DOH confirmed case Philippines
DOH confirmed case Philippines, iginiit na wala pa rin. Ayon sa Department of Health, wala pa ring naitalang kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas. Mayroong 23 pang kaso ang inoobserbahan at apat sa mga ito ang na-discharge na kaninang umaga.
https://www.facebook.com/PhilippineSTAR/photos/a.134754620011561/1639421422878199/?type=3&theater
Inoobserbahang Chinese sa San Lazaro hospital, namatay
Samantala, kinumpirma rin ni Health Secretary Francisco Duque na hindi NCOV ang ikinamatay ng 29-year old na Chinese national mula Yunnan, China. Siya ay in-admit sa nasabing ospital noong Lunes matapos mag-positibo sa HIV sa initial screening. Sinabi rin ng direktor ng ospital na siya ay payat na lalaki at may “lung findings” kaya naman agad itong inobserbahan.
Mayroon pang tatlong Chinese na kasalukuyang under observation. Lahat sila ay nakitaan ng sintomas sa initial screening at lahat din ay nanggaling sa Wuhan, kung saan nanggaling ang sakit.
Pagkakaroon ng sariling kakayanan na mag-test ng mga pasyente
Sa kasalukuyan, mayroon lamang tayong isang research institute sa Muntinlupa na maaring makatukoy kung ang isang tao ay nagtataglay ng coronavirus. Ngunit wala pa tayong kakayanang matukoy kung anong specific strain ito.
Dahil dito, nagpadala na ang Japan ng experts upang tulungan ang ating ahensya na ma-contain ang naturang sakit. Maglalaan daw sila ng tinatawag na “primer” na makakatulong upang magkaroon tayo ng kakayanan na matukoy ang specific strain ng coronavirus sa mga hinihinalang may taglay nito. Sa ngayon kasi ay ipinapadala pa sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM Australia ang mga samples upang ito ay masuri ng mga experts doon.
“They are now setting up the lab for this. Once the laboratory is set up in 48 hours, they will be able to start running the tests for the 2019 novel coronavirus here in the Philippines.”
Ayon naman kay Health Undersecretary Eric Domingo, inaayos na ang laboratory at sa loob ng 48 hours ay maaari nang magamit ito.
Bilang ng mga namatay dahil sa novel coronavirus
Umakyat na sa 132 ang mga namatay. Mahigit 6,000 naman ang kasalukuyang infected ng novel coronavirus. At ang mga bansang may naitala nang kumpirmadong kaso ay ang bansang Japan, Australia, South Korea, Vietnam. Mayroon na rin sa Singapore, Malaysia, Thailand at Nepal, Amerika, Canada at France.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC. Hanggang ngayon ay hirap pa ring matukoy kung paano napapasa ng human-to-human ang sakit. Ang tanging nakumpirma lang na impormasyon ay napapasa ito through direct contact.
Ang mga pwedeng gawin bilang paghahanda
Dahil hindi naman maiwasan ng ilan na mangamba dahil sa pagkalat ng sakit na ito, pinayuhan ng DOH ang lahat na gawin ang mga sumusunod upang maiwasan na mahawaan kung sakali.
- Pag-praktis ng proper hygiene tulad ng palaging paghuhugas ng kamay.
- Pagtakip sa ilong at bibig kapag umuubo o bumabahing.
- Pagsusuot ng N95 mask kung lalabas sa matataong lugar.
- Pagluluto ng pagkain nang maayos. Lalo na ng mga karne ng hayop na pinaniniwalaang pinagmulan ng sakit.
- Pag-iwas sa unprotected contact sa mga farm o wild animals.
- Hindi muna pagpunta o pagbisita sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng sakit.
- Pag-iwas sa mga taong may sakit.
SOURCES: ABS-CBN News, CNN Philippines
BASAHIN: Wala pang confirmed cases ng novel coronavirus sa Pilipinas, paglilinaw ng DOH
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.