14-anyos, patay matapos sumabog ang ginawang DIY popcorn maker

Narito ang mga paraan para makasiguro kang hindi makakanood ng harmful videos ang iyong anak online.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

DIY popcorn maker na sumabog ang naging sanhi ng pagkamatay ng isang 14-anyos na dalagita mula sa China. Sumabog na popcorn maker gawa sa recycled na lata ng soft drinks.

Image from AsiaOne

Sumabog na DIY popcorn maker

Ayon sa mga report, ang 14-anyos na dalagitang nasawi dahil sa sumabog na popcorn maker ay kinilalang si Zhou. Nagtamo siya ng 96% burns sa kaniyang katawan. Habang ang kaibigan niya namang 12-anyos na kinilalang si Peng ay nakaligtas at nasa maayos na kalagayan.

Base sa ginawang imbestigasyon, napag-alaman umano ng dalawang dalagita ang tungkol sa DIY popcorn maker sa isang viral video online.

Isinagawa nila ang DIY popcorn maker sa pamamagitan ng paglalagay ng corn kernels sa loob ng isang empty aluminum can. Habang may isang aluminum can naman ang ginupit upang patungan ng lata na may laman ng corn kernels.

Ang ginupit na aluminum can ang nagsilbing kalan para maluto ang corn kernels. Nilagyan nila ito ng alcohol saka sinindahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit nagkamali ng tantiya ang mga dalagita at napasobra ang alcohol na inilagay nila. Dahilan upang sumabog ang ginawa nilang DIY popcorn maker at magtamo sila ng paso na ikinamatay ng isa sa kanila.

Image from AsiaOne

Agad namang naidala sa ospital ang dalawang dalagita. Ngunit, dahil sa sobrang pasong natamo sa katawan ay nasawi si Zhou dalawang linggo matapos ang aksidente.

Pinagayahang video clip online

Dahil sa istilo ng pagkakagawa ng DIY popcorn maker ay inisip ng mga netizen na nakuha ng dalawang dalagita ang ideya sa influencer na si Office Chef Ms Yeah.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit pinabulaanan ito ni Ms Yeah at sinabing ibang video ang pinag-gayahan ng dalawang dalagita. Dahil sa version niya ay gumamit siya ng tea warmer para lutuin ang corn kernels.

Ayon sa kaniya, bago pa man siya gumawa ng video tungkol sa DIY popcorn maker noong 2017 ay may nauna ng video ang nakita niya na gumamit ng parehong aluminum can sa pagluluto ng popcorn. Katulad na katulad ito ng ginawa nina Peng at Zhou.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from AsiaOne

Ngunit, magkaganoon man nangako si Ms Yeah na tutulungan si Peng sa pagpapagamot ng natamong injury sa nangyaring aksidente.

Mga paraan para makasigurado na ligtas ang mga videos na napapanood ng iyong anak online

Para makasigurado na ligtas ang napapanood ng iyong anak online ay may mga paraan kang maaring gawin.

1. Pagrerestrict sa inyong router ng mga video sites.

Una sa mga ito ay ang pag-rerestrict sa inyong router sa mga sites tulad ng Youtube at Vimeo. May pagka-technical man ngunit isa ito sa pinaepektibong paraan para hindi makanood ng video online ang iyong anak na maari niyang ikapahamak. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagset-up ng “Access Restrictions” ng iyong router. Para ikaw ay magabayan na gawin ito ay maaring makipag-ugnayan sa iyong internet provider sa option na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Pag-activate ng parental control settings ng iyong gadgets at computers.

Isang tool din sa mga gadgets at computer na maari mong gamitin para ma-restrict ang iyong anak sa pag-access ng video sites ay sa pamamagitan ng parental control settings. Tulad ng restriction sa iyong router ay pinipigalan ng option na ito ang gadget at computer ng iyong anak sa mga sites na ipinagbabawal mo.

3. Pag-activate ng YouTube parental control settings.

Ang YouTube ay may built-in parental control settings na maari mo ring i-activate. Hindi nito hinahayaang mabuksan ng manonood ang isang video na itinuturing ng site na inappropriate. Ngunit may ilang paraan para malusutan ito ng iyong anak sa pamamagitan ng paglog-out sa account na naka-activate ang parental control settings at maglog-in bilang guest.

4. Makipag-communicate sa iyong anak.

Para mas maintindihan ng iyong anak ang iyong layunin ay kausapin sila tungkol dito. Sabihin sa kanila ang mga websites na hindi dapat nila buksan at bakit mo ito ipinagbabawal. Makakatulong rin ang pagkakaroon ng ground rules sa inyong tahanan patungkol sa pag-access ng internet. Para naman mas maintindihan mo ang tungkol sa patakbo ng internet ay mabuti ring maglaan ng oras para mapag-aralan ito. Ito ay para makaisip ka ng iba pang paraan para masiguradong ligtas ang mga content na nakikita o napapanood ng iyong anak online. At maging panatag ang loob mo na hindi sila matutulad sa nangyari kay Peng at Zhou.

Source: AsiaOne

Photo screencapped from: Youtube

Basahin: Paggamit ng internet ng mga bata, dapat tutukan ng magulang

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement