Dog meat, ibinebenta pa rin sa China kahit ipinagbabawal na ito

Dog meat sale pa rin sa China kahit ipinagbabawal na ito alinsunod sa bagong guidelines ng bansa na sinasabing ito ay companion at hindi livestock.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagama’t mayroon ng guidelines na hindi na maaring ipagbili sa China ang dog meat, ito ay hindi pa rin natitigil.

Dog meat sale in China

Binigyan na ng warning ng NGO o non-governmental organization ang mga nagpapatuloy pa rin ng dog meat sale in China. Ito ay kaugnay na rin ng pagkalat ng sakit na COVID-19 o coronavirus na nagmula sa kanila.

Pinaniniwalaang nagmula ang sakit sa mga kumain ng paniki at ito ay nagdala ng matinding health risk sa buong mundo.

Image from Sky News

Pahayag ni Policy Specialist at Humane Society International na si Dr. Peter Li:

“We understand that pandemics are caused by a huge concentration of animals of different species. Animals with compromised immune systems. Dog meat is a potential breeding ground for a pandemic.”

Ayon naman sa mga aktibista na nagpunta ng Yulin, China, mahigit 400 na laman loob ng aso at 200 na laman loob ng pusa ang naibebenta kada araw. Dahil na rin ito sa nalalapit na dog meat festival na nagsimula noong 2010.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Yulin dog meat festival

Ang Yulin dog meat festival ay isang 10-day event sa China kung saan mahigit 10 libong dog meat ang kanilang kinakain. Ang dog eating daw ay isang tradisyon sa China, ngunit marami na rin ang nagprotesta laban dito.

Image from Sky News

Pinaniniwalaan nila na ito ay nagdadala ng swerte at good health. Taliwas naman dito, nakasaad sa bagong guidelines ng China na hindi na maaaring kumain ng dog meat dahil sila ay companion at hindi livestock.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inabisuhan naman ng World Health Organization o WHO ang mga sumasali sa annual event na ito na ang dog meat ay maaring magdala ng rabies at cholera.

Dagdag pa ni Dr. Peter Li:

“Now that the Chinese government has officially recognized dogs as companions and not livestock, we are hopeful that China will take stronger steps to hasten the end of the dog and cat meat trade. For which millions of animals continue to suffer every year. The announcement presents cities across China with the perfect opportunity to act upon the government’s words by protecting dogs and cats from the meat trade thieves and slaughterhouses.”

Image from Getty

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil na rin sa pagputok ng COVID, nag-issue ang China ng ban. Ito ay para sa lahat ng trade at consumption ng wild animals. Ngunit kasalukuyan pang pinag-uusapan kung gagawing permanente ang ban na ito.

COVID-19 sa karne at seafood

Matatandaang nai-report din ang pagkakaroon ng COVID-19 outbreak sa Beijing, China. Ito ay dahil sa tinatawag nilang Xinfadi market. Kung saan pinakamalaki ang wholesale market. Dito nagmumula ang 80% ng fresh produce ng siyudad. Tinatayang nasa 40,000 tonelada ng gulay at prutas ang itinitinda dito araw-araw.

Ayon sa preliminary investigation na ginawa sa posibleng pinagmulan ng virus, itinuturong nagmula umano ito sa mga isdang salmon na ini-import mula sa Europe. Lalo pa’t lumabas rin na ang mga chopping board na ginagamit sa pagtatadtad ng imported na isda ay kontaminado ng COVID-19.

Ngunit ayon sa mga eksperto, ito ay imposibleng mangyari. Base rin sa isang pag-aaral na ginawa ng University College London, tanging ang mga tao at mammals lang na hayop ang maaring ma-infect ng virus. Hindi kabilang rito ang mga isda, reptiles at birds.

Sinuportahan naman ito ng isang pag-aaral na nailathala sa journal na Asian Fisheries Sciences na ang COVID-19 ay dulot ng isang uri ng betacoronavirus na mammals lang ang nai-infect. At ito ay tumatama sa respiratory system na hindi taglay ng mga isda. Kaya naman imposible umanong kumalat ang virus dahil sa isda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID-19 sa pagkain

Para maiwasan rin ang COVID-19 sa pagkain ay dapat sa pamimili pa lang ay alam na ang dapat gawin.

Ayon sa physician na si Dr. Jeffrey VanWingen mula Michigan, magagawa ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sterile technique. Ito ang technique na ginagawa ng mga healthcare workers upang masigurong malinis ang isang equipment o area na gagamitin bago magsagawa ng surgery o iba pang medical procedure.

Sa pagkain at groceries na pinamili, ito ay magagawa sa sumusunod na paraan:

  • Huwag na munang ipapasok sa loob ng inyong bahay ang iyong pinamili.
  • I-disinfect ang mga pinamili.
  • Magkaroon ng dirty at clean area sa pag-didisinfect ng iyong pinamili.
  • Hugasan ang prutas at gulay sa soapy water.
  • Initin ang mga pagkaing ipina-deliver bago kainin.

 

Para sa iyo, dapat na bang itigil ang dog meat festival sa China?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Sky News, Independent

Basahin:

Lalaki sa China, patay matapos mag-positibo sa hantavirus

Sinulat ni

mayie