Divorce bill dito sa Pilipinas, dapat nga bang maipasa? Alamin dito ang komento at opinyon ng mga magulang.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Poll tungkol sa divorce bill dito sa Pilipinas.
- Opinyon ng mga magulang sa panukalang batas.
Poll tungkol sa divorce bill dito sa Pilipinas
Mainit na usapin ngayon sa bansa ang pagpasa ng panukalang batas sa divorce o divorce bill. Bagamat marami ang sumusuporta na maisabatas na ito ay marami rin naman ang tutol dito.
Para malaman ang opinyon ng ating mommies at daddies sa pagpasa ng panukalang batas ay nagsagawa tayo ng poll. Nasa 74% ng bumoto ang nagsabing pabor sila ng maipasa ang divorce bill sa bansa. Ilan sa mga dahilan nila kung bakit ay ito.
“Ako ay naniniwala na ang pagsasabatas ng Divorce Bill ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagbibigay ng karapatan at kalayaan sa mga taong nasa hindi kanais-nais na sitwasyon sa kanilang pamilya.”
“Bilang isang ina at may karanasan sa pagiging magulang, mahalaga sa akin na magkaroon ng pagkakataon ang mga taong nasa mapang-abusong relasyon na makalabas at magsimula ng panibagong buhay para sa kanilang sarili at sa kanilang mga anak.”
Ito ang opinyon ng isang TAP mom na nagngangalang si Christy.
“I have a responsible, caring, and loyal husband, so I don’t see myself getting a divorce. However, I do support having the option of divorce. Why? I’ve seen many spouses who are abused or cheated on and they deserve to leave those situations. Just because there is a divorce bill doesn’t mean every marriage will end.”
Ito naman ang opinyon ni Nylana na member ng ating TAP community.
Opinyon ng mga magulang sa panukalang batas
Samantala, mayroon ring tutol na maisabatas ang divorce bill. Ito naman ang sari-sari nilang dahilan kung bakit.
“Hindi ako agree sa divorce bill. Para saken responsibility ng mga tao na kilalanin muna ng husto ang “gusto” nilang makasama sa buhay..bago cla mismo pumasok sa pag.aasawa..tao ang dapat mg.adjust at hindi ang batas ng kasal(simbahan man o huwes).”
“I am against about divorce. Maraming masisirang pamilya dahil tinotolerate nila ang paghihiwalayan. That’s why andun yung boyfriend and girlfriend stage to know more about your partner if he/she will be a good partner for you. Sobrang sacred ng marriage kaya before magpakasal pag isipan ng 1000x.”
Ikaw anong opinyon mo sa panukalang batas? Dapat nga bang ipasa o hindi ang divorce bill? Makiisa at iparating sa amin ang iyong komento at opinyon.