Pinagmalaki ni Dimples Romana kung gaano siya ka-proud sa kanyang mga original na on-screen anak sa iconic drama series na “Maria Clara”.
Dimples Romana sa mga dating on-screen na anak na si Kath at Julia
“My Mara and Clara slaying life like the superstars they’ve always been and still having their feet deeply rooted on ground.” caption ng aktres sa isang instagram post nio.
Natuwa naman ang mga fans and social media followers ni Kathryn Bernardo at Julia Montes sa post ng Kapamilya actress. Kahit sikat na sikat na daw ang dalawa ngayon, super humble at grounded parin sila.
Sa caption ng post ni Dimple sa kanyang instagram, nagshare ito ng picture nilang tatlo.“Plenty changed but never how we are together, so grateful for you both. And SUPER DARN PROUD.”
Binandera talaga ni Dimples Romana kung gaano siya ka-proud sa dalawa. Kasunod ng kanyang naunang post, nagpost ulit ito ng magkahiwalay na picture kasama sina Kathryn at Julia.
“Oh what I’d give to work with you again my @montesjulia08 just to spend the whole day laughing and eating and sharing that most genuine and beautiful energy of yours!! Date soon. LOVE YOU,” caption niya sa kanyang post
Proud na proud si Dimples Romana kay Julia sa lahat ng narating nit.Alamin Dito |Larawan mula sa Instagram account ni Dimples Romana
“All we had were just big dreams, lots of prayers that we’ll survive and thrive in this business. Did simple things together, shot long days and nights, traded puppies, laughed about the silliest of things,” sabi niya sa kanyang caption patungkol kay Kathryn
Dagdag niya na, ang kanyang tiny little baby Kathryn ay isa na ngayong pinakamalaking artista sa showbiz. Simula 8 years old raw si Kath ay magkasama na sila kaya naman super proud ito sa narating ng anak-anakan.
Naging proud si Dimples kay Kathryn dahil simula pa lamang, super close raw ang dalawa pero never nagbago si Kath.Alamin Dito |Larawan mula sa Instagram ni Dimples Romana
Kahit daw busy ang aktres ay nagagawa pa rin nila ang kanilang favorite bonding moments.
“Still loving puppies, still laughing about the silliest things. Random messages on random days, still as sweet and lambing, and thoughtful. SAME VIBE, SAME heart, dreams achieved and all. Love you baby @bernardokath,” saad ni Dimples.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!