Dimples Romana sa pagpasa ng anak sa private pilot license exam: “Celebrating milestone after milestone! Go get it girl!”

Callie saglit na umuwi sa Pilipinas at nakilala na ang bunsong kapatid na si Elio.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Dimples Romana ay isang one proud momma sa pagpasa ng only daughter niyang si Callie sa private pilot licensure exams.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Dimples Romana sa bagong milestone sa buhay ng only daughter niyang si Callie Ahmee.
  • Dimples Romana as a mom of three.
  • Sakripisyo ni Dimples Romana bilang isang ina.

Dimples Romana sa bagong milestone sa buhay ng only daughter niyang si Callie Ahmee

Larawan mula sa Instagram account ni Dimples Romana

Talaga nga namang nalalapit na ang katuparan ng pangarap ng panganay na anak ng aktres na si Dimples Romana. Dahil ang only daughter niyang si Callie masayang ibinahagi ng aktres na nakapasa sa private pilot license exam. Ang magandang balita ibinahagi ng proud momma sa Instagram.

“So child #1 , our 18 year old future Capt @callieahmee just passed her Private Pilot’s License exams todaaaaay. YES ate!!! That’s my girl!!! On to CPL exams next.”

Ito ang sabi ni Dimples. At bilang kapalit sa achievement unlock na ito ng anak ay may pa-reward syempre ang aktres. Pero wala ng hihigit pa sa patuloy niyang pag-suporta sa pag-abot ng pangarap nitong maging isang piloto.

“Okay, it’s a thumbs up for all the merch you want to buy still #parentingfrommilesaway.”

“We proud yeah! Celebrating milestone after milestone! Go get it girl!”

Ito ang sabi pa ni Dimples.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang Marso nitong taon nang magpunta ng Australia ang panganay ni Dimples na si Callie upang doon mag-aral ng tatlong taon. Siya ay kumuha ng kursong Bachelor of Business Major in Aviation Management sa Southern Cross University.

Dimples Romana as a mom of three

Larawan mula sa Instagram account ni Dimples Romana

Bago matapos ang buwan ng Setyembre ay saglit na bumisita si Callie dito sa Pilipinas para makasama ang kaniyang magulang at kapatid. Si Dimples hindi pinalampas ang pagkakataon at nagpa-photo shoot para sa kaniyang pamilya.

Sa isang IG post ay ibinahagi ng aktres ang pakiramdam na sa wakas ay nakasama niya na ang tatlong anak sa isang litrato.

“•mom of three. A dream come true. All three of my children in one photo.”

Ito ang bungad ni Dimples sa kaniyang IG post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sunod ay ikinuwento niya na ito ang unang pagkakataon na magkita ang panganay niyang si Callie at bunsong anak na si Elio. Dahil noong maipanganak si Elio nitong Hunyo si Callie ay hindi nakauwi at busy sa kaniyang pag-aaral bilang piloto.

“When I gave birth to #ElioJuanManolo , Capt @callieahmee was in Australia scheduled to fly actual and could not come home to be here for the birth. But the lord has ways to make this yearning momma’s heart very happy.”

Ito ang kuwento ng aktres.

Pagpapatuloy niya pa, isang linggo ang inilagi dito ni Callie. At the moment na makita daw ito ng kaniyang kapatid na si Alonzo ay nag-iiyak na ang pangalawa niyang anak hanggang sa maihatid nila sa airport si Callie para bumalik sa Australia. Sa tagpong ito sabi ni Dimples ay mas naging feeling blessed siya sa mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nakauwi si ate @callieahmee for a week and finally met her bunso brother and kuya #AlonzoRomeoJose was crying as soon as he saw ate and right up til she had to go. Lots of uncertainties in life but one thing is for sure, our kids remain to be the biggest blessings we will always have in life.”

Sakripisyo ni Dimples Romana bilang isang ina

Larawan mula sa Instagram account ni Dimples Romana

Minsan ng ibinahagi ni Dimples ang sakripisyo niya para mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya. Kahit ang kapalit daw nito ay ang pagkakaroon ng kaunting oras na makasama sila.

“Sulit pagod at puyat ni mommy and daddy (Boyet), future Capt (Callie Ahmee). Bukod sa ang ganda mong piloto, you get to do this at 18 years old? Whatttt!”

“And most importantly my heart is filled with so much happiness seeing you smile this way! YOU ARE HAVING TONS OF FUN CHASING YOUR DREAMS and DOING WHAT YOU LOVE. Now that’s the DREAM. You GO GIRL!”

Ito ang post noon ni Dimples ng magpadala ng larawan si Callie sa unang pagpapalipad niya ng isang eroplano sa aviation school na pinapasukan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatuloy pa ng aktres, bagamat lumaki si Callie na palaging wala siya sa tabi ng anak ay proud siya sa naging paglaki nito. At ito ay ipinagpapasalamat niya sa mister na si Boyet Ahmee na siyang sumasalo sa responsibilidad niya bilang ina kapag busy siya sa pag-aartista.

“All the many days and nights I had to be apart from them meant Ate gets to freely choose what she wants to be. And the many times I miss her from not being there because of shoots and tapings meant, Ate Cal will get to do what she loves and that is — flying and becoming a pilot.”

“And thanks to @papaboyetonline and our home angels for making sure the kids are alright. I say, worth every tear, every sacrifice.”

Ito ang sabi pa ni Dimples.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement