Divorce bill sa Pilipinas aprubado na sa Kongreso. Susunod na pagdadaanan ng panukalang batas ay sa Senado. Pero ano nga ba ang nilalaman ng panukalang batas na ito?
Mababasa dito ang sumusunod:
- Divorce bill sa Pilipinas.
- Ano ang nilalaman ng panukalang batas.
Divorce bill sa Pilipinas
Larawan mula sa Shutterstock
Kahapon, May 22 ay lusot na sa Kongreso ang absolute divorce bill na isinusulong ni Albay Representative Edcel Lagman. Ang naturang batas na kilala rin sa tawag na House Bill No. 9349 o the Absolute Divorce Act ay umani ng 126 na boto mula sa mga mambabatas na sumasang-ayon dito. Habang may 109 naman ang nagpahayag ng kaniyang “no” o pagtutol sa batas, at 20 mambabatas ang piniling mag-abstain sa pagdedesisyon.
Si Rep. Lagman masaya sa naging development ng kaniyang panukalang batas. Lalo pa’t sa buong mundo ay isa sa dalawang bansa ang Pilipinas na hindi parin pabor sa pagdidiborsyo.
Ano ang nilalaman ng panukalang batas
Larawan mula sa Shutterstock
Pagpapaliwanag pa ni Rep. Lagman, ang panukalang batas ay hindi madaliang pagsasawalang bisa ng kasal ng dalawang tao. Ito ay may pagdadaaang proseso. At dapat mayroon ring grounds o matibay na dahilan na maipapakita ang mag-asawa kung bakit kailangan silang mag-divorce. Ang mga dahilang ito ay maaring isa sa mga sumusunod:
- psychological incapacity.
- irreconcilable differences.
- domestic o marital abuse.
- kung isa sa mag-asawa ay sumailalim sa sex reassignment surgery o nagpa-sex change.
- paghihiwalay ng mag-asawa ng higit sa limang taon.
- Fraud.
- Force intimidation.
Kabilang din sa mga dahilang kinikilala ng panukalang batas ay mga grounds sa annulment na nakasaad rin sa Family Code of the Philippines.
Larawan mula sa Shutterstock
Ayon sa batas, ang mga nais ng magpadiborsyo ay magpa-file sa proper family court sa loob ng sampung taon mula ng ma-dsikubre ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay. Ang family court ay gagawin muna ang lahat para tuluyang pag-ayusin ang mag-asawa. Sila ay bibigyan rin ng mandatory 60 day cooling-off period para makapag-isip kung final na ang desisyon nila. Pero ang cooling-off period na ito ay hindi applicable sa mga kasong may kaugnayan sa pang-aabuso sa bata o asawa. O kaya naman sa mga mag-asawa ng higit sa limang taon ng hindi nagsasama sa iisang bubong. Kung ang desisyon ng mag-asawa ay final na isawalang bisa ang kanilang kasal ay doon palang masisimulan ang kanilang pagdidiborsyo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!