Anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Ziggy bininyagan na!

Anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Ziggy bininyagan na!

Alamin dito kung sinu-sino ang mga naging ninong at ninang ni baby Ziggy nila Dingdong Dantes at Marian Rivera sa nangyaring binyag nito.

Welcome to the Christian world, Ziggy Dantes!

Bininyagan na nga ang baby Ziggy nila Dingdong Dantes at Marian Rivera kahapon ng Linggo, ika-28 ng Hulyo sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish Church, Makati City.

Pinangasiwaan ni Father Tito Caluag ang nagagap na binyag ng Dong-Yan.

 

"Welcome to the Christian world"

Masaya ngang ipinagdiwang ng Team Dantes—Dingdong, Marian, at ang panganay nilang si Zia ang binyag ng kanilang baby Ziggy.

Sa naturang Instagram post nga ng Kapuso actress Marian Rivera aniya, "Welcome to the Christian World mahal ko. Te quiero mucho Mi Hijo! ❤️ #SalamatAmaSaBiyayaAtPagpapala ??"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

 

Ninong at ninang

May mga ilang kilalang personalities ang ginawang godparents ni Ziggy Dantes.

Isa nga sa mga naging ninong ni Ziggy ay ang ABS-CBN host na si Kuya Kim Atienza na mahilig din sa motorbikes tulad nga ni Dingdong Dantes.

Ani nga ni Kuya Kim sa kaniyang Instagram post, "May the Lord continue to shine His face on you baby Sixto! Welcome to the Christian world!"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza) on


Ninong din ang Kapuso actor na si Paolo Contis, kung saan kasama niyang dumalo ang kaniyang pamilya—LJ Reyes, Aki, at baby Summer.

Anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Ziggy bininyagan na!

Anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Ziggy bininyagan na!

Kung mapapansin din sa Instagram stories ng aktor na si Paolo, dumalo rin si Richard Gutierrez na isa rin sa mga ninong ni Ziggy Dantes. Magkumpare na ngang buo si Dong at Chard, sapagkat inaanak naman ni Dong ang bunsong anak ni Chard na si Kai.

Ninong rin ang GMA-7 comedian na si Boobay at ang TV commercial director na si Sid Maderazo.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by boobay7 (@boobay7) on

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Sid Maderazo (@sidmaderazo) on

Double celebration

Sa reception ng binyag ni baby Ziggy, neon-themed nga ang napiling theme para dito at ginanap ito sa Versus Barcade.

Anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Ziggy bininyagan na!

Naging double celebration din ito para kay Dingdong Dantes na magbi-birthday sa ika-2 ng Agosto, kung saan mag-39 years old na siya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by ???????? ??❤️ (@dyzsuperfan) on

Ilan pa sa mga dumalo sa naturang pagdiriwang ay ang opera singer, actress, at producer na si Ana Feleo, celebrity event planner na si Teena Barretto—na mismong nangasiwa ng reception ni baby Ziggy, make-up artist at hairstylist na si Bambi Fuentes.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Ana Guillen Feleo (@anagfeleo) on

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Ana Guillen Feleo (@anagfeleo) on

Basahin: Marian Rivera, nag-donate ng breast milk sa mga preemie babies

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner