Dingdong Dantes ibinahagi kung paano siya sinurpresa ni Marian Rivera at mga anak sa kaniyang 43rd birthday.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Dingdong Dantes birthday celebration.
- Mensahe ni Marian Rivera kay Dingdong Dantes.
Dingdong Dantes birthday celebration
Nitong August 2 ay nagdiwang ng kaniyang 43rd birthday ang aktor na si Dingdong Dantes. Si Dingdong ibinahagi sa Instagram kung paano niya ipinagdiwang ang naging kaarawan na simple bagamat espesyal ayon sa kaniya. Ang misis niya kasing si Marian Rivera at kaniyang dalawang anak na sina Zia at Sixto ay sinurpresa siya ng special breakfast at karaoke medley sa umaga ng kaniyang birthday. Si Dong na-surprise at very happy sa umaga ng kaniyang birthday.
Larawan mula sa Facebook account ni Dingdong Dantes
“Embracing 43 with all the love and energy from my family! They surprised me with a beautiful breakfast and an early Karaoke medley— huwaw!! @marianrivera 😘”
Ito ang caption ng post ni Dingdong sa Instagram kalakip ang mga larawan na kung saan makikita na nakapajama pa si Marian. Habang ang mga anak nilang si Zia nag-eenjoy sa pagbirit sa videoke sa birthday morning celebration ng kanilang ama.
View this post on Instagram
Mensahe ni Marian Rivera kay Dingdong Dantes
Larawan mula sa Facebook account ni Dingdong Dantes
Hindi din naman syempre pinalampas ni Marian na magbigay ng mensahe sa mister na si Dingdong sa kaarawan nito. Ayon kay Marian, blessed at thankful siya na si Dingdong ang kaniyang asawa. Tinawag niya nga itong most amazing husband at good-soul partner. Dagdag pa ni Marian umaasa siya na mas marami pang masasayang taon silang magkasama ni Dingdong.
“Cheers to the most amazing husband on his special day! Happy birthday to the one who fills my life with love and happiness. I thank GOD every day for sending you into my life, my good-soul partner. Here’s to another year of laughter, adventures, and endless love. 🎉🎂 Mahal kita ng todo!#BlessedWithYou #LoveOfMyLife”
Ito ang mensahe ni Marian sa 43rd birthday celebration ng mister na si Dingdong Dantes.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!