Ang DPT vaccine para sa diphtheria, pertussis, at tetanus ay ibinibigay ng intramuscular para maprotektahan ang sanggol mula sa 3 uri ng sakit na nabanggit. Ang unang injection ay sa unang 6 na linggo pagkapanganak, at may puwang o interval na 4 na linggo bago ibigay ulit ang ikalawa at ikatlong dose. Maaaring may ika-apat na dose pagdating ng 12 buwan o isang taon ng bata, kung 6 na buwan na ang lumipas mula ng ibigay ang ikatlong dose.
Isa ito sa mga rekumendadong mga bakuna para sa baby.
Sa kasamaang palad, pinili ng magulang ng isang 14-buwang baby girl na hindi ito pabakunahan ng DPT vaccine. Ang naging resulta? Ang pagkamatay ng bata sa sakit na diphtheria.
Baby girl
Dalawang linggo na ang nakakaraan mula ng magsimulang magkaroon ng lagnat at sore throat ang baby girl mula sa Malaysia. Matapos ang isang linggo, nagpasya ang mga magulang nito na patignan na ang bata sa isang clinic. Hindi bumuti ang lagay nito.
Kinabukasan, nahihirapan na ang baby na huminga. Humina na rin ito sa pagkain. Minabuti ng magulang na dalihin na ito sa emergency room ng ospital. In-admit ang bata sa pediatric ward at kinalaunan ay sa PICU (pediatric intensive care unit). Patuloy kasi ang pagbagsak ng katawan nito at kinailangan na ng respiratory aid para makahinga.
Nitong Lunes, pumanaw ang baby dahil sa pinaghihinalaang sakit na diphtheria at dahil sa multi-organ failure.
Sumailalim sa throat swab test ang bata para malaman kung mayroon siyang corynebacterium diphtheriae bacteria na nagiging sanhi ng diptheria. Hinihintay pa ang pinal na resulta ng test.
Ano ang diphtheria?
Ang diphtheria ay isang bacterial infection na nakaka-apekto sa mucous membranes ng lalamunan at ilong, ayon sa Healthline. Sanhi ito ng bacteria na Corynebacterium diphtheriae na naipapasa ng mga taong mayro’n nito sa iba sa pamamagitan ng contact sa mga bagay na nahawakan nito o di kaya’y kapag bumahing, umubo o suminga sila malapit sa ibang tao.
Ang diphtheria na bacteria ay karaniwan na nananalagi sa ilong at lalamunan. Kapag nadapuan ka ng bacteria na ito, naglalabas na agad ng toxins ang bacteria sa katawan ng nahawaan. Kumakalat ang toxins sa dugo. Kalimitin magkakaroon ng gray coating ang ilang parte ng katawan katulad ng:
- ilong
- lalamunan
- dila
- airway
Sa ilang kaso, pinipinsala ng toxins ang mga organs tulad ng puso, utak at kidneys. Maaari itong magdulot ng malalang sakit katulad ng myocarditis, paralysis, at kidney failure. Kaya lubos na importante na magpatingin agad kapag nakikitaan ng sintomas ng diphtheria dahil maaaring ikamatay ang sakit na ito.
Sintomas ng diphtheria
Lumalabas ang sintomas ng diphtheria sa loob ng dalawa hanggang limang araw mula ng magsimula ang impeksyon. Ang ilan ay hindi agad makakaramdam ng mga sintomas na ito; ang ilan din ay maaarig mild symptoms lamang na kaparehas ng karaniwang sipon.
Ang pinakakaraniwang sintomas nito ay ang makapal na gray coating sa lalamunan at tonsils. Ang ibang sintomas ay ang sumusunod:
Maaaring magkaroon ng karagdagang sintomas katulad ng hirap sa paghinga, panlalabo ng mata, slurred speech o di kaya’y pamumutla habang tumatagal ang impeksyon.
Gamot sa diphtheria
Lubos na kailangan na matignan agad kung may sintomas ng diphtheria dahil kinakailangan agad na mapuksa ang toxins nito sa katawan. Bibigyan ang pasyente ng antitoxin na bakuna para labanan ang mga toxins.
Paalala sa mga magulang: maiiwasan ang nakamamatay na sakit na ito sa pamamagitan ng bakuna. Siguraduhing updated parati ang mga bakuna ni baby upang makaiwas sa sakit.
Source: New Straits Times, Healthline
Basahin: Bakuna 2018: Importanteng vaccines sa unang taon ni baby