Divorce sa Pilipinas, bakit nga bang mahalagang pag-aralan ito para sa kapakanan ng mga Pilipino?
Absolute divorce sa Pilipinas
Nitong January 14 ng kasalukuyang taon ay naghain ng panukala si Sen. Risa Hontiveros na ma-legalize ang absolute divorce sa Pilipinas.
Sa ilalim ng Senate Bill 2134 o Divorce Act of 2019, ang divorce o legal separation ay maaring i-file ng mag-asawa kung ito ay dahil sa physical violence at grossly abusive conduct.
Una ng sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya susuportahan ang panukalang ito dahil tutol umano ang kaniyang anak na si Sara Duterte dito. At ilang senador na rin ang nagpahayag ng pag-tutol sa sinusulong na batas.
Ngunit nito lamang nakaraang linggo ay nagsalita si Sen. Vicente “Tito” Sotto na handa na ang senado para pag-usapan ang tungkol sa divorce sa Pilipinas.
“Pag-usapan natin, tingnan natin kung ito (divorce) ay mas magandang version ng annulment, at hindi naman makakasagasa sa mga panuntunan ng simbahan at mga ibang relihiyon, open tayo sa mga panukala nila,” ito ang pahayag ni Sotto sa isang radio interview.
“Talagang very debatable pero panahon na sigurong pag-usapan,” dagdag pa ni Sotto.
Layunin ng pagpapasabatas ng divorce sa Pilipinas
Samantala, patuloy na isinusulong ni Sen. Risa Hontiveros ang batas ng divorce sa Pilipinas. Ito daw ay para mabigyan ng tiyansa ang mga kababaihang biktima ng pang-aabuso ng kanilang asawa na makapag-simula muli at tuluyang makaalis sa relasyon na hindi na sila masaya.
“It has been well-documented that the absence of a divorce law has had disproportionate effects on women who are more often victims of abuse within marriages, and who are forced to remain in joyless and unhealthy unions because of the dearth of legal options,” sabi ni Hontiveros.
“It is a duty that should extend to circumstances whereby this well-being compromised by the inability to break free from irremediably broken marriages and start anew in healthier family and living arrangements”, dagdag pa niya.
Bagamat sinasabi ng Senadora na naniniwala siya na kailangang pahalagahan ang kasal para sa isang buong pamilya, kailangan din daw bigyan ng pansin ang kapakanan at ma-proteksyunan ang sinumang nakakaranas ng pang-aabuso na may kaugnayan dito.
Dagdag pa niya, hindi lang daw ito makakabuti sa mag-asawa na hindi na maganda ang pagsasama ngunit pati narin sa mga anak nila.
“It is the duty of the State to save children for the pain, stress, and agony of witnessing regular marital clashes with no end in sight,” dagdag na pahayag ni Hontiveros.
Grounds para makapag-file ng divorce
Si Hontiveros ay ang chairman ng Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality. At ayon sa kaniya ay patuloy na dumadami ang bilang ng mga Pilipinong mag-asawa na naghihiwalay sa pagdaan ng panahon. Isang patunay na hindi nakakatulong ang hindi pagsusulong ng batas para masagip o mabuong muli ang isang pamilya.
“This demonstrates that the denial of legal remedies to those seeking to dissolve their union has largely been ineffective way of upholding the policy of the State to keep families together,” sabi pa ni Hontiveros.
Sa ilalim ng isinusulong na batas ng divorce sa Pilipinas, ang mga sumusunod na dahilan ang maaring maging grounds para makapag-file ng absolute divorce ang mag-asawa:
- Psychological incapacity ng isa sa mag-asawa,
- Paglabag sa Violence Against Women and their Children Act
- Marital rape o pangre-rape ng respondent-spouse sa petitioner-spouse bago ang pagpapakasal
- At irreconcilable differences o irreparable breakdown ng marriage kahit sinubukan na itong ayusin
- Higit limang taon ng hindi pagsasama ng mag-asawa
At kapag naaprubahan ang divorce petition ng mag-asawa ay babalik sila sa status na single at may karapatang makapag-asawa uli ng iba.
Source: ABS-CBN News, Inquirer, Asian Journal
Photo: Freepik
Basahin: Dapat bang magsama pa rin ang miserableng mag-asawa para lang sa mga anak?