Dimples Romana proud and thankful sa achievement ng only daughter niyang si Callie Ahmee.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Update sa pag-aaral ng panganay ni Dimples Romana sa ibang bansa.
- Gaano ka-proud si Dimples Romana sa only daughter niyang si Callie Ahmee.
Update sa pag-aaral ng panganay ni Dimples Romana sa ibang bansa
One proud mom talaga si Dimples Romana sa only daughter niyang si Callie Ahmee. Dahil ang aktres bagamat malayo sa anak na kasalukuyang nasa Australia ngayon at nag-aaral ng pagpipiloto ay hindi tumitigil sa pagbibigay ng update sa anak niya.
Sa isa sa mga latest post ni Dimples ay ibinahagi niya ang saya niya sa pagiging magulang sa anak na si Callie. Dahil pagbabahagi ni Dimples sa oras na kinukwestyon niya ang sarili sa purpose niya sa buhay ay tinitingnan niya lang ang mga anak niya.
Doon niya na-realize kung gaano siya ka-thankful na maging isang magulang. Lalo na sa anak niyang si Callie na talaga nga naman daw pinagmamalaki niya na anak niya at nanggaling sa kaniya.
“When you’re a parent and you find yourself questioning how you are as a person and the kind of legacy you are about to leave on earth, all you have to do really is just look at your kids and see exactly who you have been and what you’re leaving behind, and Ate @callieahmee you never fail to ground me and remind me exactly who I am. You are my roots.”
Ito ang sabi pa ni Dimples.
Pagpapatuloy pa niya, masaya siya na ang anak niyang si Callie ay marunong mag-value ng edukasyon at kanilang pamilya. At excited siya sa nalalapit nitong paglipad ng solo na.
“Ate, my future Capt flies to Lismore today and will train there more for this week before her SOLO flight.”
“Hay talagaaaa, praise God for daughters who value education, family, and opportunities.”
Sa huli ay ibinahagi ni Dimples kung sino ang naging inspirasyon ng kaniyang anak na maging piloto. Ito ay ang lolo niya na ama ng mister ni Dimples na si Boyet Ahmee.
“Just a little cute trivia, those aviators she’s wearing are of my Father In Law’s. Papa Boy, flew in the Philippine Airforce and PAL for a time. @callieahmee looks up to papa a lot and he inspired her to become a pilot din!”
Ito ang sabi pa ni Dimples.
Gaano ka-proud si Dimples at Boyet kay Callie
Sa comment section ng post na ito ni Dimples ay makikitang may komento ang mister niyang si Boyet. Sabi niya ay fan siya ng anak. Sinagot naman ito ni Dimples na naging magaling at maayos ang pagpapalaki nila sa panganay nilang si Callie. Sumang-ayon naman dito si Boyet.
Sa isa pang IG post ni Dimples ay ibinahagi niya na nasa Australia ang mister niyang si Boyet para suportahan ang anak nilang si Callie. Habang si Dimples naiwan dito sa Pilipinas at siyang nagbabantay sa two boys nilang si Elio at Alonzo. Si Dimples walang reklamo at nai-enjoy ang pagiging ina lalo na sa kaniyang newborn baby na si Elio.
“While @papaboyetonline is still in Australia enjoying parental duties with our unica hija Captain @callieahmee , I on the other side of the world get to enjoy mommyhood with my two boys.”
Ito ang sabi pa ni Dimples.
Sa mga naunang IG post ni Dimples ay ibinahagi niya ang naging sakripisyo niya para maibigay ang pangangailangan ng anak niya. Ang mga pagod at puyat ay all worth it daw lalo na ngayon na nakikita niya ang panganay niyang anak na si Callie na nagagawa nga ang pangarap at gusto niya.
“Sulit pagod at puyat ni mommy and daddy (Boyet), future Capt (Callie Ahmee). Bukod sa ang ganda mong piloto, you get to do this at 18 years old? What!”
“And most importantly my heart is filled with so much happiness seeing you smile this way! You are having tons of fun chasing your dreams and doing what you love. Now that’s the dream. You go girl!”
Ito ang mensahe ni Dimples sa anak na si Callie.
Matatandaang Marso nitong taon ng lumipad patungong Australia ang anak ni Dimples na si Callie upang doon mag-aral. Si Dimples may sweet na mensahe rin para sa anak bago ito tuluyang mawalay sa kanilang mga magulang niya at matutong mamuhay ng independent sa ibang bansa.
“Today, we officially take the training wheels off. Today, anak, I give you love that sets you free, a kind of love that lets you be, today, you get to be on your own, Ate. I am beyond thrilled to watch you show everyone just what makes a Romana-Ahmee woman special.”
Ito ang mensahe ni Dimples sa anak bago ito tuluyang lumipad pa-Australia.