X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Paggamit ng internet ng mga bata, dapat tutukan ng magulang

3 min read
Paggamit ng internet ng mga bata, dapat tutukan ng magulang

Ayon sa cybersecurity company na Kaspersky, mahalaga raw ang pagkakaroon ng internet safety upang mailayo ang mga bata sa hindi safe na sites online.

Ayon sa cybersecurity company na Kaspersky, dapat raw tutukan ng mga magulang ang internet safety sa bahay. Ito ay bukod sa pagkakaroon ng mga sites na hindi safe o angkop sa mga bata, posible rin daw mainfect ng mga virus ang computers kapag nagpupunta sa iba’t-ibang mga website.

Internet safety, dapat gawing priority

Base sa isinagawa nilang research, nasa 82.46% raw ng mga virus attacks noong December 2018 ay nakatuon sa mga home users, o sa mga gumagamit ng computer sa bahay.

Bukod dito, 33% raw ng mga gumagamit ng internet sa bansa ay nasa edad 0-14, at 19.6% naman ay nasa edad 15-25. Ibig sabihin, halos kalahati ng internet users sa bansa ay mga kabataan.

Dahil dito, mahalagang tutukan ng mga magulang kung paano ginagamit ng kanilang mga anak ang internet. Mas bahagi na ng buhay ng mga kabataan ngayon ang internet, kaya’t dapat ay gawin itong safe upang makaiwas sa mga virus, o kaya mga sites na hindi pambata.

Importante rin na maging maalam sa paggamit ng internet ang mga magulang. Ito ay upang masabayan nila ang kanilang mga anak, at upang mas maunawaan ang ginagawa ng mga bata online.

Ano ang magagawa ng mga magulang?

Heto ang ilang mga tips para sa magulang pagdating sa pagiging safe online:

Manage 

Mahalaga raw na i-manage ng mga magulang ang screen time ng kanilang mga anak. Dapat ay puwede lang nila itong gamitin sa mga specific na oras, at hindi kung kailan nila nais gumamit ng gadget. Nakakatulong ito para magkaroon pa ng oras sa ibang activities ang mga bata, at hindi lang nakatutok sa kanilang mga gadget.

Meaningful

Ang pangalawang tip ay dapat gawing meaningful o may halaga ang paggamit ng screen time. Bagama’t okay lang mag-games, hindi dapat puro games ang inaatupag ng mga bata sa gadget. Mas mabuti kung nagagamit ito para sa school work, o kaya ay nagagamit ng mga bata upang sila ay matuto.

Model

Mahalaga rin na magsilbing model ang mga magulang pagdating sa screen time. Ito ay dahil ginagaya ng mga bata ang habits ng kanilang mga magulang, kaya’t importanteng ipakita ng mga magulang na responsable sila sa paggamit ng mga gadgets.

Monitor

Advertisement

At huli, mahalagang i-monitor ng mga magulang ang ginagawa ng kanilang mga anak online. Ito ay upang gabayan sila, at hindi mapunta sa mga websites o lugar sa internet na hindi angkop para sa mga bata.

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

Sa pamamagitan ng mga tips na ito, masisiguradong magiging mas healthy ang paggamit ng mga gadgets, at hindi masyadong malululong sa gadgets ang mga bata.

Source: Manila Times

Basahin: Sindikato, ginagamit raw ang FB para magbenta ng baby

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Paggamit ng internet ng mga bata, dapat tutukan ng magulang
Share:
  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

    Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

    Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko