Unang ibinahagi ng aktres na si Dimples Romana na siya ay buntis kasa asawa nitong si Boyet Ahmee. Binahagi ng aktres ang larawan ng kaniyang baby bump sa Instagram account nito. Ayon sa aktres, ang kaniyang mga anak ay galing sa tatlong magkakaibang dekada kaya unique ang mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“And then there were five. Just when we thought life couldn’t get any sweeter, here comes our newest blessing, baby E.

My heart has never been this full, I am now officially a mom of three unique children born from three different decades. God truly knows how to answer even the most silent prayers of our hearts.”

Matapos nito ay inihahanda na ni Dimples Romana ang sarili sa magiging bagong baby. Bukod sa sarili sinigurado niya ring handa na si Alonzo na maging Kuya sa bunsong kapatid nito.

Sa isang vlog niya sa kanyang YouTube channel na pinamagatang, ‘Gawaing Bahay Training with KUYA Alonzo’ ay pinag-usapan nila ang pagiging kuya ng kaniyang middle child kay Elio. ,

“Pagluluto, paghuhugas ng pinggan, pagtutupi ng damit ng baby — ilan lang sa mga masayang ginawa namin ni Kuya Alonzo sa vlog na ito in preparation of him being a kuya!”

Habang nagtutupi ay kinausap ni Dimples ang anak tungkol kay Baby Elio. Tinanong ni Dimples kung handa na ba itong maging big brother para kay Elio, sumagot naman ang bata ng ‘yes’.

“When your baby brother comes out what are the things you are going to do para maalagaan siya?”

Sinagot naman ito ni Alonzo na tuturuan niya rin ang baby brother na magbigay ng respeto sa kanyang mommy at daddy. Ayon pa sa bata tuturuan niya raw itong magsabi ng ‘please at opo’. Tinanong din ng aktres ang anak kung anong nararamdaman nito na ngayong magiging Kuya na siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Good because I’d gonna get to Ate’s stage.”

Bukod dito gusto rin daw turuan ni Alonzo ang baby boy na magpaint sa walls dahil daw sa bahay nila ay allowed na sulatan ito. Pagpupuri naman ni Dimples sa anak niya,

“Good job Alonzo I think you’re gonna be a great Kuya.”

Sinulat ni

Ange Villanueva