Dingdong Dantes isa ng Lieutenant ng Philippine Navy

Panibagong achievement ng aktor na si Dingdong Dantes kinilala at pinarangalan ng Philippine Navy. Misis niyang si Marian Rivera super proud at supportive sa adhikain ng kaniyang mister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dingdong Dantes Philippine Navy position, Lieutenant na! Marian Rivera sinabing super proud sa achievements ng kanyang asawa.

Image from Marian Rivera’s Facebook account

Dingdong Dantes Philippine Navy

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ni Marian Rivera ang panibagong achievement ng kanyang asawa. Ang aktor ay na-promote bilang Lieutenant sa reservist group ng Philippine Navy.

Very proud na ibinahagi ni Marian ang balita kalakip ang mga larawan mula sa “donning of ranks” ceremony ng mister sa Philippine Navy. Sa caption nga ng kanyang post ay ito ang sinabi ng aktres: “Lieutenant Commander Jose Sixto G. Dantes III PN (Res). Super proud of my husband… Salute!”

Kasama ni Marian na dumalo sa special event na ito ng mister ay ang mga magulang at kapatid ni Dingdong. Super proud din sila sa achievement ng aktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Marian Rivera’s Facebook account

Ang paggawad ng bagong ranggo ni Dingdong Dantes ay isinagawa sa regular Monday flag raising ceremony ng Philippine Navy kahapon, January 27, sa Naval Station Jose Andrada Headquarters sa Maynila.

Ayon sa Philippine Navy, 2006 noong unang nag-training at nagpa-enlist si Dingdong bilang marine reservist. Nagpa-re-enlist siya noong 2017 sa Philippine Navy na may ranggong “Master Sergeant”. At kahapon ay na-promote siya sa ranggong “Lieutenant Commander”. Ito ay dahil sa kanyang hard work at effort na masuportahan ang adhikain at adbokasiya ng grupo.

Pagsali sa Navy reserve

Sa kanyang speech sa ginanap na donning of ranks ceremony ay ibinahagi ng aktor ang dahilan kung bakit siya sa sumali sa Navy reserve. Ito ay upang makatulong umano sa adhikain ng mga sundalong nagpapanatili sa kaligtasan ng kanyang pamilya at mahal sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I am a soldier, a reservist because I would like to volunteer. To help those who help keep my family and my loved one safe. To my mind, being a reservist, being a soldier, is about enabling others to pursue their own dreams in a secure and safe environment.”

Image from Marian Rivera

Pero paliwanag pa ng aktor, hindi naman kailangan ng uniporme para makapagsilbi sa bayan. Nasa pribadong sektor man o sa gobyerno bawat Pilipino ay may pusong bayani. At lahat ay maaring tumulong sa ating bayan at kapwa sa lahat ng oras.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nasa gobyerno ka man o pribadong sector, may katungkulan man o karaniwang namamasukan, sundalo man o isang actor, tangan natin ang ‘puso’ ng isang bayani. So whatever uniform we may be in today, let’s not forget to put our strongest hearts and commit ourselves to be heroes in our own ways.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Dingdong Dantes sa kanyang speech.

Dingdong Dantes Philippine Navy achievement

Maliban sa promotion ay nabigyan din ng parangal at pagkilala si Dingdong Dantes sa kontribusyon niya sa Navy reserve. Kasama ang aktor na si Rocco Nacino na kabilang din sa reserve force. Ginawadan sila ng Military Merit Medal ng Philippine Navy. Ito ay dahil sa kanilang matagumpay na pagsasagawa at pamumuno sa humanitarian assistance at disaster response ng Philippine Navy reserve sa nangyaring pagputok ng Taal volcano kamakailan lamang. Matagumpay na naisagawa ito ni Dingdong Dantes sa tulong ng Yes Pinoy Foundation na pinamumunuan at sinimulan niya.

Volunteer works

Sa ginawang relief operations ay nakapamahagi ng 1,000 relief packs ang Philippine Navy at Philippine Marines. Ito ay ipinamigay sa mga evacuation centers sa Pastoral Center, Canda, Tanggoy at Patugo, Balayan, Batangas. Maliban sa bigas, pagkain, kumot at masks ay namigay din ng mga damit ang grupo ni Dingdong sa Taal Volcano eruption evacuees.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lubos namang pinasalamatan ng Philippine Navy ang tulong at suportang ibinibigay ng mga navy reservist na tulad ni Dingdong Dantes. Mahalaga daw ang ginagampanan nilang papel bilang force multipliers. Dahil nagsasagawa sila ng medical at civic action programs. Pati na sa humanitarian assistance at disaster response ng Hukbong Dagat ng Pilipinas. Lalo pa’t ginagawa nila ito sa kabila ng busy schedule ng kinabibilangan nilang propesyon.

Samantala, tulad ni Dingdong Dantes ay may iba pang Filipino celebrities ang kabilang din sa reservist group ng Philippine Navy. Tulad nalang ng mga beteranong aktor na si Christopher De Leon at Richard Gomez. Habang ang iba naman ay kabilang sa reservist group ng Armed Forces of the Philippines o AFP. Ilan sa kanila ay sina Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, at star-for-all-seasons Vilma Santos.

 

SOURCES:

Manila Bulletin, Philippine Navy,

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marian and Dingdong on how to keep “kilig” alive

Mega Prime renews Marian Rivera as its ambassador and launches Prime Mom Club Rewards program

Anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Ziggy bininyagan na!