Nag-iisip ka na rin ba ng ireregalo sa mga mahal mo sa buhay sa paparating na Pasko? Ikaw ba ‘yong tipo na gusto mong may personal touch mo ang ibibigay mong regalo? Maaaring makatulong sa iyo ang listahan namin ng DIY Christmas gift ideas na ito.
DIY Christmas gift ideas: Photo book
Kung sentimental ang taong bibigyan mo ng regalo, magugustuhan niya ang DIY Christmas gift ideas na ito. Photo book! Mula sa cover hanggang sa maliliit na detalye ay maaari kang makapaglagay ng maraming memories.
Larawan mula sa Shutterstock
Paano ba gawin ang DIY Photo book?
- Mamili ng mga picture na nais mong ilagay sa photobook. I-print ang mga napiling larawan. At i-organize ito sa nais mong display order. Maaari mong lagyan ng numbers ang likod ng picture upang hindi ka malito kapag ginawa mo na ang photobook. Mabuti ring pumili ng mga larawan na nais mong ilagay sa cover ng album.
- Mag-isip ng format ng DIY photo book mo. Maaaring gumamit ng papel, reused cardboard, unused notebook, newspapers, at colored sheets.
- I-bind ang pages ng mga papel na gagawin mong photo book. Kung unused notebook ang gagamitin mo, hindi mo na kailangang i-bind ito. Pwedeng gumamit ng sinulid at karayom sa pagtatahi ng mga pahina. Pwede ring maglagay ng mga butas sa bawat pahina at pagsama-samahin ito sa pamamagitn ng paglalagay ng string o tali.
- Ilagay ang mga picture sa bawat pahina.
- Lagyan ng dekorasyon. Puwedeng lagyan ng drawings, texts, collage, stamp, ink, stickers. Malaya kang ilagay ang mga decoration na gusto mo at akma sa pagbibigyan mo.
- Lagyan ng cover ang DIY Photo book. Pwedeng gumamit ng leather, fabric o kaya naman ay plastic cover.
DIY Christmas gift ideas: Custom Calendar
Maganda ring iregalo ang personalized calendar. Lalo na at magsisimula na ang panibagong taon. Tiyak na magagamit ng sinomang pagbibigyan mo ang kalendaryo. Gawin mo lamang na espesyal ang calendar na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong personal touch. Puwede mong lagyan ng funny photo o magsulat ka ng custom message sa bawat buwan. Para mapangiti mo ang mahal mo sa bawat pag-flip nila ng pahina.
Customized quote pillow
Larawan mula sa Shutterstock
Maaaring mag-costumized ng pillow o unan. Lagyan ng uplifting quotes ang punda o pillowcase nito. Pwede ring maglagay ng pictures para mas personal. Pumili lamang ng kulay, quotes, at disensyo na akma sa pagbibigyan mo ng Christmas gift na ito.
DIY Christmas gift ideas: Personalized Tote bag
Puwede kang magtahi ng tote bag na ireregalo mo sa kung sino man sa Pasko. Pumili lamang ng fabric na tutugma sa style ng taong pagbibigyan mo. Puwede ka ring bumili ng plain tote bag at lagyan ito ng disenyo na angkop din sa personality ng reregaluhan.
Larawan mula sa Shutterstock
Personalized mousepad
Dahil digital era na talaga tayo at marami nga sa atin ay naka-work-from-home, puwedeng-puwede mong ipanregalo ang mousepad. Maaari kang magpagawa ng personalized mousepad. Puwede mong lagyan ng quotes na makakarelate ang iyong pagbibigyan. O kaya naman ng picture na magpapaalala sa kaniya ng masasayang sandali. Kung malaki-laki ang budget, pwede mo na rin samahan ng mouse ang regalo mo para full package na.
Mommy and daddy, ano mang regalo ang maisipan mong ibigay tandaan na ang pinakamahalaga pa rin ay maiparamdam mo sa taong pagbibigyan mo ang pagmamahal at pagpapahalaga, na siyang tunay na diwa ng Pasko.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!