Divorce in the Philippines debate patuloy pa rin. Bilang natitirang bansa, kung saan hindi pa legal ang divorce, mainit pa rin ang debate kung dapat bang ipasa-batas ito. Bukod kasi sa Vatican, tayo na lang ang bansang hindi nagle-legalize pa ng divorce.
Divorce Law in the Philippines
Inaprubahan sa House of Representatives ang divorce bill. Sa hearing na naganap kasama ang House Committee on Population and Family Relations, inaprubahan ng panel ang House Bill 100 o ang Absolute Divorce Bill of 2019.
Matatandaang inihain ni Albay 5th District Rep. Edcel Lagman ang HB 100 noong July ng nakaraang taon. Ang kanyang punong layunin sa pagpo-propose ng House Bill na ito ay hindi para sirain ang family values ng mga Pilipino. Sa tingin nga raw niya ay makatutulong pa ito para pagtibayin ang mga mag-asawa.
“Yes, divorce may be distressing but it is far from a death sentence. In fact, it can often save people from relationships and situations that can inflict more long-term emotional, psychological and physical damage.” Pahayag ni Lagman.
Sa nasabing hearing ng technical working group na pinamumunuan ni Lagman, hati pa rin ang opinyon ng mga miyembro nito. Ang ilan ay nagsasabing ibahin na lang ang tawag sa naturang bill, respeto na rin para sa mga faith-based people. Hanggang sa nauwi nga sa diskusyon na bakit hindi na lang pag-igihin ang kasalukuyang annulment law.
Absolute Divorce Bill of 2019
Ayon kay Lagman, “absolute divorce shall be judicially decreed after the fact of an irremediably broken marital union or a marriage vitiated from the start.”
Hindi ito katulad ng konsepto na iniisip ng ilan tulad ng “drive-thru” divorce o iyong mabilisang divorce na walang mabigat na basehan.
Para naman magkaroon ng middle ground sa debate na ito, bumuo ng technical working group. Ito ay para pagsama-samahin ang mga proposals ng iba’t ibang representatives. At para rin ito ay ma-finalize bago dalhin sa plenary discussion.
Ang ilan sa mga representative na kasali sa TWG ay sina Gabriela Rep. Arlene Brosas, A Teacher Party-list Rep. Victoria Umali, Negros Occidental Rep. Juliet Ferrer, at Bukidnon Rep. Ma. Lourdes Acosta-Alba.
Ang reaksyon ng mga religious groups
Ayon kay CIBAC Partylist Representative Bro. Eddie Villanueva, “what we really need is to improve the annulment process and make it pro-poor in terms of cost and time. It may necessitate an executive action or a legislative one, but certainly not a divorce bill.”
Para sa kanya, hindi sapat ang grounds para gawing batas ang Absolute Divorce Bill sa bansa. Aalisin lamang daw nito ang halaga ng kasal para sa atin.
Samantala, nakapasa man sa third at final reading ang lumang version ng Absolute Divorce Bill sa House of Representatives, hindi naman ito naaprubahan sa Senado.
Ano nga ba ang divorce?
Kung sakaling maging legal ang divorce dito sa Pilipinas, layunin nito na maging pro-women. Ibig sabihin ay mas bibigyan nito ng halaga ang mga babaeng nasa isang abusive relationship.
Layunin din nitong maging mas accessible para sa mga taong hindi na talaga maaayos ang pagsasama.
BASAHIN: Annulment vs divorce: Ano nga ba ang pinagkaiba?, This divorce predictor test has a 100 percent accuracy rate
SOURCES: Inquirer, Philippine News Agency, CNN