Ang DIY Valentines card ay hindi lang nagpapakita ng paggiging malikhain ng isang tao kundi ito ay isang bagay rin na masasabi mong ‘gawa mula sa puso’ kapag nakatangap ka nito.
Pero, expect the unexpected, hindi lahat ng DIY projects na nakikita mo sa mga stationary store ay hindi kasing ganda ng inaakala mo. ‘Wag kang mag-alala dahil marami pang variety ng ganito ang maari mong gawin! Depende rin sa DIY skills mo at creativity. Plus, kung hindi ka pa nakakabili ng ng regalo sa iyong asawa, ang DIY card ang siguradong sagot sa iyong problema!
10 Cute DIY Valentines cards na maaaring gawin kasama ang anak mo
1. “I Love You More Than…” Card
Ang paper hearts ang magpapatunay kung gaano o kamahal ng iyong asawa. Maaari mo rin itong magamit upang malista ang mga bagay kung bakit mo mahal ang iyong asawa.
Isang simpleng regalo ngunit napakalaking bagay para sa iyong minamahal!
2. Needlework heart
Kunin na ang mga tira at hindi pa nagagamit na yarn at string at gawing isang masterpiece! Gumamit ng stencil para makagawa ng symmetrical na puso!
- Gamit ang martilyo at maliliit na pako, i-pako ito sa maliit na kahoy na hugis puso.
- Pagkatapos, maglagay ng pako sa gitna at bandang taas ng puso.
- Ipaikot ang string sa pako hanggang sa gitnang pako. Hilahin ito bago itali.
- Ulitin ito hanggang sa makagawa ng hugis puso
3. “Open Me When” Origami hearts
Gumawa ng encouraging message sa isang papel na hugis puso. Pwede kang gumawa ng maraming ganito at ilagay sa isang garapon. Atsaka ito babasahin ng partner mo sa iba’t-ibang pagsubok.
4. Tumbling hearts polaroid card
Bakit hindi mo ipakita ng literal sa iyong partner kung paano tumatalon ang puso mo kapag kasama mo siya? Maaaring makatulong sa’yo ng DIY card na ito!
Ang maliliit na nagtatalunang puso ang bida dito!
- Gumupit ng maliliit na puso sa isang colored paper.
- Pagkatapos nito, gumupit din sa foam ng U-shape para masuportahan ang mg mini-hearts. Idikit ito sa card.
- Gupitin ang bintana ng polaroid at ipalit dito ang transparent plastic.
- Idikit ang polaroid sa foam.
- Isarado ang butas sa tuktok ng U-Shaped foam ang adhesive tape para hindi mahulog ang mga maliliit na puso.
5. Message in a bottle
Minsan, ang pinakadabest na regalo ay yung maliliit na bagay. Bigyan an iyong partner ng glass bottle na naglalaman ng iyong message sa kanya. Maaari rin itong i-display sa kanyang kwarto o sala.
6. Date arrows
Maaari mong regaluhan ang iyong asawa ng Cupid’s arrow! Ito ay magpapaalala sa inyo kung paano kayo na lovestruck sa isa’t-isa. Pwede mo rin itong samahan ng maliit na message na nakasabit sa isang papel.
7. Suminagashi card
Samahan ng kaakit-akit na kulay ang iyong card gamit ang suminagashi o paper marbling techniques.
- Maglagay ng tubig sa isang tray
- Maglagay ng ilang patak ng marbling paint sa tubig. O maaari ka ring gumamit ng food coloring o acrylic paint kasama ang cooking oil.
- Gumawa ng swirls o kakaibang pattern sa tubig
- Ilagay ang makapal na papel sa ibabaw ng tubig. Ingatan lang na ‘wag malagyan ng tubig ang kabilang side ng papel.
- Marahang tanggalin ang papel sa tubig.
8. Magnetic poetry
Paulanan ng pagmamahal ang inyong fridge!
Lagyan ng glue magnetic strips ang likod ng iyong cards na naglalaman ng poem. Idikit ito sa inyong fridge at hayaang makita pagsapit ng umaga.
9. Valentines Fortune Teller
Bigyan ang iyong partner ng isang bagay na makakapagbalik tanaw sa kanya noong school days gamit ang paper fortune teller. Lagyan ng nais mong mensahe ang loob nito. Ngunit maaari niyo rin itong palitan ng kakatwang mga mensahe o dares. At hayaan ang kapalaran ang magdesisyon!
10. Cloth Flower Card
Maaari kang gumawa ng rose gamit ang tela. Magputol lang ng maliliit na tela sa iba’t-ibang size. Pagpatung-patungin lang ito para makagaw ng rose. Siguraduhin lang na lagyan ito ng butones para hindi malagas ang rose.