Bumuhos ang luha sa reunion ng mag-ina na sina Dimples Romana at panganay niyang anak na si Callie Ahmee. Ilang buwan nang hindi nagkikita ang mag-ina dahil nasa Australia ngayon si Callie para mag-aral.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Surprise visit ni Dimples Romana sa kaniyang panganay na anak
- Dream of Callie Ahmee and how Dimples supports her
Surprise visit ni Dimples Romana sa kaniyang panganay na anak
Mahirap mawalay sa anak, at ‘yan ang dinanas ni Dimples Romana noong magtungo sa Australia ang kaniyang first born na si Callie para mag-aral. Last year ay kakatungtong lang sa age 18 ni Callie pero nahiwalay agad ito kela Dimples at sa kaniyang daddy na si Boyet Ahmee.
Kaya naman kwento ni Dimples, matinding homesickness ang kaniyang naramdaman buhat noong mahiwalay sa kanila si Callie. Dagdag pa ang feeling ni Dimples matapos ipanganak ang kaniyang third baby na si Elio noon lamang June.
“[Callie] is my first born, my rock, my anchor. And ever since she left for college and stay here in Australia, I’ve been having bad homesickness from not seeing her plus terrible postpartum blues pa.”
Wika ni Dimples Romana, tanggap na niyang matagal pa uli bago niya makita muli ang kaniyang panganay. At dumaraan din sila sa pagbabago dahil ang kaniyang second child na si Alonzo ay nag-aaral na sa ‘big school’.
“Basically all the odds were against Callie and I being together and I, being there for her for her milestones here as a student pilot.”
Larawan ay screenshot mula sa YouTube video ni Dimples Romana
Ngunit lahad ni Dimples Romana, nadinig ng Panginoon ang kaniyang dasal dahil muli na niyang nakita si Callie sa Australia.
Matagal na raw silang naghihintay ng kanilang Australian visa ng kaniyang mister na si Boyet. Sa nakalipas na linggo ay may tumawag sa kaniya na ang visa pa lang niya ang nailalabas.
Kaya naman napag-desisyunan nila na si Dimples Romana muna ang maunang bumiyahe para madalaw ang kanilang panganay na si Callie. May bagong milestone kasi sa buhay ni Callie, at ‘yon ay ang kauna-unahang flying training session nito.
Lahad pa ni Dimples, ayaw nilang maparamdam kay Callie na hindi na siya priority dahil sa bagong blessing sa kanilang pamilya.
“So we decided that I fly first, (but of course I cannot stay long, leaving na din in a few days for my boys. But ultimately we didn’t want Ate to feel that, just because a lot of things have been happening in Manila for our new family set up, that she wasn’t a priority anymore.”
Larawan mula sa Instagram account ni Dimples Romana
Naiintindihan din ni Dimples Romana ang pinagdadaanan ni Callie dahil siya rin ay naging panganay na anak. Kaya naman gusto niyang mairamdam kay Callie na importante siya sa kanila ng kaniyang mister.
“Ate din ako, panganay, at kadalasan even if I wanted to say I needed my family more, I won’t say it. Lagi ko kasing iniisip na Baka mas kailangan ng mga kapatid ko.”
“Hindi pa man din nagsasalita itong anak namin to. She’d rather keep it to herself that tell us she needs us.”
Ang kaniyang pagbisita kay Callie ay pagpapakita na kanilang bina-value ang lahat ng kanilang mga anak.
“So here’s [Boyet] and I making sure that ALL our children, regardless of age, milestones and locations, would ever feel they’re any less valued than their other siblings.”
Sa video, makikita ang pagbisita ni Dimples Romana sa pilot training academy na pinapasukan ng kaniyang panganay. Kita ang gulat sa expression ni Callie noong masulyapan ang kaniyang ina.
Bigla rin itong naiyak habang papalapit sa kaniya si Dimples. At kaagad itong yinakap, kung saan kitang miss ng mag-ina ang isa’t isa.
Dream of Callie Ahmee and how Dimples supports her
Si Callie ay nagtungo sa Australia para tuparin ang kaniyang pangarap na maging piloto. Enrolled siya sa kursong Bachelor of Business Major in Aviation Management sa Southern Cross University.
Kumukuha rin ng commercial pilot license si Callie.
Noong bumiyahe patungong Australia si Callie, nagbigay ng message si Dimples Romana para sa kaniyang panganay na anak. Pinakita ni Dimples Romana ang suporta niya kay Callie kahit hindi siya nakasama sa paghahatid dito sa airport dahil sa kaniyang work obligations.
Larawan mula sa Instagram account ni Callie Ahmee
“TODAY, we officially take the training wheels off. TODAY anak, I give you LOVE that sets you FREE, a kind of LOVE that LETS YOU BE, TODAY, you get to be on your own Ate.”
“I am beyond thrilled to watch you show everyone just what makes a Romana-Ahmee woman special.”
Sa latest Instagram post ni Callie, makikita ang ilang larawan sa kaniyang first flight. Nagtungo si Dimples sa Australia para i-encourage ang kaniyang anak sa unang beses na pagpapalipad nito ng eroplano.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!