DIY dollhouse, ito ang naisip na regalo ng isang ina sa kaniyang anak ng ito ay mag-birthday. Kung mahilig sa Barbie dolls ang anak mo, perfect ang artikulong ito para sayo.
DIY dollhouse bilang regalo
Mukhang mahirap kung iisipin, pero nagawa ito ng isang ina mula sa Parañaque City. Siya si Mommy Riza Gamaya, 38-years old, at mayroong tatlong anak.
Kwento ni Mommy Riza, nagsimula ang ideya niyang gumawa ng DIY dollhouse ng humiling ang kaniyang bunsong anak na babae ng dollhouse para sa kaniyang 6th birthday. Wala din daw siyang alam sa pagkakarpentero pero nakatulong si Mareng Google at Pareng YouTube para magawa niya ito.
“My youngest daughter has been requesting from us to buy her a dollhouse for her 6th birthday but since I am a DIY enthusiast, naisip kong gumawa na lang ng dollhouse nya. I have zero knowledge in carpentry kaya nagresearch ako about the basics in Google and YouTube then I was able to create a dollhouse for her.”
Ito ang pahayag ni Mommy Rizza na isa ding Barbie doll lover at collector. Kaya naman daw hindi na nakakapagtaka na namana ito ng dalawang anak niyang babae.
Mukhang very sophisticated at mamahalin kung titingnan, ang DIY dollhouse na gawa ni Mommy Riza. Pero ito daw ay binubuo ng mga recycled materials na kung saan karamihan ay mga lumang laruan at gamit nila sa bahay. Ilan nga sa materials na ginamit niya dito ay jenga blocks, takip ng deodorant at ref magnets.
DIY project: Perfect activity para makapag-bonding ang pamilya
Sa kabuuan ay gumastos lang daw ng kulang-kulang P4,000 si Mommy Riza para sa DIY dollhouse na ito. Pero maliban sa nakatipid, naging magandang paraan daw ito para kay Mommy Riza at sa kaniyang anak na makapag-bonding. At para mai-train narin ang kanilang creativity.
“What I love most about this DIY Project is that my kids really enjoyed doing their part to complete the dollhouse-from planning to sorting their old stuffs, painting and organizing the furnitures. It was a fun learning experience saming lahat. Maganda din syang bonding tuwing hapon pagkagaling nila ng school.”
Hindi nga lang din daw nag-enjoy ang kaniyang anak sa DIY dollhouse gift na ginawa nila. Super happy din daw ito sa kinalabasan ng pinagtulung-tulungan nilang gawin. Kahit nga daw ito ay marami ng naiisip na gawin sa iba pa niyang lumang laruan.
“Masaya syang nakikita na unti-unting natatapos ang dollhouse nya. Nagbibigay dn sya ng idea kng ano ang maaari naming gawin sa mga lumang laruan nila para maging gamit ng mga Barbie Dolls nya.”
Tumagal man ng halos apat na buwan ang paggawa sa kaniyang DIY dollhouse, very worth it naman daw ang oras na iginugol niya dito. Kaya naman, ini-encourage niya ang iba pang parents na subukan ring gumawa ng kanilang DIY projects. Dahil maliban sa nakakatipid dito, isa din daw itong paraan para mag-distress.
Nang tanungin nga kung ano ang susunod niyang DIY project. Ito ang naging sagot ni Mommy Riza.
“The Barbie Tower 2 soon!!! we’re planning to put an office, a supermarket and a school for her Barbie dolls”, excited na pahayag ni Mommy Riza.
Na-inspire ka ba sa creativity ni Mommy Riza? Bakit hindi mo ito subukan at gawin kasama ang anak mo.
DIY-loving mom shares how to make your baby a playpen for only P1,000!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!