Mataas daw ang tsansa na ang pagpupuyat ang maaaring sanhi ng fatty liver sa tao kaysa sa mga mayroong tamang sleeping pattern.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Madalas na pagpupuyat, nagiging sanhi ng fatty liver ayon sa research
- What is fatty liver disease?
Madalas na pagpupuyat, nagiging sanhi ng fatty liver ayon sa research
Madalas na pagpupuyat, nagiging sanhi ng fatty liver | Larawan mula sa Pexels
Kinakailangan ng adult person ng minimum na pitong oras na pagtulog sa loob ng isang araw para masabing tama ang kaniyang bedtime routine. Hindi naman kasi talaga healthy ang pagpupuyat. Kaliwa’t kanang risk kasi ang maaaring dalhin nito sa tao lalo na kung araw-araw itong ginagawa.
Sa katawan, isa raw sa maaaring tamaan nito ay ang liver o atay. Base sa bagong pag-aaral na nailatahala sa Endocrines Society’s Journal of Clinical Endocrinology and Metabolism, malaki raw ang factor ng unhealthy sleeping behaviors sa pagiging unhealthy ng liver. Unang nakukuha diyan ang pagkakaroon ng fatty liver disease.
Pagpupuyat sanhi ng fatty liver
Pagpupuyat sanhi ng fatty liver | Larawan mula sa Pexels
“People with poor nighttime sleep and prolonged daytime napping have the highest risk for developing fatty liver disease.”
Ito ang sinabi ni Yan Liu, Ph. D., isang doktor na nagmula sa Guangdong Provincial Key Laboratory of Food, Nutrition and Health at Sun Yat-sen University sa China.
Inalam nila mula sa 5,011 Chinese adults na mayroong fatty liver disease ang kanilang lifestyle. Dito inamin nila mula sa self-reported data na ang sleep behaviors nila ay hindi healthy. Late ang bedtime, humihilik, at pagna-nap nang halos 30 minutes sa umaga ang nakita nilang dahilan kung bakit lalong tumaas ang risk ng mga ito sa pagkakaroon ng fatty liver. Mas malala raw ito para sa mga may sedentary lifestyle at may obesity.
Napag-alaman na rin nila na tinatayang 29% ang maaaring ibaba ng risk na makuha ang sakit kung maiaayos ang sleeping patter o quality ng isang tao.
“Our study provides evidence that even a moderate improvement in sleep quality is sufficient to reduce the risk for fatty liver disease, especially in those with unhealthy lifestyles,”
Ani ni Liu.
What is fatty liver disease?
Liver ang maituturing na largest internal organ sa katawan. Malaking tulong ito para makapag-digest ng pagkain, magtanggal ng lason sa katawan, at mag-store ng energy upang makapag-function nang maayos ang tao. Kaya nga naman kung magkakaroon ng fatty liver disease ay isang malaking banta para sa kalusugan.
Causes
Ang sakit daw na ito ay mas nagiging common sa buong mundo. Tinataya kasing quarter na ng population ng adult ang mayroon nito. Maaari raw makuha ito dahil sa mga sumusunod na kundisyon:
- Metabolic disorders like obesity
- Pagkakaroon ng high blood pressure
- Mga middle age o mas matatanda pa
- Pagkakaroon ng fats sa dugo o cholesterol
- Pagsasailalim sa ilang mga medikasyon
- Pagkaranas ng weight loss
- Mayroong certain infections
- Exposed sa toxins
- Hindi healthy ang lifestyle kasama na ang tamang pagtulog
Kadalasan daw walang sintomas ng fatty liver. Sa kabilang banda, kung magkakaroon man maaari raw makaramdam ng pagod o hindi komportableng pakiramdam sa upper right ng abdomen.
Larawan mula sa Shutterstock
Diagnosis
Dahil nga halos walang sintomas ang ganitong sakit, kinakailangan na madiagnose ito ng doktor sa iba’t ibang paraan. Narito ang ilang sa kanila:
- Medical history – Dito aalamin ng doktor ang iyong mga tinetake na pagkain o inumin. Tatanungin din niya kung gaano kadalas at gaano karami ang pag-inom mo ng alak. Layunin kasi nitong malaman kung ang fat ba sa atay mo ay gawa ng alcoholic fatty liver disease o ng nonalcoholic fatty liver disease.
- Physical exam – Magkakaroon din ng serye ng physical exam upang masiguro kung anong factor pa ang nakapagpapalala ng iyong sakit.
- Various tests – Kukuha rin ng ilang samples sa iyong katawan tulad ng imaging test o kaya naman ay biopsy. Kinakailangan kasi ang imaging test upang makita ang fats sa liver o ang pwesto nito upang makita kung gaano kalala ang damage na mayroon ito. Maaari ring magkaroon ng blood test at liver function test.
Tips that will help you fight fatty liver disease
Seryosong kundisyon ang pagkakaroon ng fatty liver. Dahil diyan ay narito ang ilang tips na maaaring i-try upang maiwasan ang naturang medical condition.
- Pagkakaroon ng healthy diet sa bawat meals tulad ng vegetables at fruits.
- Pag-iwas sa mga pagkaing may labis na salt at sugar.
- Ugaliing magkaroon ng regular na ehersisyo upang makaiwas sa obesity o labis na timbang.
- Mag-take ng mga dietary supplements tulad ng vitamins at ibang herbal remedies na payo ng doktor.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!